Marahil ito ang tinutukoy ni Sirius nang tinanong niya ako kung anong maaring gawin ni Arius sa sitwasyon. Patunay ang hindi paglayo ni Arius na hindi nagsisinungaling ang kaniyang kapatid. Hindi ko inaasahan na tatanggapin niya agad ng sobrang bilis ang sinabi kong katotohanan. Ngayon ko lang tuluyang naintindihan ang sinabi ni Sirius. Mali ang ginawa ko at ngayon ay may mga buhay na nawala dahil sa paglayo ko. Pero tinatanggap pa rin nila ako. Dapat bang magsaya ako? "Anong gusto mong gawin?" tanong ko nang matapos namin ang palabas. "Ewan," sagot nito. Lumingon ako sa kaniya at bahagyang nag-isip kung anong pwede naming gawin sa kaarawan niya. Hindi naman kami ang tipo ng tao na mahilig mag-outing dahil unang-una ayoko sa mga biyahe at pangalawa, nasanay na kami na limitado lang ang

