Napalunok ako sa ginagawa ko. Hibang na ako kung ganon. Desperada na kung ganon. Hindi rin naman nila malalaman kung totoo ba ito o hindi. Tinipa ko sa Google ang nais kong mahanap. I clicked Image. Isa-isa kong binuksan ang bawat larawan at naniniguradong hindi sikat ang mapipili. Napangiti ako nang buksan ko ang larawan ng isang lalaking nakablue polo, malaki ang ngiti at klaro ang kulay brown nitong mga mata. Nasa isang cafe siya na medyo pamilyar sa akin. But then, sa panahon ngayon halos parepareho na ang interior ng mga cafes. Right? So binalewala ko ang background ng picture niya at agad nalang itong sinave. I clicked Change Profile Picture and uploaded the photo I saved a while ago. I changed the Account Name, s*x, Age, and other information. Save. Huminga ako nang malalim at aga

