"Jie, Levi, Janis, Sebastian, Dolce, Jefferson, Candy, Lilyand Phoebe got nineteen over twenty. Miss Biares, anong nangyari sa pambato mo?" Natanaw ko ang kabadong mukha ng classmate namin. Binalingan ko sa magkabilang side ko sina Yara at Nia habang nasa tabi ni Nia si Evie. "Ang gagaling niyo rin," sabi ko na nagpangiti sa tatlo. Nag-ring ang bell hudyat na tapos na ang subject. Kinuha ng teacher namin ang libro at mga gamit niya. Naubos ang oras ng subject namin dahil sa panggagalaiti niya sa hindi pag-perfect ng buong klase sa quiz niya. "Ven, distribute these papers," sabi ng teacher namin sabay bigay sa makapal na patong-patong na papel. "Next week may quiz uli tayo. I'm expecting all of you to perfect it. Hindi lang sana si Chantrea. Chantrea," nilingon ako ng teacher ko. "You'

