Family Meeting

2265 Words
AJ's POV Nagmamadali kaming nasa kalsada patungo sa lugar ng aming kamag-anak. Ibinalita sa amin na nakabalik na ang aking pinsan na si Dale. Siya ang nawawala naming pinsan na hindi nahanap ang katawan ng bumagsak ang sinasakyang eroplano. Hindi ko pa alam ang buong kwento, aalamin ko pa lang pagdating sa kanila. Driver ang nagmamaneho dahil pati kami natataranta sa mga nangyayari sa Pamilyang Del Monte. Laman ng utak ko kung anong tanong ang ibabato ko sa pinsan ko kapag makarating kami duon. Tahimik kaming tatlo, kasama ang magulang ko walang gusto magsalita dahil sa tensiyon ng mga ganap. Ganito pala ang pakiramdam mula nuong nalaman ko ang tungkol sa kanila nagkakandarapa na gusto mag-unahan ang mga katanungan ko na hindi pa nasasagot. Nakarating na kami dito sa mansiyon ng Del Monte, masaya kaming sinalubong nila Tita at Tito. Kinalma muna ang mga sarili namin sa pamamagitan ng miryenda na inihain para sa amin. Pagkatapos kaming magmiryenda saka sinabi ng mag-asawang Del Monte ang mga pangyayari sa pinsan ko. Daig pa pala ang pinsan ko sa buhay ng pinsan naming sundalo. Sa kasalukuyan dahil kakauwi pa lang ang pinsan ko kailangan niya na muna ng privacy. Hindi muna namin makausap ito. Dahil nandito na kami ng magulang ko napagdesisyunan namin na paabutin ang paglagi dito ng isang linggo.Iginala kami ng Tita at Tito sa mga pasyalan dito. Sa ikalawang araw nagpunta kami sa mansiyon ng Del Prada. Malugod kaming tinanggap. Nasa sala kami ngayon excited akong makita ang pinsan ko. Ilang saglit, nakita ko siyang bumababa ng hagdan. Dahil sa matagal na hindi kami nagkita, tinakbo ko para makaabot agad sa kanya. Walang kahirap-hirap na nakarating ako sa pinsan ko. Nagbanggaan kami ng dibdib ng dalawang beses. Ang mga boses namin ay dumagundong sa buong bahay. Nakamasid lang sila sa amin na pati sila masaya at sumisigaw pa parang basketball lang may taga cheer-up. Dumiretso kami sa labas sa may hardin para duon kami mag-usap. Hinayaan namin sila sa loob na nagkakasiyahan. Pakatapos kaming dalhan ng miryenda,sinimulan ko na mag-imbestiga kung ano ang nangyari sa pinsan ko. Masinsinan na pag-uusap na ito. Nagsimula na siyang magkwento, di ko alam ang mga reaction ko habang nagsasalita. Kung action ramdam ko na pati ako nag-aaction na rin. Kapag labanan nagsasalubong ang ngipin ko parang nasa eksena ako ng action movie. Nasasaktan din ako sa sakit na pinaramdam sa katawan ng pinsan ko. Habang nagkukuwentuhan kami, biglang lumabas ang Mommy ni Sophia dala ang mga pagkain na iluluto, hinayaan lang namin sila kung ano ang ginagawa nila. Kasabay ng pagtatapos ng kuwento ng pinsan ko, iyon din ang paglabas ng magulang ko kasama ang Tito at Tita pati si Bea na kasama naman si Sophia,ang asawa ni Dale. Kumaway sa amin si Sophia na napakaganda. Nagtungo sila sa may gazebo, at katabi nun ay swimming pool. Kakain kami dito sa labas ng mansiyon pero likuran ito. Nagsimula na kaming mag-ihaw ng karne at iba pang putahe na nakatuhog dahil barbeque ito. Nagsimula naman ayusin ang mesa sa gazebo. Lahat ay nagtutulungan para sa pananghalian. Kumuha ako ng larawan namin saka ko pinadala sa messenger ng pinsan namin na si JC Bernardo, ang pinsan naming sundalo na nasa Mindanao. Narito lang sa Bulacan ang mga magulang. Busy rin ang mga magulang niya dahil sa inaasikaso na bukid at tindahan naman sa Tita namin. Sigurado maiinggit ang pinsan ko kapag makita ito. Tumawag si JC pero si Dale ang kinausap. Panandalian lang ang pakikipag-usap dahil nasa serbisyo sa oras na ito. Sa gabi lang pwede makausap ng matagal. Nakangiti naman si Dale pagkatapos sila mag-usap. "Sa Thanksgiving daw attend sila", saad ni Dale. "Wow, cool! Makakasama natin si pinsan",' sabi ko. "It will be fun, dahil magkikita-kita tayo", sabi ni Dale. Bigla kami tinawag ni Tita Maria, ang Mommy ni Sophia. Nakahain na pala lahat ng pagkain. Nagdasal muna kami bago kumain. Puno ng ingay at kwentuhan habang inuubos ang mga pagkain. Pagkatapos malinisan ang hapag, pumalit naman ang kape at tea na may kasamang cake at chocolates. Iniienjoy ko ang pagkakataon,kapag nasa trabaho ako bihira na naman ang bakasyon namin, emergency lang ang pwede mabilisan. Biglang nawala si Dale sa paningin ko. Nagulat na lang ako ng tumama sa akin ang swimming trunks na ibinato sa akin. Humalakhak si Dale dahil sa nakita niyang hitsura ko. Tumayo naman ako agad at hinabol ko siya. Nakatatlong ikot na kami sa gilid ng swimming pool pero hindi ko pa naabutan dahil gusto ko ihampas sa kanya ang swimming trunks. Tawa ng tawa ang mga nanunuod sa amin hanggang sumuko na ako. At nagpunta ako sa kwarto sa may tabi ng swimming pool, nagbihis ako swimming trunks at lumabas na naka topless. Ginaya ko ang pinsan ko na si Dale, sila lang naman eh ang makakita sa amin. Pagkalabas ko ng kwarto nagulat na lang ako dahil bumagsak ako sa tubig. Nasa swimming pool na pala ako dahil itinulak ako ni Dale. Nang umahon ako,kami na lang pala ni Dale ang tao sa labas. Nagpaalam pala na pumasok sila sa loob para magpahinga muna. Tuloy pa rin ang kwentuhan namin ng pinsan ko habang pabalik-balik sa loob ng pool. Hanggang sa inabot kami ng alas tres. Pagkatapos namin nagbihis ng pinsan ko nakaramdam kami ng pagod. Nagpaalam ako na magpapahinga muna ako sa may guest room na pinahanda para sa akin. Sumalampak ako sa kama pagkarating ko ng kwarto. Nakatulog ako dahil sa pagod sa paliligo namin ni Dale. Pagkagising ko, bahagya ko iginala ang aking mata sa loob ng kwarto, nakita ko ang orasan na nakasabit sa may dingding. Alas-siyete na ng gabi at sa pagkakaalam ko dinner na. Inayos ko muna ang sarili ko bago bago ako lumabas. Binuksan ko ang pintuan at napawow ako sa amoy ng pagkain na naamoy ko. Nagulat ako ng akbayan ako ni pinsan, at ginaya ako patungo sa dining room. Napamulagat ako sa mga pagkain na nakahain paborito namin magpipinsan ito. Tumikhim naman si Daddy para ipaalam ang presensiya nila. Napamulagat ako dahil kami na lang pala ni Dale ang hinihintay na makaupo para kumain. Tumawa na lang kami ni Dale sa pangyayari, naupo na kami sa mga bakanteng upuan. Pinangunahan ni Tito ang panalangin,ang Daddy ni Dale. Masaya na nagsalu-salo ang lahat. Pinag-uusapan namin ang selebrasyon na gaganapin. Pagkatapos ng dinner, nagyayaan na uminom ng alak kasama ang mga padre de pamilya. Ang mga mommies naman ay ladies drinks kasama sila Sophia at Bea. Nahati sa dalawang grupo. Ang mga kalalakihan ay sa Office ni Mr Del Prada samantalang ang mga kababaihan ay sa balcony sa ikalawang palapag malapit sa sa apat na guest's rooms ng pamilya Del Prada. Sa ikatlong araw ipinasyal kami sa isang eksklusibong Farm ng pamilya dito sa Nueva Ecija. Nabusog kami sa mga prutas kasama na rin ang dadalhin naming prutas at gulay na pabaon ng pamilya. Tuwang-tuwa naman ang magulang ko dahil nakapasyal sila sa tahimik at preskong bukid. Sariwa ang hangin na nilalanghap ng magulang ko bagay na malaking tulong para sa kanila. Tatlong pamilya ang nagbakasyon dito ng dalawang araw.Napakaganda dito at excited ako dahil dito sa Rest House kami matutulog. Probably isang resort ito pero dahil hindi weekdays kakaunti pa ang mga tao kaya may time na kami muna ang mag-eenjoy. Sulit na sulit ang bakasyon ko talaga. Narito kami sa isang private pool na pamilya lamang ng may-ari ang gumagamit. Nasa loob naman ng Rest House ang ibang miyembro ng pamilya na nagpapahinga. Katatapos namin ng pananghalian mula sa pagpitas ng mga prutas at gulay. Dahil gusto ko tumambay sa cottage, lumabas ako para masdan ang magandang tanawin. Naglakad-lakad ako para makita ang kabuuan ng farm na ito. Bago lang daw na nabili sabi ni Tito. Palibhasa ngayon lang ako nakapunta rito sa lugar na Nueva Ecija. Nakarating ako sa may dulo ng bakod. May pintuan duon na nakabukas na daanan, papunta sa labas. Lumabas ako at namangha ako sa kulay berde na damuhan. May mga baka na kumakain ng damo na medyo malapit. Pinili ko pumunta sa ilalim ng mangga. "Is it amazing Bro?", Nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot. "Of course,so cool you know?" "I know?" "So in the second time you come here, you must bring your girlfriend or wife rather", saad ni Dale. Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi ng pinsan ko. For now I don't have girlfriend, I only have is f*****g woman! Napamura ako sa isip ko. Umiling na lang ako para mawala sa utak ko ang sinabi ni Dale. Napatingin ako sa mukha ng pinsan ko, sinalubong ang mga mata na nakangisi. Sa body language niya iniinis na naman niya ako. Bigla na lang kumaripas ng takbo. Hinabol ko ito dahil gusto ko naman ang pang-aasar niya sa akin. Tumakbo ba naman sa may mga baka na kumakain ng damo. Sumakay pa ito sa isang baka saka pinatakbo eh wala naman iyong tali. Tumingin ang baka sa akin, ng akmang tatakbo ito inunahan ko na. Wala akong sinayang na pagkakataon, tinakbo ko ang damuhan papunta sa may pintuan papasok. Di pa naman ako nakakarating sa may pinto papasok, lumingon ako. Nagngitngit ang mga ngipin ko ng makita si Dale na halos maglumpasay sa katatawa. Tinuturo pa ako sabay hawak sa kanyang tiyan dahil sa katuwaan. Nakita ko naman ang baka na kumakain na ng damo. Napaisip ako hindi tumakbo ang baka, ako lang pala ang tumakbo. Napangiti ako sa utak ko, halos mapamura ako sa kalokohan ng pinsan ko. Naglakad ako pabalik sa pinanggalingan ko at may nakita ako na matubig na lupa. Pumulot ako ng putik para ibato sa kanya. Nagmamadali ko ito itinaas sa ere para maibato sa pinsan ko ng naamoy ko ang alingasaw nito. Bigla ko binitiwan at iwinagayway ang aking kamay. Naagaw ng pinsan ko ang attention ko kaya napatingin ako sa kanya. Nadagdagan ang kanyang pagtawa ng malulutong. "You know what's that?" Mapang-asar na tanong nito. Ngumisi lang ako at tumawa ng malakas para hindi ako mapahiya sa pinsan ko. Tawang-tawa din ako para sa sarili ko dahil di ako makapuntos sa pambubully ng pinsan ko. Nakita kong pumasok si Dale sa pintuan pabalik kaya sinundan ko ito. Nagshower sa may tabi ng pool saka hinubad nito ang kanyang T-shirt saka tumalon sa swimming pool. "You're a jerk!!", sigaw ko sa kanya.Habang nakapamaywang. "Fine, but you you're enjoying here. Right?" "Is it not obvious?" komento ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya, bagkus hinubad ko na ang T-shirt ko,nagbanlaw muna saka tumalon sa pool at lumangoy ng lumangoy. Nagpabalik-balik ako para malinisan ang katawan ko dahil sa amoy ng dumi ng baka. Lumabas ang mga kasama namin mula sa rest house na may dalang miryenda kasama ang buko juice. Bigla ako nagutom kaya umahon ako sa tubig. Binalot ko ang sarili ko ng tuwalya saka kumuha ng kakanin at buko juice. Ito ang masarap dito sa probinsiya presko at sariwa ang maiinom at bagong gawa ang kakanin. Nakikita ang kasiyahan sa mukha ng magulang ko. Siguro kung hindi dahil sa nangyari sa pinsan ko hindi kami nakapunta dito. Natapos namin ang dalawang araw na busog ang mga tiyan at mga mata namin. Nasa Bulacan kami ngayon dito sa bahay ng pinsan namin na si JC. Dumaan kami para mabisita ang magulang niya. Pinaalala ang "Thanksgiving Party" sa linggo ng gabi gaganapin. Nakarating kami ng Manila na maayos at matiwasay. Pagod ang katawang lupa namin. Dumiretso kami sa mansiyon nila Dale, samantalang sumama silang mag-asawa sa mansiyon ng magulang ng asawa nito. Pagdating namin ng mansiyon diretso ako sa guest room kung saan ako natutulog dito sa Del Monte Family. Nagising ako dahil sa tapik ng kung sino sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng makita ko ang mukha ni JC Bernardo. Agad-agad nandito na siya. Mas excited ata siya kaysa sa akin. Agad ako napabalikwas at nakipagshake hands sa kanya sabay yakap at tapik saa balikat. "Kumusta na Bro?", pasigaw na tanong ko sa kanya. "Kararating ko pa lang Bro", sabay turo ng kanyang trolley bag sa may tabi ng couch sa loob ng guest room. "Really Bro?", "Yes", sabay higa sa kama. Lumipat ako ng pwesto, naupo ako sa may couch para mabigyan siya ng espasyo. Dahil sa tingin ko nga kararating nga niya, nakapikit na ito. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na itinuloy. Hinayaan ko na matulog muna ito para makapagpahinga naman. Pagkatapos ko nag-ayos sa sarili ko, lumabas na ako para magbreakfast. Sakto na nabungaran ko ang mga magulang ko at sila Tita at Tito na kumakain. Hindi kasama si Bea baka malamang tulog pa ang pinsan kong babae. Ibinalita sa akin na darating ang magulang ni pinsan JC mula sa Bulacan mamayang gabi. Dumating ang mag-asawa para sa pananghalian. Dahil kanina pa umaga tinawagan ni JC para ipaalam na narito siya sa bahay nila Dale. Pumasok kaming dalawa ni Dale sa guest room kung saan natutulog si JC. Pagpasok pa lang namin sa kwarto agad sumampa si Dale sa kama at ginulo ang mahimbing naming pinsan. Bigla naman nagising ito at nagyakapan kaming tatlo. Di namin alintana kung nagtoothbrush o hindi ang pinsan namin. Minsan lang sa isang taon kami magkikita-kita kaya lubusin na namin. Lumabas na kaming tatlo sa kwarto dahil oras na ng pananghalian. Pagkatapos ng boodle fight namin, pinagbigyan kami ng asawa ni Dale na mag-inuman na kami lang tatlo. Nagkumustahan, nagkwentuhan lalung-lalo na sa nangyari sa pinsan namin. Nang malasing kami nagsihigaan kami sa may gazebo dahil tatlo ang couch na nandito, may wall fun na rin ito.Dahil naparami kami ng ininom dinalaw na kami ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD