"Okay, kindly introduce yourselves." sabi ng adviser namin na si ma'am Sarmiento. Unang nagpakilala si Nia. Sumunod si Yara. Kabado akong tumayo saka pumunta sa harap. Lahat ng mata nila ay nakatingin sa'kin. Nanlalambot ang tuhod ko dahil do'n. Sanay ako sa mga maraming tao at matang nakatitig sa'kin pero dahil iba ang sitwasyon at ibang tao na naman ang pakikisamahan ko ay kinakabahan ako. "I'm Chantrea Denise Madriaga Hescavio. I'm 15 years old. You can call me Treya." usal ko sabay ngisi. Malalaki ang hakbang kong bumalik sa kinauupuan ko. "You look tensed and... hmm nahihiya. May problema ba?" bulong sa'kin ni Yara. Umiling na lang ako't hindi na sumagot sa kanya. Hindi ko na rin siya tinapunan ng tingin at nag-focus na lang sa teacher na nasa harap. "TWO hundred seventy po, ma'a

