46 (Unedited)

4127 Words

Mabilis akong umalis ng lugar na 'yon nang walang ingay, wala namang nakapansin sa akin dahil abala silang lahat. Binilisan ko ang kilos ko dahil baka mamaya ay dumating na si Arius. Pero muling gumapang ang kaba sa aking dibdib nang makita kong nakabukas na ang ilaw sa loob. Sht, nakauwi na siya. Tinignan ko pa ang cellhone ko para makumpirma ito, pero napamura ako ng makita ang mensahe nito at tinatanong kung nasaan ako. Tinago ko ang bagay na kinuha ko sa Sable sa loob ng aking damit bago ako pumasok. "Sa'n ka nagpunta?" bungad na tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung pandinig ko ang may problema dahil medyo nanginig ang boses niya. "Sa Sable, may kinuha lang ako." "Ano?" Napapikit ako nang ilang beses at wala siyang ibang nakuhang sagot sa akin kungdi ang pag-iling. Hindi naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD