Nakaupo noon sa gilid si carlos at tahimik lang. Wala kasi siyang kakilala sa grupong kasali siya. Nakatingin lamang siya sa kisame at nag mumuni- muni. Maya maya ay susuntukin ng nagwawalang titser ang bintana. Matataranta ang lahat, pati na si carlos at kaagad silang mapapa atras. Ang kamay ng titser ay puno ng bubog ngunit parang hindi ito nasasaktan. Pupulot ito ng malaki laki at matulis na bubog. Tatakbo palapit ang titser sa mga nag samasamang mga estudyante sa gilid. Si carlos naman ay dadampot ng upuan at ihahampas ito sa hindi mabuksan na pinto. Kitang kita ni carlos ang pag talsik ng dugo ng ginilitan ng titser ang leeg ng estudyante gamit ang bubog. Ang iba ay sinaksak na ngunit si carlos ay tuloy lang sa pag hampas ng upuan sa pintuan hanggang sa mapansin niya na siya nalang pa

