Nandito kami ngayon sa ibang restaurant ng Ignaciyo Park hindi doon sa resto na nag confess siya. Kasalukuyan niya akong inaalagaan parang baby. "Kain na tayo." Sabi niya. "Wait, diba nililigawan mo ako so mag pakilala muna tayo ng pormal." Sabi ko out of nowhere. Siya naman ay may pagtataka sa tingin pero mahina rin siyang napatawa. Yung puso ko naman tuwang tuwa nang tumawa siya. "Ganon ba yun?" Tanong niya. "Ganon yun... ata?" Pagkasabi ko nun ay natawa ulit siya. Clown ba ako? First time ko sa mga ganito eh malay ko ba. "Cute, sige sino mauuna?" "Ikaw nalang muna." Tumango nalang siya bilamg pag sang ayon. "Hi, ako ng pala si Archer Ardiente isang engineering student na mahal ka." Pagpapakilala niya with a twist. Pisti puso kumalma ka. "Ok, hi ako si Alzena Cielo Del Luna, ang

