"Hindi, ate Jen," tumikhim ako. "Pwedeng dito muna ako matulog? Nagka-" "Aba, sige," hinila niya agad ako papasok sa condo niya. Kinuha niya pa ang gym bag na may lamang damit 'ko. "Teka, kukuha ako ng pagkain. Nako, bawal kang ma-stress at magutom! Baka hindi na tayo pag-pyestahan niyan sa mga pelikula!" aniya sabay halakhak. Nakitawa na rin ako. Tinignan 'ko ang phone 'ko na may 47 missed calls ni mommy, may 12 missed calls ni Nia at 14 missed calls ni Yara. Napailing na lang ako. "Tinawagan ako ng mommy mo bago 'ka dumating, tinanong sakin kung nandito 'ka. Sabi 'ko wala. Mukhang si mommy mo talaga ang hindi mabubuhay pag wala 'ka." Inihain niya sa'kin ang kanin at fried chicken na in-order niya pa sa jolibee. Mukhang 'yon ang hapunan niya. "Ayan lang pagkain 'ko, pasensya na. Extr

