Hope’s POV
“Good morning, Doctor Laurente. What a surprise!”
I had a surprise visit in Shakirra’s company. She is the one who gave me a go signal to come here.
Lanie was shocked when she saw me. Ilang buwan na rin kaming hindi nakakapagkita at palaging si attorney ang nagre-representa sa akin. I nodded at her and smiled. “I want to talk to Mister Sebastian over something.”
“Wait po, I’ll just call him.”
Tumango naman ako pero walang sumasagot sa kaniya. Nasa loob pero hindi masagot-sagot ang tawag.
“This is his office right? Pasok na ako.”
“Pero po-”
Sinundan niya ako at handang pigilan sa pagpasok pero hindi na ako nagpaawat. I need to be a bit rude. My wife said to do this surprising acts to caught them in whatever they are doing.
Nagulat ako sa nakita pero nagpanggap na hindi ako naapektuhan. Yumuko ako at handa nang tumalikod nang makabanggaan ko si Lanie.
You can’t just see your boss naked, humping over a girl and while eating the p***y of another girl…
Fuck! I f*****g both know those two girls. What a f*****g pig! I could cuss each second just because of what I saw. Nangingilabot ako.
“Bakit po, Sir?”
Umiling ako, hindi ipinapakita ang pagkadisgusto sa nakita.
“I forgot something in my car.” I closed the door gently para hindi na niya makita pa ang nakita ko at hindi rin kami mapansin ng nasa loob.
Nagtataka man ay bumalik na siya sa kaniyang post. Tatalikod na sana ako nang makita si Savannah na maraming bitbit na mga gamit. Is she resigning?
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. “Dok!”
Ngumiti ako sa kaniya nang maliit. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa akin noong isang araw. “Hey, what’s up?”
Ngumiti siya sa akin. “I already sold my share in this company. I am planning on staying abroad.”
I was shocked with what she’s said.
“Is there a problem?” tanong ko at lumapit sa kaniya. Mukha kasing nahihirapan siya sa cart na tinutulak kung kaya’t kinuha ko ito sa kaniya. Mayroon pa kasi siyang bitbit sa kabilang kamay. Bakit wala siyang katulong? Isa siya sa mga may-ari nito diba? At least kahit sa mga cleaning staffs, may tumulong sa kaniya.
Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi niya pero agad din itong nawala.
“Everything’s well, dok. I just think that I would find a good fortune away from here.”
Kahit ang mga salita na lumabas sa bibig niya ay kataka-taka. Naalala ko na, lumulubog na nga pala ang SDCIHI. Maybe that is her reason. But I know there's something else.
“You’ll bring this to your car?”
Tumango siya at nagsimula nang maglakad. Sinabayan ko naman siya sa bilis ng lakad niya.
Nang makapasok sa elevator ay napansin ko na tulala siya. May problema nga talaga siya. “Magiging okay din ang lahat.” Pagpapagaan ko ng loob niya.
She gave me a small smile. “I hope so.”
When we reached the parking, she pressed the key fob of her car. She opened the trunk and started placing the things on the cart. Ako na ang nag-abot sa kaniya.
Ilang minuto rin ang natapos nang Ilagay niya nag ibang gamit sa back seat. I helped her by opening the door. Iniabot ko na rin sa kaniya ang mga natirang gamit sa cart para hindi na siya nahirapan.
Nang matapos ay lumabas siya. “Thank you for helping me. Baka mamaya pa ako natapos kung hindi ka tumulong.”
Kahit sino naman siguro ang makita ko sa ganoong katayuan ay tutulungan ko talaga.
“Don’t mention it.”
“Paano ba ako makakabawi sa iyo?”
Natatawa naman akong umiling. “You don’t need to. May pasyente pa ako sa ospital na kailangan intindihin. I just came here to talk to Justine but he is busy with something.”
Umasim ang mukha niya sa sinabi ko. Alam niya kaya? Ito ba ang gusto niyang sabihin sa akin? Ang tungkol kay Justine at sa mga kalaguyo nito? At talagang sa opisina pa talaga. Wala man lamang proper etiquette sa katawan.
“He is always busy with something.”
Tumawa na lamang ako kunwari. f**k, I am becoming a fake person.
“So, kailan ka aalis?”
“Right after tomorrow. I already have my ticket to New Jersey.”
I nodded. “I hope you’ll find your happiness there.”
“I would be happy if you are there.” Panloloko niya sa akin. I laughed with her joke. I don’t like where this is heading.
“Why are you laughing? I’m serious.”
Umiling na lamang akong muli. Tumingin ako kunwari sa relo ko. Wala talaga akong pasok ngayon pero dahil ayaw ko naman na magtagal pa rito ay magkukunwari na lamang ako.
“I have to go. Take care alright?”
She nodded. Patalikod na sana ako nang hilahin niya ako. Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa biglaan niyang ginawa.
She is now holding the back of my head, while moving her lips against mine. Napakapit ako sa balikat niya para maitulak siya pero mahigpit ang kapit niya sa ulo ko. She deepened the kiss. Mas nilakasan ko ang pagtulak sa kaniya.
“Savannah!” sigaw ko nang magtagumpay na makalas ang pagkaka-kapit niya sa akin.
“What the hell are you doing?!”
“It’s just a farewell kiss!”
“f**k! You should not do that for God’s sake!” I shouted at her, frustrated. Napasabunot ako sa buhok kong naka-wax. “Get inside the car before I disrespect you,” sambit ko, nagpipigil.
“Come on! I will stay in New Jersey for good. At least for a remembrance.” At talagang nangungulit pa siya.
“Really, Savannah? I am a married person. Hindi mo ba iyon alam?”
I saw her shocked face. Hindi lang ang mga mata niya ang nanlaki, maging ang bibig niya ay namilog din.
Napasapo siya sa noo at napahilamos sa mukha. Humarap siya sa akin na may nahihiyang mukha. “s**t! I’m sorry. I’m sorry,” she apologetically said and quickly entered her car. Matapos ay humarurot bigla ang sasakyan niya.
Fuck! Sinipa ko ang invisible na bato at naglakad patungo sa sasakyan ko. Sumandal ako at pumikit. Since I married Shakirra, kahit pa man para sa plano niya iyon, ipinangako ko na siya lamanga ng may karapatan sa katawan ko at wala ng iba pa, ganoon din ako sa kaniya.
I looked at the rearview. Mabuti at walang smudged lipstick sa mukha ko. Masyadong malisyosa pa naman ang mga kasama namin sa bahay. Inayos ko ang buhok ko at nagdrive na pauwi.
Pasado alas-dyis pa lamang ng umaga. May nadaanan akong flower at chocolate shop. I bought a bouquet of Dalia and a big box of Ferrero. Pakiramdam ko ay biglang may kasalanan ako sa kaniya at kailangan kong bumawi.
Bumusina ako nang nasa malapit na. Lumabas agad si Maylyn at binuksan ang gate. I headed straight to the parking area. Nang maayos na mai-park ang sasakyan ay pinatay ko na ang makina. I get my present to my wife and breathed out.
Bakit kinakabahan ako?
Bukas na ang main door nang pumasok ako. Busy sa kusina ang tatlong babae. Matapos ay agad na hinanap ng mga mata ko ang aking napakagandang asawa.
Naroon siya sa living area, nakaupo habang nakikinig sa paborito niyang instrumental music. Kapag walang ginagawa ay ito na ang kinahiligan niya.
Papalapit na ako sa kaniya nang bigla siyang tumayo at humarap sa pwesto ko. Napatigil ako nang ngumiti siya sa akin at naglakad patungo sa kinatatayuan ko.
“Hope!” masaya niyang bati sa akin.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina.
“Sha… I have something for you.”
Mas bumilis ang lakad niya at narating ang harapan ko. “Really? What is it?” masaya niyang tanong na parang batang bibigyan ng kendi.
Saglit kong nakalimutan ang nangyari kanina. “Give me your hand.”
Mabilis niya naman itong sinunod at mas lumawak ang mga ngiti sa labi. f**k! Nakaka-inlove, puta!
Inilagay ko sa ibabaw nang dalawa niyang nakalahad na kamay ang pumpon ng bulaklak. Maayos niya iyong iniyakap sa kaniyang kamay at ipinaglandas ang mga daliri sa mga bulaklak at tangkay nito. Inamoy niya rin ito pagkatapos.
Mabuti na lamang at hindi rosas ang kinuha ko. Baka nasugatan pa ang malambot niyang kamay.
“Dalia?” paninigurado niya.
“Yes, asawa ko.”
“OMG! This I my favorite flower, asawa ko!” Masaya niyang puna at halos mapatalon pa. “This is so beautiful,” she dreamily said na parang nakikita niya sa isip niya kung gaano ito kaganda. Hindi ko alam na ito ang paborito niyang bulaklak at hindi ko rin in-expect na magugustuhan talaga niya.
Teka! Tinawag niya akong asawa ko! f**k! Naiihi pa yata ako sa kilig.
“Give me your free hand.”
“There’s more?” tanong niya at inilahad din agad ang kamay.
I placed the box of Ferrero on her hand.
"Ano ito?”
“A box of Ferrero.”
Napatili naman siya pero maya-maya ay may mga luha ng nagsilabasan sa mga mata niya.
Oh s**t! Didn’t she like it?
Lumapit ako sa kaniya at pinunasan kaagad ang mga luhang tumulo sa pisngi niya. “Why?”
“Because… because…” nahihirapan niyang sambit. “I’m just so happy. I really appreciate this gesture. I just hope I can see how beautiful these flowers are. And the chocolates, this is also my favorite. Thank you so much Hope.”
Hinila ko siya at sinubsob sa dibdib ko. May kaunting pagitan pa rin sa katawan naming dahil sa yakap niyang bouquet.
“Starting from now, I am going spoil you with all your favorites.”
“Thank you so much, asawa ko,” malambing niyang saad pero mahina. Sapat na kami lamang ang makakadinig.
Hindi pala talaga guni-guni ang sinabi niya kanina. Ganito pala siya kapag masaya.
“I want to kiss you right now.” It's the first time she said this.
Nagulat ako sa bulong niya sa akin. Kiss? I stiffened. “Now, asawa ko?”
“Yes.”
“But they will see us.” Ang tinutukoy ko ay ang tatlong babae na nasa kusina. Pasimple ko silang nilingon. Ayun nga at parang nanunuod ng telenobela. Sabi na eh. Sabay-sabay din silang nagsipagbalikan sa kanilang ginagawa.
“Galing pa pati akong labas, I need to wash up. Mamaya na lang po after we eat?” Hindi niya ako pwedeng mahalikan nag hindi ko pa nahuhugasan ang labi ko. Ako pa talaga ngayon ang nag-iinarte sa halik. Kung hindi lang ako nahalikan ng Savannah na iyon ay susunggaban ko kaagd siya.
She pouted. Tumango siya matapos ang ilang sandali at bumalik na sa pagkaka-upo niya kanina. Bitbit niya pa rin ang ibinigay ko sa kaniya.
Nagtampo ba siya?
“I’ll just clean up, okay?” Kahit halik sa buhok ay hindi ko nagawa.
Bwisit kasi na Savannah iyon.
Tumakbo ako sa kwarto at dumiretso sa banyo. Chance ko na ulit ang halik na iyon. Baka mapurnada pa. Balak ko sanang maghilamos at mag-mouth wash lamang pero naisipan ko na maligo na rin. Pakiramdam ko ay nasa balat ko pa rin ang haplos at halik ng babaeng iyon. Bwisit talaga.
A farewell kiss? Just f**k!
Nang makalabas suot ang roba ay siyang labas naman ni Emma at Lovelyn sa kwarto. Dinala nila rito ang pagkain namin for lunch. Nakaupo lang si Shakirra sa kama, bahagyang ginagalaw ang dalawang paa niya na parang bata. Cute.
“Dito na lang tayo kumain,” seryoso niyang saad.
Galit ba talaga siya?
“Okay. Come,” pag-aaya ko sa kaniya.
“I can manage,” malamig niyang sambit.
“Asawa ko…” nahihirapan kong saad dahil sa pakiki-tungo niya sa akin. Unti-unti siyang naglalakad patungo sa mini table rito sa kwarto na pinaglagyan n gaming kakainin.
She didn’t gave a response. Hinila ko siya at niyakap.
“Sorry na po.”
“Okay lang.” Nakatungo siya habang yakap ko.
“Sha…” Hinawakan ko siya sa dalawang pisngi. Pinanatili niya na nakatagilid ang mukha niya. She’s upset.
“Of course, I want to kiss you so bad, Sha.”
“Then why can’t you kiss me earlier? Dati nga…”
“Dati ay ano?” nangingiti kong tanong.
“Wala! Naiinis ako sa iyo. Huwag mo akong kausapin!”
Gusto ko mang masaktan ay hindi ko magawa. Natatawa pa nga ako. “We can kiss now,” malambing kong saad sa kaniya.
Medyo yumuko ako para magpantay ang mukha namin dalawa.
“Ayaw ko na!”
“Talaga ba? Eh, bakit dito pa tayo kakain kung pwede naman sa labas? May balak ka bang masarap, asawa ko?”
Nais niyang kumawala pero hinigpitan ko ang pagkakayakap sa likuran niya. “Kain na tayo para pwede na tayong maghalikan.”
“Hope!”
“Akala ko ba asawa ko?” panloloko ko pa lalo.
“Isa!” At nagbilang na siya.
“Kain na nga tayo nang iba naman ang makain ko.”
Nag-uusok na naman ang ilong niya at halos pumutok na ang pisngi niya.
“Dalawa!”
“Eto na nga. Halika na rito mahal na prinsesa. Basta ha, iyong kiss ko after we eat.” Parang bata kong paninigurado dahil baka hindi na naman matuloy.
“Just stop talking,” strikta niyang saway sa akin.
“We will kiss later ha, Sha.”
Masama siyang bumaling sa akin. “Oo na nga po. Tatahimik na.”
______________❤️