Sinenyasan ko si Nia na kausap ko si mommy. Tumango lang siya. Lumabas agad ako bago sagutin ang tanong ni mommy. "No, mommy. May nagc-celebrate ng birthday sa katabi naming table kaya maingay. Okay lang ako rito, mom. Rest ka na. 'Wag mo na po akong hintayin baka matagalan pa kami ni Nia, Gio at Yara dito. Nagkakasayahan pa kami, mom, saka celebration na rin ng pag-graduate namin." "Okay, okay," labag man sa loob ni mommy ay sumang-ayon na lang siya sakin. "Mag-iingat ka. Wag sasama sa mga boys. I love you, anak. Good night." "Good night, mom. I love you." Binaba ko na ang tawag. Binalingan ko ang bar na maingay dahil sa mga taong wild na sumasayaw at naghihiyawan sa dance floor. Pumasok na ako. Naabutan kong may kalampungan na si Gio na maganda at maputing babae. Si Yara ay kalampung

