Chapter 23: Lunch Box

2173 Words
Shakirra’s POV Months have passed and so far, we got to be one of the highest stockholders in C&SAF o Cheng & Sebastian Architectural Firm. We are not yet half of our plans yet. Sinabi ko kay attorney na hayaan ang mga Sebastian na magtagumpay na mapalitan ang pangalan ng kompaniya. Maganda iyon, para hindi sila magtaka na may pumipigil sa gusto nila. Hindi dapat sila magtaka sa biglaang pagpasok ni Hope sa kompaniya. Nakakatawa nga lang, talagang pinagsama pa nila ang mga apilyedo namin para sa kompaniya. Cheng and Sebastian. To hell with them. They never know how much my parents drank blood and nails just to reach what our family company has now. Isa pang nakakalungkot, ang kompaniya ko ay unti-unti nang nalulubog. Pero okay lamang iyon para sa akin. Akin ang kompaniya na iyon kaya ako ang tanging nakakaalam kung paano ito palalaguin muli. Pero, hindi pa sa ngayon. Bahala sila na mamroblema. “Mam, narito na po si coach.” I was cut off by my trance when Lovelyn called me. “Come again?” “Si coach po kako, narito na. Halika na po,” magalang nitong sambit. Nagbabait-baitan ang babaeng ito dahil may nagawa sa aking kasalanan noong nakaraan. “Asan sila?” Ang tinutukoy ko ay ang dalawa pa niyang kasama. “Nasa labas po, iniintindi ang lugar na pagti-trainingan niyo po.” “Okay,” sagot ko sa kaniya at tumayo na. Nagkukunwari ako na nagtatampo sa kanila pero ang totoo ay sobra-sobra ang pagpipigil ko sa pagtawa. Paano ba naman kasi, may pinainom sila sa akin. It burned up my desire to have s*x and there, may nangyari nga sa amin ni Hope. Iyon lang naman ang naging kasalanan nila. Alam ko pa rin naman ang nangyayari noong mga panahong iyon at ginusto at nagustuhan ko naman ang nangyari sa amin. It’s just that, the next day, nagkahiyaan na kaming dalawa. Thanks to Hope who would erase that awkwardness by bullying me again. Hindi ko lang talaga nagustuhan na pinainom nila ako ng ganon. Nakakahiya kaya kay Hope. I know I got wild, I am trying to control it but I really feel so hot and I wanted to feel something inside me. Isang buwan na rin na civil lamang ang trato ko sa tatlo. May sorpresa rin kasi ako sa kanila kaya pinanindigan ko na kunwari ang pagtatampo. Hindi katulad dati na kailangan pa nilang alalayan ako, ngayon ay kaya ko nang maglakad mag-isa dito sa buong bahay nang hindi nababangga o natutumba gamit lamang ang stick ko. “Good morning, Miss Dennise.” Bati sa akin ni Coach Serwin. He helps me in my aerobic activity, simple combat and strengthening my senses. I nodded at him and greeted back. May isa pa siyang kasama na tumutulong sa kaniya. “First, how was your sleep?” “It’s good.” “Hindi ka po ba napuyat?” “Bakit naman ako mapupuyat?” masungit ko na tanong sa kaniya. “Kasi po… ahm… wala po. Nagtatanong lang.” Narinig ko ang ilang hagikhikan. Anong akala niya sa akin? Gabi-gabi na nakikipag-anuhan kay Hope? Isang beses pa lang namin iyong nagawa at wala pa akong balak muli na mangyari iyon. Nakakahiya kasi talaga tapos hindi ko pa siya makita. Tapos nang minsan na muntik nang may mangyari muli sa amin ni Hope ay may mga kiss marks ako sa leeg at napansin iyon ng lahat ng kasama ko rito sa bahay, maging si coach. Nagsisimula na kasi ako noon sa training. Naaga si Hope sa pagpasok kaya hindi niya ako nasabihan na mayroon akong marka. Nakakahiya, kaya feeling nito ay lagi akong napupuyat. Huwag daw kasi akong magpupuyat at makakaapekto ito sa kalusugan ko at sa pagko-kundisyon sa isip at pakiramdam ko. Akala naman bata ako kung pagsabihan. Eh, ang doctor nga na kasama ko, okay lamang na magpuyat ako. Hindi pa ako pinagbabawalan. Pinaupo na ako ni coach para masimulan ang training ko. Nang matapos sa pagpapakiramdam sa sarili at sa paligid ay pinatayo niya naman ako at tinry niya na paluin ako mula sa likuran. Agad ko naman itong nasalo ng stick ko saka umiwass. Another object is coming on my back. Yumuko ako para maiwasan ito habang kapit pa rin ang kanina lamang ay sinannga ko ng aking stick. Inihagis ko ang stick ko para matanggal ang bagay na iyon. I stepped back and waited for something to happen. “You’re doing good, Dennise. Now, for the main event.” I heard footsteps in front of me. “Tell us who is in front of you.” Pinakiramdaman ko ang paligid lalo na ang nasa harapan ko. I first chose my sense of smell to identify the person. Too bad, she had used her perfume. Easy to identify who she is. She is smiling at me, I know that. Coach had taught me how to identify emotions. She’s smaller than me. “Emma,” I said smirking. They clapped their hands. Nang matapos ay nagtanghalian kaming lahat sa labas. Si coach ay mapagkakatiwalaang tauhan ni gov. Cielo dito sa Manila. But, he knows that Hope and I are really married, like romantically. Nabanggit ko kay Hope na nais kong magsanay at agad naman siyang pumayag. Serwin is in his mid-twenties. Still young. Nasisiguro ko na may hitsura rin kung paanong nariring ko ang bulungan at iritan ng tatlong babae na kasama ko. Mga harot-harot talaga. I never thought I would enjoy the training. Natututo na ako sa simple combat using only my stick and my senses. “Try niyo rin po nang kahit kayo lamang nina dok Hope ang pagpasok at paglabas ng sasakyan.” I nodded. “Okay. Thank you for today, Serwin.” Hinatid ko sila ng tingin kahit na hindi ko naman talaga nakikita. Unti-unting nawala ang tunog ng sasakyan nila kung kaya’t tumalikod na ako at babalik na sa loob. I have visualized in my mind the structure of this house. Kung dati ay purong kadiliman ang nakikita ko, ngayon, sa isip ko, may larawan na akong nakikita. Mapatao man o bagay. Wala pa ring donor ng cornea na dumadating at nahahanap kami. I know it’s hard but sometimes, I’m losing hope. Kaya nga, unti-unti ko na ring tinatanggap kung sakali mang hindi na talaga ako makakakita. Kahit ganoon, hindi pa rin niyon matitigil ang paghihiganti kong binabalak. Hope’s POV “Dok, may nagpadala po ng lunch box para sa inyo.” Katatapos ko lamang maghugas ng kamay sa lavatory nang tawagin ako ni nurse Toni. Lunchbox? Pinadalhan ba ako ng asawa ko? Tumango ako sa kaniya at dali-daling nagpunas ng kamay. Nasa lamesa ko na ito nang madatnan. Naupo ako at pinaghiwalay ang mga container. Bale, apat ito, mayroon sa kanin, ulam, gulay at dessert. Did Shakirra sent this? Tingin ko ay nagblush ako nang dahil doon. I got my phone in my bag to call my lovely wife. Ilang ring lamang ng sumagot ito. “Hi, asawa ko!” “Hope! Kamusta?” “Okay naman. Heto at kakain pa lamang ako ng lunch. Kayo ba?” “Tapos na po kanina pa. It’s past 1 na ah, saan ka kakain?” Ha? Saan kakain? Siya ba talaga ang nagpadala? “Dito lang sa opisina. May pagkain na rin ako dito. May nagbigay kasi, akala ko nga ay ang magandang asawa ko ang nagpadala.” “I haven’t sent you food.” “Ganon ba? I’ll just ask Toni then. Ingat ka riyan ah. I miss you,” malambing kong pagpapalam bago patayin ang tawag. Nang tatanggalin na ang paper bag sa lamesa ay may nalaglag na note galing doon. “Watch out for your health, my doctor.” What the hell? Walang pangalan na nakalagay kaya hindi ko alam kung kanino galing. Dahil sayang naman ay kinain ko na rin ito at hinugasan matapos maubos. Masasarap at masusustansiya lahat kaya nagustuhan ko. Nagpalipas lamang ng ilang minute at nagbalik na ulit sa trabaho. Si Shakirra lamang ang laman ng isip ko. I was inspired each time. Break ko nang tumawag si doktora Sheryll. “Hello, doktora. Kamusta po?” “I’m fine, Hope. I just want to inform you that we still haven’t find a donor for Shakirra.” Nalungkot ako nang dahil doon. Sha is dying to see things. I wanted her to get back her sight. “Wala pa rin po kaming balita rito.” “Call me once you found one, okay?” Natahimik ang linya namin. “Why don’t you bring her abroad?” she added. “Should I?” “It’s just my suggestion. I can transfer her case to my friend in US. They could get her a donor for just a week and the operation, everything always went successful. Please consider this.” Natulala ako. I am thinking about doktora’s suggestion. It was a good idea. Halos kalahating taon na rin kaming magkasama ni Shakirra pero wala pa ring nangyayari. I know that operations aroad would cost half millions or more. I still have money to spend so, it’s not a problem. And if it’s for Shakirra, expenses won’t matter anymore. Dapat pala ay dati pa lamang ay naisip ko na ang ganitong ideya. Hindi man lamang ako nakaramdam ng pagod nang matapos ang trabaho ko sa maghapon. My phone beeped when I entered my car. Can we meet again? I’m here at the restaurant we’ve met before. It’s Savannah again. Ngayon na lang ulit siya nagparamdam matapos nang ilang buwan ng huli naming pagkikita. Nagdrive na ako patungo sa restaurant na iyon. What is up to her this time? Agad naman siyang tumayo nang makita ako. Kung dati ay para siyang takot na takot, ngayon ay maayos ang postura niya. Maganda rin ang kasuotan at awara niya, akala mo ay may date. “Hi?” patanong kong bati sa kaniya. “Hi, dok! How have you been? I heard you are buying and buying stocks at C&SAF. Baka mamaya, mamalay-malay kami, ikaw na ang may-ari noon.” Natatawa pa siya. Napatawa rin kunwari sa biro niyang iyon. Biro man pero alam ko na magiging totoo iyon. It’s my wife’s plan. I suddenly miss her. “So? Why did you invite me? Is there something wrong with SDCIHI or you have a problem?” Napailing siya agad. She suddenly touched my arm. “I just thought you need a break from work. Did you received the food that I sent you earlier?” Nagulat ako nang dahil doon at sa naging akto niya ngayon. Pasimple ko kunwaring inayos ang relo ko, hinila ang kamay para hindi niya mahawakan. May iba kasi akong naramdaman sa kaniya. Why would she send me those? And this act? “Wow. So, it was from you. Naubos ko nga, salamat, Savannah.” Ngumiti siya nang pagkalaki-laki. “I’ll be sending you lunch or snacks then.” Napangiti naman ako nang peke. Ang asawa ko nga, hindi ako pinapabaunan, siya pa. “I appreciate your courtesy, but no thanks. I don’t want to put burden unto you.” “No, no, no. It’s okay.” Malamlam siyang tumingin sa akin. Napaiwas naman agad ako ng tingin at kunwari ay uminom ng tubig. “No. I’m good,” sagot ko na lamang at inayos ang damit na suot. I suddenly feel uncomfortable. Nagkibit-balikat na lamang siya pero sa itsura niya ay tingin ko ay may balak pa rin siya. Niyaya na rin niya ako na kumain. Nakakahiya man ay hindi na ako tumanggi. “Where is your friend, Joy?” Napatigil siya saglit. “I don’t know. Maybe on her jerk boyfriend.” Mapait ang tono niya. Maging ang mukha niya. “And you know, I don’t think we are still friends after what she did.” Nagpanggap ako na concern sa kaniya. “Ang ginawa ba niya ay talagang maka-sisira ng relasyon niyo bilang magkaibigan?” “Yes!” pasigaw niyang sagot. Agad naman niyang tinabunana ng bibig niya. “I’m sorry. I just… I just can’t accept it.” “What do you mean.” “Remember Justine?” Tumango naman agad ako at naging focused sa sasabihin niya. “Kasi-” Naputol ang sasabihin niya nang malaglag ang dala-dala ng waiter sa may malapit sa amin. Napatayo naman kami dahil baka matalsikan ng tubig o ng bubog. Ilang minuto lamang at bumalik na kami sa table naming at nagsimula ng kumain. Hindi na rin niya naituloy ang sasabihin. She looks in panic again. What is wrong with her, really? Lumabas na kami ng restaurant at handa na akong pumasok sa sasakyan ko nang tawagin niya muli ako. “Why?” I asked her but what surprised me is when I felt her wet lips on the side of my lips. What the hell. “Bye, dok!” sabi nito at tumalikod, mabilis na sumakay sa kotse niya. Napamura ako nang maraming beses. f**k! Shakirra’s face flashed in my mind. I’m sorry, asawa ko. Hindi ko iyon ginusto. __________❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD