7

1481 Words
“You sure, you can go by yourself?” hindi ko alam kung ilang beses na tinanong ni Ana yon, simula nang sabihin ko sa kanya na gusto ko mag ikot, gusto nya sumama pero inaatake sya ng migraine nya. “Oo nga, ako bahala, tsaka ang laki ng hotel na to,” tukoy ko sa hotel na pinag iistayan namin, “Hanggang sa dulo ng isla, kita to, kaya hindi ako maliligaw,” pangungumbinsi ko sa kanya, kasi gusto ko talaga mag ikot, kasal na kasi bukas at huling gabi na rin ng bakasyon ko. “Okay, I’m sorry I can’t come with you,” tinawanan ko lang sya nang marinig ko ang mahina niyang mura dahil sa sakit ng ulo niya, “Call me when anything happen, kahit ano pa yan, I’ll go running for you, alright?” Sumaludo pa ako sa kanya, dahilan para bahagya siyang tumawa, “Yes, ma’am!” Umiling pa sya at marahan akong itinulak, “Go and have fun, call me,” Tumango ako at nagsimula nang maglakad, ginusto ko na rin na mag isa mamasyal, sanay naman kasi ako na ganito, hindi rin uso sakin ang nagsasabi ng problema, nasanay na rin siguro ko na sa murang edad, ako na ang sinasandalan nila Jane at Macoy. I don’t know where my life went wrong, basta na lang naging ganito, masaya kami, kumpleto, may pera kami para mabili ang mga bagay na kailangan at gusto namin, pero sa isang iglap lang, nawala lahat, namatay si papa, naubos ang mga inipon namin, nagkasakit si mama, at kahit operahan sya, hindi pa rin sigurado kung gagaling pa sya at babalik sa dati. Nag aral ako, nakagraduate ako, pinilit ko talaga na hindi masayang ang lahat ng per ana ibinabayad sa tuition ko, nag scholar ako, nag working student, dati akong admin sa isang malaking establisyimento, maganda ang sinasahod ko, hanggang sa pinag interesan ako ng isang guest, inakala na makukuha niya ako sa pera. Hindi nasunod ang gusto niya, at malakas ang koneksyon sa company, ang ending, syempre pipiliin ng company kung ano ang profitable sa kanila, at hindi ako yon, kaya ako ang natanggal, hindi ko rin alam kung anong hokus pokus ang ginawa ng sira ulo na yon, after nang nangyari, hindi na ko ulit nakapag hanap ng trabaho, mukhang ginamitan ng mahika ng pera at koneksyon. Kaya kahit gusto ko ng maayos at regular na trabaho, hindi ko magawa dahil sa manyak na yon, pero may isa akong naapplyan, at mukhang wala sa listahan nya yon, nakapag apply ako, at shortlisted ako para sa mag uunder ng interview. Sana makapasok ako, maganda kasi ang offer lalo na sa salary, time friendly din ang pwede maging schedule, Monday to Friday, eight am up to five o’clock, bayad din ang over time at hindi thank you nlang, kaya hinihiling ko n asana makapasok ako sa secretarial position. “Hindi ko yata gusto tabas ng bibig mo, mayabang ka, eh mag isa ka lang naman,” narinig ko na boses ng isang lalaki sa di kalayuan, medyo groggy na rin ang boses nya, parang medyo lasing na sabog, ganon. “Let me rephrase it, mayabang lang naman kayo, kasi marami kayo,” sagot ng isang lalaki, “Am I wrong? One, two, three, four, ohh, seven bastards, how sweet,” nang uuyam na dugtong nya. May away ba dito? Dahan dahan akong naglakad papunta sa pinanggagalingan ng boses, pitong lalaki nan aka beach shorts at mga naka polo, dalawa sa kanila ang may hawak na kutsilyo. Sandali lang ha, akala ko ba, exclusive island to? Bakit may mga sanggano dito? Akala ko ba pili lang ang nakakapasok dito? Bakit parang may mga sira ulo na naligaw dito, saan sila dumaan? Sa ilalim ng dagat, pero base sa ugali nila, mayayabang sila, mukhang mayayaman, may kakilala sila sa isla? “Ahhh, I always made sure that the guest here must be well known by the co-owners, how come you are able to come inside? How did you get in, under the sea? Are you some kind of monsters?” muntilk na ko matawa nang malakas nang marinig ko yon, parehas kami ng iniisip? Astig! “Aba, putangina ng lalaki na to ah, akala mo kung sino ka magaling, guest ka lang din naman dito, wag mo kami pakitaan, kilala namin ang may ari ng isla na to, at sya ang nag papasok samin dito,” “Here we go agai-“ hindi na sya nakapagh salita ulit nang suntukin sya ng lalaki sa harapan nya, dahilan para mitumba sya. Narinig ko ang nang aasar na tawa nila, “Akala ko pa naman mabilis ka susuntok, mabagal pala, ano, tayo, palag dyan,” Tumawa lang yung nag iisang lalaki tsaka dumura, kita ko pa na may dugo at may kaunting cut ng labi nya, malamang sa suntok nung lalaki, nakita ko sa gilid na, iniabot ng lalaki sa likod ang kutsilyo na hawak nya sa lalaking nasa harapan. Hindi ko alam kung napansin yon nang lalaki na nakaupo sa buhanginan, amba na susuntok ulit ang lalaki pero kutsilyo na ang hawak nya nang kusa na lang gumalaw ang katawan ko at sinipa ang kamay nang lalaki. “Ah! Fvck!” sigaw niya, narinig ko ang mahinang lagatok ng mga buto niya, medyo nanibago na rin ako dahil ngayon na lang ulit ako nakasipa sa tagal nang panahon, “Puta! Sino ka ba!” nanlilsik ang mata niyang tumingin sa akin, “Humanda ka sakin!” sigaw nya at pinilit tumayo. Ang mga kasama naman nya, walang ginagawa, tinignan lang ako mula ulo hanggang talampakan, kita sa mga mata nila na may kamanyakan silang taglay, at hindi ko rin alam kung kaya ko sila lahat, dahil na rin siguro sa adrenaline rush, nahila ko ang lalaki na nakaupo sa buhangin at sabay kami tumakbo. Tama nga ako, lasing sya, amoy na amoy ko ang alak sa damit at katawan nya, nakakahilo ang amoy, pero isinantabi ko na lang iyon at tumakbo habang hila hila sya. “Punyeta! Bumalik kayo dito!” sigaw nila, medyo malayo na ang boses nila samin. “Ayoko!” sigaw ko at mas binilisan ang takbo at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa lalaki, sir ana yata ulo ko,. Bakit ako pumapasok sa gulo na wala naman akong kinalaman? Kasi kung totoo ng ana kilala nila ang may ari nito, malamang bukas lang, mapapalayas na ko sa isla na to, at hindi na makakapagtrabaho. Pero mamaya ko na iisipin yon, putsa, kailangan ko muna makalayo sa mga pamgit na to! Sa hilatsa ng mga mukha nila, kaya nila kami ilibing ng buhay, mga lasing pa naman, at kung malas talaga ko, maimpluwensya pa! “Hoy, lalaki, bilisan mo! Pag ikaw nadapa, susuntukin kita!” sigaw ko sa katabi ko, sakto may nakita ako na grupo ng mga tao na naka bonfire, sa gilid non ay may tent, tumingin akoi sa likod at nakita na may grupo na papalapit samin. Hinila ko ang lalaki papasok nang tent. Kulang na lang hindi ako huminga sa sobrang kaba, ilang Segundo lang narinig ko ang mga boses nila, hinahanap kami, pero dahil hindi alam nang mga taga tent na pumasok kami dito, magtataka yon kung sino hinahanap ng mga pangit na yon. Marahas na tinignan ko ang lalaki sa gilid ko, nakangisi lang sya sakin, “I didn’t know, na may babae pala na kaya ako itakbo nang ganon kalayo masolo lang ako,” kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya, “Here you go, I’ll give you what you want,” sabi nya, nanlaki ang mata ko nang mapansin na unti unti niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng beach polo niya sa harapan ko, “I mean, hindi ko to-“ Hindi ko na sya pinatapos at agad na sinampal siya, “Bastos! Sana hinayaan na lang kita mabugbog at masaksak don! Ang kapal ng mukha mo!” Akala ko maooffend sya or what, pero tumawa lang sya nang mahina, “I know, you want to play hard, alright, I’ll giv-“ This time hindi na sampal ang ibinigay ko, isang malakas na suntok, dahilan para mapahiga sya at mawalan nang malay, “Buti nga sayo, bastos ka, sana pinabayaan na lang kita,” Gigil na sabi ko marahas na binuksan ang tent tsaka dali dali na lumabas. Bahala sya makita nang mga tao naa papasok sa tent. Wala syang utang na loob, akala pa, katawan nya habol ko, ni hindi ko nga naisip yon, at hindi ako manyak, hindi rin mapagsamantala. Ang kapal talaga nang mukha! Babalik na lang ako sa kwarto ko, sana pala hindi na lang ako lumabas, ni hind inga ako nakapag ikot ng ayos, pesteng lalaki yon. Mabilis na nakabalik ako sa hitel room ko, naligo at nahiga, naiinis pa rin ako, sana hindi ko na sya makita ulit dito. Lintek na manyak yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD