Nakarating ako sa Chocolates and Berries na lutang. Iniisip ko kasi iyo'ng ginawa ni Jonathan kanina habang papunta pa lang ako dito. Pangalawang beses na niya ito'ng ginawa. Una, noong araw na kasama ko si kuya pauwi, pangalawa na 'to ngayon. 'Di ko maiwasang isipin na baka may nagawa akong mali. Baka nagalit siya sa 'kin dahil umuwi ako kaagad kagabi? 'Di ko naman kasi kasalanan 'yun eh, kundi lang sana umatake ang migraine ko kagabi eh 'di sana nakapagbonding kami ng matagal-tagal. Pagkapasok ko sa loob ng Chocolates and Berries agad kong tinanaw ang buong establisyemento ngunit wala akong nakitang Marvin. Napapatingin na rin sa 'kin ang mga iilang customers na nasa loob palinga linga kasi ako. Hanggang sa napagdesisyunan ko nang umupo sa bakanteng table sa sulok malapit sa glass windo

