
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, isa-isang nawala ang mga kaibigan ni Sabrina matapos nilang magbakasyon sa isang tagong isla. Hindi man alam ng dalaga kung ano ang dahilan ng kanilang paglaho, isa lang ang nais niyang mangyari—'yon ay ang mahanap ang nawawalang mga kaibigan.
Galit, sakit at puot; away na nag-ugat noong una pang henerasyon, at sa pagkakataong ito'y mabibigyan na sa wakas ng ilaw.
Sa huli, sino nga ba ang tunay na nakakatakot?
