"Ginagawa mo?" Takang tanong ko sa kanya. "Good morning!" Bati niya sa 'kin at tumingin ulit ng diretso sa nilalakaran namin. 'Di man lang niya sinagot ang tanong ko. Napailing nalang ako at binilisan ang paglakad ko para mauna ako sa kanya. Ayokong may makasabay ngayon at ayokong patulan ang mga pang-aasar niya. Masyado akong maraming iniisip. "Healthy living?" Tanong niya pa at nasa tagiliran ko na naman siya. Sa bagay mahahabol niya talaga ako sa haba ba naman ng biyas niya? "Pakialam mo ba?" Asik kong tanong pabalik sa kanya. "Suplada mo ah. Ang sungit-sungit mo eh ang aga-aga kaya." Komento niya na nakangiting aso pa. Mukha siyang bulldog! I swear. Inirapan ko nalang siya at bumuntong hininga. Ba't ba ang kulit nito? "Hindi ka pa nga nagte-thank you sa 'kin sa ginawa ko kahapon eh

