Nang matapos akong maligo, nagbihis agad ako. Pagkatingin ko kasi sa oras alas dos bente na, may 40 minutes pa bago mag alas tres. Sana lang 'di ako maipit sa traffic para makarating ako kaagad sa Chocolates and Berries may kalayuan pa naman 'yun mula dito sa bahay. Hinahablot ko nalang kung ano man ang makita ko sa loob ng cabinet ko. Wala akong panahon para mamili ng susuotin ngayon. Nagmamadali ako. Nagulat nalang ako ng makitang puting T-Shirt pala ang suot ko. Nakakapanibago, 'di ako sanay ng 'di nagpapatong ng cardigan o jacket o kahit na ano na pwedeng matakpan ang mga braso ko. Bahala na nga! Si Marvin lang naman ang kikitain ko. 'Di ako masyadong macoconscious sa mga braso ko. Pinaresan ko nalang ng faded tattered jeans ang suot ko at sinuot ko rin ang puti kong rubber shoes. Nag

