CHAPTER 2: Late

2335 Words
"Good morning Mam." Sumalubong sa akin ang masisiglang bati ng mga empleyado ko dito sa kompaniya na hinahawakan ko. Actually this company is my idea then I consulted it to my parents at ayun nga, dahil hindi sapat ang ipon ko ay sila na ang tumulong sa akin para maipatayo ito. This company is named after my name, SDC Investment Holdings Incorporated. I am an accountant by profession. Aside from this, I am still part of my parent's business. May kompanya na kami dati pa which is, Cheng Architectural Firm at ito ay nakagawa na ng pangalan sa mundo ng negosyo at si Daddy ang CEO. Sabi pa niya dati, bakit hindi ko na lang i-handle ang kompanya namin kung ililipat din naman iyon sa pangalan ko? Sinabi ko lang na pangarap ko rin na magkaroon ng sariling kompaniya at kung maari ay si Lester na lang ang maging tagapagmana ng CAF. Kinausap ko rin si Lester sa ideyang iyon at pumayag naman siya. At ito na nga, limang taon na sa industriya ang SDCIHI. "Good morning," bati ko pabalik sa kanila. "Kamusta ang rest day niyo?" Dugtong ko sa mga iilang empleyado na kasabay ko sa elevator. "Okay naman po Mam. Kayo po?" sabay-sabay na sagot nila. May pa-chorus pa. "Maay-" bigla ko na naming naalala ang nangyari sa akin kagabi pero agad ko iyong iwinaksi sa isipan ko. Umubo ako ng pasimple at sumagot ng ayos. "Maayos din naman." Matapos kong sumagot ay tumunog naman ang cellphone ko kaya, ang mga kausap ko ay naguusap na ng sa kanila. I saw a message from my brother. Ate, you didn't wake me up. Sabi ko gisisingin mo ako. Guess what, I'm running late. Napangiti naman ako ng mabasa iyon. Hindi niya alam ay ginising ko siya kanina kaso nga lang napakalalim talaga ng tulog niya kaya pinabayanan ko na lamang. It must serve a lesson to him. "Boyfriend yata ni Mam." Bigla akong nakarinig ng bulungan. Hindi pala ako nag-iisa. I saw my reflection on the glass wall. Parang tanga pala akong nakangiti ng mag-isa habang nakatingin sa cellphone ko. Tumunog na ang elevator hudyat na may lalabas na. Ako na lang ang natira at hinintay na dumating sa tamang floor. Hindi ko pa kailangan ng boyfriend sa totoo lang. I'm still building my own self and what I really want. Dahil sa ngayon, alam kong hindi pa ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Maaaring may bigla akong maisipan na gawin at iyon pala talaga ang nais ko. Pero hindi sarado ang puso ko na pumasok sa isang relasyon. Bago marating ang aking opisina ay sinalubong na ako ng aking sekretarya na si Lanie. "Good morning Mam. How are you po?" she asked as she opened the door for me. She is already thirty and still single. I don't want a mother for a secretary dahil alam ko ang tawag ng responsibilidad ng isang ina. In case of emergency, baka hindi ko agad mahagilap dahil kailangan ng anak o ng pamilya niya. So it's better this way. Her commitment should be intact with the company. "Hi Lanie. Thanks for asking. I'm good. Ikaw ba?" "Okay din naman po Mam. Nakapag-beauty rest naman po kahit papaano." "That's good. Sana all Lanie nakapag-beauty rest ano?" Sakay ko sa biro niya at nagtawanan kami. "Ay naku Mam! Hindi mo na po kailangan non kasi maganda na po talaga kayo." "Asus, sa susunod pa ang bonus mo ha," natatawa kong sabi at naupo sa swivel chair ko. "Anyway, what's my schedule for today?" She opened her tablet and started reading my schedule. "By nine po you have to attend a meeting with the team for their proposals regarding the stock matket that we are eyeing. At pagkatapos po noon, you have to check the report from the finance department. And by 2 in the afternoon, we're going to have a visit on Sebastian Realty Incorporated." Trabaho ko rito sa kompanya ko at trabaho sa kompanya ni Daddy mamayang hapon. Halo-halo na iyon pero okay lamang. I love what I am doing. Lester is still studying so I will be the one to help my parents first. Napakarami kasing project ngayon na request ng mga client ng CAF. At dahil gusto ng Daddy na hands on kami mismo sa project kaya ako na ang nag-volunteer na maghandle ng isang project nila. Though I am not an architect, maraming staffs ang magga-guide sa akin. All I need to do is monitor the project and review the budget as well as the expenses. "Mukhang maluwag naman ang schedule ko today, thanks for organizing it well, Lanie." Actually, my work here in my company is not that hectic. But, all works and reports should always be eyed and studied. And we should always be in trend of the feasibility of investing in the stock market. Lastly, the security of my investor's money should be well handled and the dividends should always be realized accurately. Mabusising gawain pero dahil the best of the bests ang mga heads ng bawat team ko ay nagiging madali dahil sa maayos nilang trabaho. Some of my classmates back in college are working here, and of course, my two best friends are working here also. Wala ang dalawang iyon dito ngayon dahil nasa vacation sila. I suddenly miss them. "It's my job Mam. Anyway, did you have your breakfast na po? Want me to prepare a tea?" "I'm done with my light breakfast but, sure. I think I need a tea now. After that, you can go back to your post na. I will call you if I need something," sabi ko sa kaniya ng hindi tumitingin dahil busy ako sa pagbubukas ng MacBook ko. Napasandal ako sa upuan matapos magtsaa dahil feeling ko ay inaantok pa ako. By 2 in the afternoon, we're gonna have a visit on Sebastian Realty Incorporated. Bigla akong napatayo sa pagkakasandal dahil doon. Napaupo ako ng dahan-dahan ng marealize kung gaano ka-OA ang reaksiyon ko. Nagiging OA na nga talaga yata ako. Sana okay ka pa, Shakirra. Siya na nga pala ang bagong CEO. Ito rin ang unang beses na tatapak ako sa kompaniya na iyon dahil may project kami na gagawin at sila ang magiging client namin. Bagong business partner iyon nila Dad pero doon iyon sa isang kompaniya namin at hindi ito. I just met them sa party kagabi. Bigla akong napaisip sa mga nangyayari kasama ang pamilya Sebastian na dati ay tahimik naman. It seems odd. But maybe I am just overthinking. Huminga ako ng malalim at naghanda para sa meeting. The meeting went smooth and I am already done with my lunch. I am currently reading the hard copy of the reports I have when my phone beeped. Honey, may meeting ka raw ngayon sa SRI? This will be your first time right? Mabuti at nameet mo na sila kagabi. I hope your proposal with them would be successful. Nakahanda na rin dito ang team ng Daddy mo. Nagbriefing naman siguro muna kayo ano? It's my Mom. Napangiti naman ako ng mawala ang kaba ko ng dahil doon. Kahit naman ako ay CEO na, hindi pa rin sa akin nawawala ang kaba kapag may makakaharap na bagong kliyente dahil sa posibilidad na hindi nila magustuhan ang proposals namin though I trust the capabilities of our team. Siyempre, ang mga tao naman ay may iba-ibang preference at paniniwala. Kaya nga sa business, kailangan mong kilalanin muna ang kliyente mo, ang mga interesado sa business mo o tinatawag na stakeholders at maging ang mga kalaban sa negosyo. Before, I don't know anything about my family's business, making houses, condominiums, buildings and such before. But as time goes by, as the head accountant of the finance and auditing department of CAF, I get along. Alam ko na ang kalakaran. Tinawag na ako ni Lanie kahit na may isang oras pa bago ang meeting. It's better to be early than late. Hindi pwedeng nagaaksaya ng oras dahil naniniwala talaga akong time is gold. Nauna na ang team sakay ng aming company van at kasama ko sa aking sasakyan si Lanie na nagda-drive ng kotse ko. Ewan ko rin ba sa kaniya, okay lang naman kasi na ako na lang pero makulit siya kaya hinahayaan ko na lamang. Huminga ako ng malalim nang pina-park na ni Lanie ang sasakyan. Malaki ang kompaniya nila at tantya ko ay 12 floors ito at bawat palapag ay may kalawakan rin. Narito kasi kami sa basement style nilang parking. Sa parking ay may elevator na, na kung saan doon kami sasakay at dadalhin kami sa kung anong floor na ang pupuntahan namin. Kahit hindi na kami dumaan sa entrance ng building as long as may consent kami to do so. Lanie entered 9. Naririnig ko ang malalalim na hininga ng mga kasamahan ko at ramdam ko rin ang bigat ng hangin sa loob. "Guys, relax. This isn't your first time. We can do this, alright?" mahinahon kong sabi sa kanila. Nakita ko naman ang sabay-sabay na pagbaba ng balikat nila. They are slowly relaxing. That's one of my job. That is to motivate and help them grow and not to drag them down. At ayun na nga, nalimutan na nila ang tension at nagkaniya-kaniya na sila sa pagbubukas ng mga topic at maging ako ay sinasali nila. Walang naa-out of place sa amin and that's good. Nagpalakpakan ang lahat matapos ng aming successful proposal with the Sebastian. Sumangayon sila sa isang design at nagsuggest na lang sila na may alisin at may idadagdag. Everyone is very happy. At alam kong walang hihigit sa kasiyahan ng team ko. They deserve a reward. Isa-isang nagtayuan ang mga board ng SRI at ako ay kinamayan nila. Tinanggap ko naman iyon ng buong puso at may totoong kasiyahan sa mukha. Huli ay ang pamilya Sebastian. "Congratulations Miss Shakirra. Hindi nga kami nagkamali sa pagpili sa kompaniya ninyo." "No, thank you for trusting Cheng Architectural Firm. We will do what we should in order to give you the best of what we can." Tapos na magligpit ang team ng turn na ni Justine sa paglapit. Sumenyas lang si Lanie na lalabas na muna sila. Maiiwan na naman ako sa mga ito. "Can we invite you for dinner? It's part of welcoming and thanking our partner in the project," sabi ni Justine. "Anyway, congratulations," he said as he offered his hand. Tinanggap ko naman iyon. Handa na sana akong bawiin dahil sa isiping uulitin niya ang ginawa niya kagabi ngunit hindi naman. Napansin niya yata iyon kaya nakita ko ang pigil na ngiti sa labi niya. "I'm afraid to say no. I have to treat my team but if your means would permit you, you are welcome there," nasabi ko iyon as a sign of courtesy and of course to be polite. At the back of my mind, I am confident that they won't come but what Mr. Sebastioan replied, caught me with my mouth opened. "Oh, I think our son can do something about it. Thank you for the counter invitation. We'll leave you two dahil may importante pa kaming lakad ng asawa ko." Lumapit siya sa akin at bumeso. Ngumiti naman ako sa kaniya at hinatid sila ng tingin palabas dahil may kasama pa ako dito sa loob. Kami na lang dalawa ang naiwan. "So, what time will I go? And where? Can I get your contact number instead?" Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway dahil doon. Pero dahil kliyente sila, I have to be polite. Kinuha ko ang business card ko sa bag ko at iniabot sa kaniya. "Here, just call or text me. See you Sir," I said dismissing every topic he might brought up. Dahil unti-unti na akong naglakad palabas ay sumabay na rin siya. "Thank you again for trusting our company to do one of your biggest projects." "Looking forward to working with you Ms. Shakirra." Ipinagbukas niya ako ng pinto at nang papalabas na ako ay naramdaman ko ang mainit niyang kamay habang inalalayan ang kabilang siko ko. Baka naman aksidente lamang. Nakauwi na kami sa kompaniya at dahil tapos na ang working hours namin, naghahanda na kami para sa pa-blow out ko sa team namin. I almost forgot that we are having a companion when my phone beeped. Isang hindi rehistradong numero ang nagflash sa screen ng cellphone ko. Hi. I have something to do. Will try to catch up. Keep safe Miss beautiful. -Justine Ipinalanagin ko na sana ay hindi na lang siya makarating at maipit sa kung ano man ang biglaan niyang gagawin. Dinala ko sila sa isang exclusive na bar na pagmamay-ari ng kaibigan ko. Fortunately, wala siya rito. "Okay guys, drink moderately okay?" Paalala ko bago sinenyasan ang waiter na dalhin na ang mga pagkain at drinks na para sa kanila. I ordered a margarita for myself. Sa kanila ay beer dahil iyon naman talaga ang gusto nila. Nasa gitna na kami ng kasiyahan. Nandito lang ako sa pinaka dulo at pangdalawahang upuan na may arm rest habang pinapanuod at nakikisabay sa tawanan nila nang biglang may humawak sa balikat ko ng marahan sabay landas ng malambot niyang kamay sa bewang ko. Nagulat naman ako kaya napalingon ako sa kung sino iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita si Justine sa isang casual na kasuotan. Suot ang simpleng itim na damit at jeans. Nakasuot din siya ng puting sapatos at nakasuot siya ng putting sombrero. Ngumiti siya sa akin kaya naman nginitian ko rin siya pabalik. Isang awkward na ngiti. Ngayon alam ko hindi na aksidente ito. Nakasanayan niya na siguro sa kinalkihan niya o sadyang ganyan lang siya? I can't feel harassment or something on his touch though. I feel different. It only sent shiver down my spine. And I'm really having a goosebump right now. What are you up to Justine? "Hi! Sorry I'm late," sabi niya sabay ngiti sa akin. Hindi na ako nakasagot at basta na lamang akong nakatitig sa kaniya. _______________❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD