Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang limang taong paghihiwalay ay ngayon ko ulit naramdaman ang init ng kanyang palad. Saglit akong napapikit at kasabay nun ang pag-alingawngaw ng galit na boses ng nakaraan "Hwag na hwag mo akong hawakan, hayop ka! Isinusumpa ko na kahit kailan ay hinding-hindi mo na ako mahahawakan, Flynn! Kinamunuhian kita! Kinamumuhian ko ang mga kamay na yan!!" Bigla akong napabitiw mula sa pagkakahawak sa kanya kaya muli syang napaupo sa gilid ng kama na tangay ako. Ramdam kong pumalibot ang kanyang braso sa aking katawan at ikinulong nya ako sa kanyang matitipunong dibdib. Mabilis akong nagpumiglas pero mas lalo akong napasubsob sa kanyang katawan. "Pakawalan mo ako, Flynn! Ano ba!" Bulyaw ko sa kanya. "No, never!" Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayapos

