CHAPTER 1: Beautiful Lady

2606 Words
I am pacing back and forth as I watch the clock's hands move. Paparating na sila. Ayaw ko sanang dumalo sa ninanais ng aming ama ngunit ayaw ko naman na siya ay madismaya sa aking napakawalang kwentang desisyon. He's stressed with work, dadagdagan ko pa ba? At saka, hindi naman niya ako pipilitin kung hindi iyon importatnte. Bakit ba naman kasi kailangan pa akong kasama sa birthday party na iyon? Eh, dati naman ay wala silang pakialam kung hindi ako sumama. At ang sabi pa ng kaibigan ni Dad sa negosyo ay nais akong makita at makilala. I hate socializing with business persons because obviously, most of them are fake. Many are users and some are shedding their dirty skin under that luxurious and neat smile. At alam ko namang alam iyon ng mga magulang ko. But what can they do? That's the business world. And I am a business woman. I experienced it first-hand. I just wore a simple off shoulder black dress. I brought my sling bag and just applied a perfume on my wrists and neck. I still wore a stiletto even if my height doesn't require it. Hindi ko man gusto ang dadaluhan, kailangan ko pa rin magmukhang presentable. I heard consecutive knocks on my door. Wagas naman kung kumatok. Alam ko na kung sino. "Ate, labas na. Lalakad na raw tayo," naiinip agad na turan ng aking nakababatang kapatid na lalaki. "Wait lang. Pasok ka nga muna and see if my appearance is fine please." Kahit hindi ko nakikita ang itsura niya, naiimagine ko na agad ang mukha niyang kaunti na lang ang mauubos na ang pasensiya. Napakasungit but I know he loves and supports me. Nagbibinata kasi. "Ate, maganda kana okay? At saka bakit kailangan mo pang magpaganda?! May crush ka ba roon sa pupuntahan natin?" himutok niyan pa. Natawa naman ako at naglakad na papunta sa pinto. Binuksan ko ito habang ang malaking ngiti ay nakapaskil sa aking mukha. Niloloko ko lang naman siya na tingnan ang itsura ko dahil alam ko na ikaiinis niya iyon. Walang araw na lilipas na hindi ko iyan naaasar. Umabra-siyete ako sa kamay niya at kinaldkad na siya pababa ng hagdan. At naroon na nga naghihintay ang mga magulang namin na handing-handa na sa pupuntahan namin. Mom is wearing a black fitted dress that's also an off shoulder and Dad is wearing a formal suit as usual. We rode in our white Toyota Hiace. This is our family car. I already had mine when I reached college which is six years ago same with my brother who is now in his 3rd year as an engineering student. Iyon kasi ang kasunduan nila Dad. Bawal ang car kapag high school pa kaya't mayroon kaming sariling driver noon na naghahatid at nagsusundo sa amin sa school o saan mang pupuntahan namin. Matapat naman akong sumunod sa kasunduan dahil alam kong para din iyon sa ikabubuti namin. "Make sure to wear your smiles when we reach the venue. There are so many associates that will attend. Ikaw Lester, inaasahan ko na iniwan mo ang kasungitan mo sa bahay. Shakira, I know you know what to do. Maraming naghahangad na makilala ang CEO ng isa sa mga kilalang kompaniya sa bansa sa mura niyang edad na twenty three. Sana ay mapagbigyan mo sila," mahabang salaysay ng aming ama na inaayos ang buhok niya. "Can I just sit there? I hate your associates Dad." Pagtatapat ko. "I know sweetie but just this once. We need them." He has a point. Tumango na lamang ako at huminga ng malalim. "Sino nga ang may birthday Daddy?" tanong ni Mom. Oo nga, sino kaya? "Yung anak ni Mr. Sebastian. I think he's of age with Shakira now or a bit older." Ah, hindi ko kilala. But I know Sebastians are one of our company's major stock holders. Kinutingting ko na lamang ang aking cellphone at nagbasa ng mga emails. It would be a boring night again. Ilang minute rin ang itinagal ng biyahe naming at ngayon ay marahang pina-park ng driver ang sasakyan naming. Pagkababa pa lamang ay agad kong inilibot ang paningin ko sa isang five star hotel. Sa Sebastian din pala ito dahil sa naglalakihang pangalan nito sa taas. Not bad. Nasa entrance pa lamang ng hotel ay agad na may sumalubong sa amin na mga tahimik na photographers at nakuha naman nito ang atensiyon ng mag-asawang naguusap sa may b****a. Agad sumibol ang ngiti sa labi nila at naglakad patungo sa amin. Mister Sebastian and his wife. They both look good together. Kasing edaran lang sila ng Daddy ko. I know these people as business persons having a clean record. Tingin ko ay sila lamang sa mga narito ang malinis ang intensiyon sa isang negosyo. Ang iba kasi ay dahil lang para kumita at hindi sa pagtulong sa nakararami. A good entrepreneurs' goal must be guided economically and socially. Hindi pwedeng sa kita lang titingin kung may maaapektuhan naman na ibang tao. That's not how a business should be started at. "Thank you for coming to our son's birthday. Though it's a bit sudden, you had your way to come here. We really appreciate your presence." "Oh, we can't miss one of your family's important events. By the way..." Dad paused and I saw my brother advance his steps and offered the long paper bag to our father. Alam ko na ang laman noon. Isa sa mga wine collection ng Daddy at talagang may kamahalan ang mga iyon dahil nanggaling pa iyon sa Brazil. Hindi pa rin ako napapansin ng mag-asawa dahil ako ay nasa likuran lamang at nanunuod sa nangyayari sa harap. "Naku, mukhang alam ko na ang laman nito. Siguradong magugustuhan ito ng anak namin. Come, kayo na rin ang magabot niyan sa birthday boy." Pagaanyaya ni Mrs. Sebastian sa amin. Sumiksik naman ulit sa akin ang kapatid ko kaya naman napansin nila ako. Agad na nanlaki ang mata ni Mrs. Sebastian at ang ngiti sa kaniyang mga labi ay lalong nadepina. "My! Look who's here!" she amazedly said. Hindi ko rin alam pero ganyan lagi ang reaksiyon ng mga taong nakakakita sa akin. Bago ako pumasok sa business world, inaasahan ko na ang ganito pero hindi pa rin ako masanay at ayaw ko ng mgamatang nanunuod sa akin. "Hi Ma'am. It's a pleasure meeting you po. Same goes with you Mister Sebastian," magalang kong sabi sa kanila at inilahad ang aking kanang kamay. "I didn't expect to see you here..." alam kong may nais pa siyang idugtong pero hindi na niya itinuloy. "Thank you for coming," singit ng asawa niya. Matapos ang usapan doon ay dinala na nila kami sa loob. Sobrang elegante ng mga gamit, mula sa chandelier na mala-ginto, maging ang mga kagamitan at mga telang ginamit. Sa gitna ay may naka-projector na mukha ng lalaking may kaarawan. Muntik na akong matulala ng makita ko ang mukha ng lalaki at ang malaking 27 na numero sa gilid nito. A bachelor. Mukhang masungit pero mayroon sa mga mata niya na wari mo ay kinakausap ang kaluluwa mo. I wonder how he looks in person. Bigla akong napapitik sa isipan ko dahil sa kyuryosidad na nararamdaman pero hindi ko mapigilan. Hindi ko pa kasi siya nakakasalamuha at wala rin akong nadidinig na balita mula sa anak ng mga Sebastian aside sa anak nilang babae. Maybe he stayed abroad. Narinig ko rin ang ubo ng aking kapatid na akala mo ay inaagaw ang atensiyon ko. Napatingin ako sa kaniya pero sa iba siya nakatingin. Problema nito? Narating na namin ang aming lamesa at papaupo pa lamang kami ng may tumugtog na nakaagaw pansin sa lahat. Nagsitayuan ang mga nasa paligid kung kaya ay nanatili na rin kaming nakatayo. Lumapit muli sa akin ang aking kapatid kahit na may distansiya ang bangko naming dalawa. Dahan-dahang lumabas ang lalaki mula sa likod ng mini stage na nakasuot ng itim na Amerikano. Hindi ko pa lubos na makita ang mukha niya dahil sa daan siya nakatingin at hindi sa paligid. Base sa postura niya, alam kong maskulado ang katawan at talagang may kataasan siya kumpara sa akin. At nang marating niya ang harapan ng mini stage, hindi lang ako ang namangha sa itsura niya dahil hindi nakawala sa pandinig ko ang pagsinghap ng mga kasamahan ko na dumalo sa event na ito. Nadepina ang malalim niyang mata ng kaniyang makapal na kilay. Ang ilong niya ay matangos at ang labi niya ay perpekto. Kahit sa malayo ay pansin ko ang adams apple niya na lalong nagpalakas ng dating niya. Okay, gwapo. Narinig ko na naman ang nakakainis na ubo ng kapatid ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya sa akin. "Laway mo 'te, tulo na," nangaasar niyang sabi sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at umubo ng mahina upang mabalik ako sa katinuan. Nagsalita ang emcee ng event at ipinakilala ang lalaki. "Let's all welcome... our birthday celebrant, Justine Zaffron Sebastian as he welcomes his twenty seventh birthday and the new CEO of Sebastian Realty Incorporated," Ibinigay ng emcee ang mike sa lalaki habang patuloy pa rin sa palakpakan ang mga tao. "Good evening," panimula niya. His voice sent chills to me. Ano ba naman 'to. Feeling ko ay ngayon lang ako nakakita ng lalaki at kung maka-react ang katawan ko ay hindi ko maintindihan. Narinig ko na naman ang pekeng ubo ng kapatid ko pero hindi ko siya pinansin at nanatiling nakataas ang noo na parang walang epekto sa akin ang lalaki. Wala naman kasi talaga. "Thank you for coming everyone. Please enjoy this night." Iyon lang ang sinabi niya pero parang nag-echo lahat sa tainga ko. Kinurot ko ang sarili ko at siniguradong nasa katinuan na naman ako. Nagsiupuan na ang lahat matapos ng napakahabang speech ng lalaki. Ghaad, iyon lang? Mukhang masungit pero wala na akong pakialam doon. The crews started serving each tables. We ate silently as the soothing music envelopes the wide room. We are done with the first serving and just watch the program. Naguusap na kami ng kapatid ko habang hawak-hawak ko ang wineglass nang biglang tumayo ang Daddy at Mommy. Naagaw noon ang atensiyon namin at nakita namin ang pamilya Sebastian na nasa harap ng mga magulang naming. When I say pamilyang Sebastian, lahat sila maging ang anak na may birthday at ang babae nilang anak. I saw the lady looking at me and I felt something bad on her stare. Napabalik ako ng tingin sa kaniya pero nakangiti na siya ngayon. Ipinagsawalang bahala ko lamang iyon. I gracefully sip the small amount of water on the glass and stand up. Sumunod naman ang kapatid ko at andyan na naman ang masungit niyang mukha. Kahit kalian talaga. "George, this is our son, Justine and our daughter, Maxine. Mga anak, they are the owner of Cheng Architectural Firm and one of our company's stockholder." "George Cheng. Happy birthday and welcome to business world." "Justine Sebastian Sir and thank you for coming," magalang na sagot ni Justine at tinanggap ang kamay ni Daddy. Hindi naman pala masungit. "Hi po. I am Maxine Sebastian and I am the youngest. Pleased to meet you all," matinis na pagpapakilala ni Maxine at nakipagkamay kay Daddy at nakipag-beso kay Mommy. She's sweet. Sunod na nakipagkamay ang kapatid ko at ako na ang sunod. I flashed my genuine smile and talked, "Shakira Dennise Cheng, pleased to meet you both." I offered my hand to Maxine but instead of accepting it, she shrieked silently. "I'm so happy that I got to meet my idol. I am a fan of yours po talaga. Can I hug you instead?" she cutely asked and I was shocked with her sudden reaction from me. Ha? Ako, idol? Fan siya? Eh?! Tatango pa lang sana ako pero niyakap na niya ako ng mahigpit. Sana hindi na lang siya nagsabi pala. Napangiti naman ako habang magkayakap kami dahil sa pagka-jolly niya. I suddenly wanted to have a sister. Napatuwid naman ang tingin ko at nagtama ang tingin naming ni Justine. Agad akong nag-iwas ng tingin at hinintay na bumitaw si Maxine pero mukhang wala siyang balak. Ayaw ko namang tanggalin dahil baka mabastos ko siya. "Maxine, enough," saway ng Daddy niya. "Sorry Ms. Shakirra, she just look up to you that much." Napatawa naman ako, "It's okay po and you can just call me Shakirra." Kumalas na rin si Maxine sa yakap at saka naman lumapit si Justine. "Justine," sabi niya. Ang tipid bigla. Kung ano ang ikinasigla ng kapatid ay siyang tamlay niya. Charot. Nagkaniya-kaniya ng usap ang mga magulang ko at si Lester at Maxine na lamang ang buhay pa ang atensiyon sa amin. "Shakirra," sabi ko at inilahad ang kamay. He just stared at it. Bigla naman akong nahiya at babawiin ko na sana ng kuhain niya ito at dalhin sa kaniyang labi. "You are such a beautiful lady. Pleased to meet you, Shakirra." Agad na tumambol ang puso ko at muntik ng mawala ang postura ko. Kalma Sha. Hindi ka naman nabastos. Birthday niya at marami ang tao. Maybe it's just his way of greeting other people o iyon ang nakagawian niya sa ibang bansa. Akala ko ba masungit? Bakit biglang may paganito? Bigla akong napatingin sa paligid at nakita ko na nanunuod na ang karamihan maging ang mga magulang naming na may mga ngiti sa labi maliban sa kapatid ko na masama ang tingin sa kamay kong hawak niya. Ayaw ko naman bawiin dahil sa mga nanunuod pero ayaw ko ng ganito. "This is our gift, by the way," singit ng kapatid ko at doon ako nagkaroon ng tiyansa na bawiin ang kamay ko. Nakadalawa na ulit ng serving pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kay kanina lamang. Though it is not my first time to receive this kind of gesture, I didn't expect him to do this. I didn't felt harassed or what dahil maayos naman ang pagkakahaawak niya so wala naming dapat ikagalit. Nakauwi na kami at iba na ang usapan nila pero hindi pa rin ako maka-move on. Shakirra, ano ba? Nakapagpalit na rin ako ng damit at handa ng matulog ng may biglang kumatok sa pinto. It's already ten o'clock in the evening and I am feeling sleepy. I suddenly saw my hand again and memories of what happened a while ago flashed again. Halik lang iyon sa kamay. Wala lang iyon. "You're such a beautiful lady." "You're such a beautiful lady." "You're such a beautiful lady." Naginit ang pisngi ko. Halos mapatalon ako ng may bigla na lamang nanggulat sa akin. "Ate!" "What?! My ghad Lester, you almost gave me a heart attack," I said as I clutched on my chest. "Kasi naman ate, I'm just gonna say good night but I think your mind is wandering somewhere. Parang alam ko na kung ano iyan." Base sa tono niya ay alam kong mang-aasar na naman iyan. "Ano?" agresibo kong sabi at tinalikuran siya para ayusin ang comforter. "Can't forget..." Pambibitin niya. "Hindi noh!" "Oh tingnan mo, wala pa akong sinasabi." "Ewan ko sa iyo!" "Asan kiss ko saka hug ate? Pati good night?" sabi niya na may pagtatampo. Ang baby boy ko. Kahit masungit, may pagka-sweet pa din. Nakaalis na ang kapatid ko at nakahiga na ako ng bumalik na naman sa ala-ala ko ang nangyari kanina. "You're such a beautiful lady." "You're such a beautiful lady." "You're such a beautiful lady." Hindi naman ito ang unang beses na makakarinig ako ng ganito pero bakit parag ang OA naman? I angrily stared at my ceiling and counted. Sleep Shakirra. May trabaho ka pa bukas. _____________❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD