Sa nakalipas na tatlong buwan na nakatira kami ni mama dito, walang araw na 'di bumibisita si papa dito sa bahay. Kulang na nga lang dito na talaga siya tumira eh. At sa loob ng tatlong buwan na 'yun, 'di ko pa siya nakakausap. Kapag nagkikita kami dito sa loob ng bahay, sinusubukan niyang kausapin ako kaso iniiwasan ko siya. Kapag may tinatanong naman siya sa 'kin tango lang ang isinasagot ko. Ganyan din ang naging pakikitungo ko kay mama lately although kinakausap ko siya paminsan-minsan, pero 'di na tulad ng dati na nagkukulitan kaming dalawa parang may gap na. Kusang lumalayo ang loob ko sa kanila. Masama talaga ang loob ko. Minsan nga iniisip ko kung masama ba akong tao dahil nagalit ako na nagkabalikan ang mga magulang ko. Iyo'ng ibang mga anak nga sobra-sobrang natutuwa kapag nagkaa

