Napagdesisyunan kong 'di muna umuwi at bumili ng ihahapunan ko. Ako lang mag-isa mamaya dahil sabi ni mama kaninang umaga dun siya sa lumang bahay namin magpapalipas ng gabi. Aba matindi! Parang honeymoon nila ah! Hinayaan ko nalang din bahala sila total mga matatanda na naman sila. Nakapila ako sa paborito kong kainan na nasa food court nitong mall nang may biglang kumalabit sa 'kin. Pagkalingon ko ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko si Chamyto na ang lapad-lapad ng ngiti. Magkakalahating taon na din ang nakalipas simula nang huli naming pagkikita. Last time na nagkita kami nung araw na lumipat kami sa bagong bahay sa Happy Homes. "Bruha ka! Kumusta ka na?" Tanong niya sa 'kin at sinabunutan pa ako ng bahagya. "Ayos lang. Pa-kiss nga Chamy! I missed you so bad." Pagdadrama ko

