AJ POV
The Harbor City in Hamburg, Germany
Panibagong araw ko dito sa Hamburg City, mamamasyal ako sa mga pasyalan dito na kasama ang bago kong dilag gaya ng dating gawi. Nagsimula kami ng alas-otso ng umaga mag-ikot sa lahat ng magagandang puntahan. Kapag napapagod magpapahinga saka kakain. Pagdating ng alas-tres, miryendahan na at mas gusto ko ang kape matching with chocolate cake or even cheese cake.
Nabusog ang mga mata namin sa mga tanawin dito, pakiramdam ko nasa Pilipinas lang ako dahil halos pareho pagdating sa likas na yaman ng bansang ito. Oras na para ihatid ko sa pinagtatrabahuan
ang naging kasama ko sa araw na ito.
Pagkatapos ko maihatid, dumiretso ako sa tinutuluyan ko para makabawi ng pagod. Tatlong araw ang pamamalagi namin rito bago larga na naman. May dalawang araw pa para mag-enjoy. Matutulog muna ako para sa paglabas ko mamaya. Pupunta ako ng bar.
May tatlong oras ang naitulog ko. Bumangon na ako para maligo at maghanda na. The perks of being single, strike anywhere. Magiging masaya na naman ako sa piling ng mga eba. Sa wakas natapos na rin ako sa paliligo, mabilis lumabas ng banyo para makapagbihis at makalarga na.
Sakto alas-otso nasa bar na ako, hinanap ko ang paborito kong bar tender at nag-order ng alak na maiinom. Pagkatapos na makaorder naghanap ako ng lamesa para duon magtambay at makapag-inom ng maayos. Katatapos ko pa lang umupo ng dumating na agad ang inorder ko. Sunud-sunod ko ito ininom.
Nagsisiunahan ang mga babae na lumapit sa akin. Hinayaan ko lang sila na gawin ang trabaho nila para sa aking pangangailan. Kusang sumabay ang katawan ko sa lahat ng hakbang nila.
Dinagdagan ko pa ang mga kinuha kong maiinom, dahil may kasama akong mang-uubos ang mga ito. Hinayaan ko lang na malunod ang sarili ko sa impluwensiya ng alak.
Hindi ko na matandaan ang mga iba pang nangyari sa akin. Basta ang huli kong maalala ay nuong uminom ako ng marami hanggang sa di ko na makilala ang mga kasama ko.
Nagising ako sa VIP room sa mismong club, nagkalat ang mga gamit ko sa sahig. Nasapo ko ang ulo ko dahil sigurado napagpiyestahan ang katawan ko kung sino mang babae ang napili ko para bigyan ako ng satisfaction. Paisa-isa kong pinulot at isinuot ang mga iyon.
Tahimik akong naglalakad sa pasilyo palabas ng club. Sinadya kong di na magpakita sa may-ari para magpaalam upang makalisan na agad. Pumara ako ng taxi at dumiretso sa tinutuluyan ko.
Pagkapasok ko sa loob, dumiretso na ako sa banyo para maligo muna bago matulog. Masarap sa pakiramdam ko na presko ako.Dahil katatapos ko maligo dinadalaw na ako ng antok.
Nakatihaya akong nakapikit ng narinig ko ang cellphone ko na may tumatawag. Inabot ko sa may lamesita sa gilid ng kama. Humihikab pa ako ng sagutin,di pa man ako nakakapagsalita ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.
"Hello Son", bungad agad ng Papa ko.
"Oh Papa, ikaw pala iyan?. Umayos ako ng pagkakaupo.
"Kumusta kayo ni Mama?", magkasunod kong tanong sa kanya.
"Son, maayos kami ng Mama mo, ikaw kumusta ka diyan sa bansang destinasyon niyo?".
"Mabuti ako Papa", sagot ko.
Nagsimula na magkuwento ang Papa ko na ginagawa naming bonding kapag nasa pahinga ako. Marami kaming kwento na napag-usapan pero isa lang ang nakapagbigay sa akin ng pagkabigla ito ay sa kwento ng pinsan kong si Dale at ng asawa niya.
Umabot na kami ng isang oras sa pag-uusap sa cellphone ni papa, dahil sa shocked pa rin ako sa nangyari sa pinsan ko di ako makapagsalita pero nakikinig pa rin ako. Hanggang tuluyan ng ibinaba ni papa ang tawag.
Nasuntok ko ang pader dahil sa mga nalaman ko para sa pinsan ko. Sana naman makita na ang bangkay nito kung patay man siya o kung hindi dapat makita na sa madaling panahon.
Gusto ko ituloy ang aking pagtulog ngunit nawala na ang antok ko. Maghahanap ako ng paraan upang mapagod ako para makatulog mamayang gabi. Hindi muna ako magliwaliw dahil nasa isipan ko ang napag-usapan namin kanina ng ama ko.
Naisipan kong magswimming, hinalungkat ko ang aking mga gamit upang makita ang trunks ko.Dali-dali kong isinuot at nagtungo sa gawi ng pool. May mga tao dito karaniwan mag jowa at may mga pamilya.
Umakyat na ako sa slide para magsimula na mag swimming. Nagbuga ako ng hangin to release some air. Ilang beses na pag dive at paggamit ng slide ng makaramdam ako gutom. Tanghali na pala kailangan ko na kumain.
Bumalik na ako sa aking kwarto, ngpadeliver ako ng pagkain ko. Gusto ko makausap ang uncle ko ang ama ni Dale. Ako na ang tatawag para maipaabot ang aking simpatya sa kanila. Nagtitipa ako ng numero ng tatawagan ko ng dumating ang inorder kong pagkain.
Natulala ako ng matapos ko makausap ang uncle ko, di ko lang maisip ang kasalukuyang pinagdadaanan ng kamag-anak namin. Inaalala ang kaganapan nung kasal nila tapos ngayon nawawala ang pinsan ko.
Aabangan ko ang susunod na balita tungkol sa kanila.
Kinabukasan, nagreport na ako sa opisina namin para sa paghahanda ng panibagong paglalayag patungo sa France. Debriefing at mahabang orientation na naman ito. Halos kalahating araw bago matapos. Marami pa kasi interview at proseso.
Nagkumustahan kami ng mga kasama ko kung ano ang mga ginawa nila sa mga nagdaraang araw. Puno naman ng tawanan at biruan ang pagtatagpo namin. Bawat isa masaya dahil nakapagpahinga at nakahanda na sa panibagong paglalakbay. Nagpaalam na kami sa isa't-isa bago tuluyang nghiwa-hiwalay na.
Nag-impake ako ng aking mga gamit. Ligpit dito at ligpit duon. Pagkatapos ng ginagawa ko kumain na at nanuod ng TV kasabay ng pag-inom ko ng gatas bago matulog. Excited ang katawan ko papunta ng France samantalang umiikot lang naman kami araw-araw hanggang taon-taon ang lumilipas.
Inabot na ako ng apat na taon sa pagiging kapitan ng barko. Mahal ko ang trabaho ko dahil maliban sa pamamasyal ng iba't-ibang bansa, iba't-ibang kultura at paniniwala ang naranasan ko sa bawat bansa na dinadaungan ng barko. Naku, napailalim na ang aking pag-iisip. Humikab ako tanda ng pag-aya sa akin ng tulog.
Ito na ang araw ng aming paglakbay patungo sa France. Maraming tao ang aming ihahatid sa destinayon nila. Makikita sa kanilang mukha ang kagalakan at meron din iba ang awra dahil sa di maipaliwanag na dahilan. Napangiti ako ng lihim dahil sa mga naoobserbahan ko sa mga iba't-ibang lahi na aking nakakasama.
Lahat na ng mga ka trabaho ko nasa kani-kanilang pwesto na. Nakatuon na ang kanilang pansin sa kanilang toka. Ilang sandali na lamang aabante na ang barko. Tumunog na ito na nagpapahiwatig na paalis na.
Bumungad sa amin ang napakalawak na karagatan. Maaliwalas ang langit at kaakit-akit ang mga ulap na nakikita ko sa repleksiyon ng tubig. Ako ang unang nakatoka bilang kapitan. Tahimik ang aming biyahe.
Makalipas ng limang oras, nagpalitan na kami ng aking kapwa kapitan. Ako naman ang magpapahinga. Nag-ikot muna ako para makita kung ano ang kalagayan ng mga pasahero.
Nang masiguro na maayos,pumasok ako sa aking kabin upang maidlip.
Nagising ako pagkalipas ng dalawang oras,hindi idlip ang nangyari kundi tulog. Lumabas ako ng kabin upang magmiryenda sa restaurant. Marami ang kasalukuyang kumakain at iba ay nagmimiryenda lamang. Kumuha ako ng plato ko upang lagyan ng laman.
Pagkatapos ko, agad akong nagtungo kay Javerson para humalili sa kanya. Meron pa kaming tatlong oras para makarating. Napangiti ito sa akin ng makita ako. Kumunot ang noo ko sa hitsura niya.
"Para saan iyang ngiti mo Pare?", pagtatanong ko sa kanya.
"Para sa iyo, dahil hinahanap ka ni JM", aniya. Tumalikod na siya at naglakad palayo.
Umasim ang mukha ko dahil sa narinig na pangalan. Ayoko na sundan ang nangyari sa amin dahil alam ko na may boyfriend ito. Kahit papaano matino naman ako at isa pa natural lang na mangyari iyon dahil lasing ako nuon. Itinuon ko ang pansin ko sa gawi ng tinutungo ng barko.
Nasa utak ko ngayon ang pagbabakasyon sa Pilipinas dahil sa pinsan ko.
Susubukan kong magpaalam kapag makarating na kami. Hindi ako mapakali sa pangyayari,hindi ako panatag. Kailangan ko makauwi sa madaling pagkakataon.
Natapos na namin ang tatlong oras at nakarating na kami dito sa sa Old Port of Merseille dito sa France.
Nakatanaw ako sa kalawakan ng dagat habang naririnig ang ingay ng mga tao sa paligid. Nagkakagulo ang mga iba dahil nag-uunahan sa paglabas para makita ang mga sundo. Talaga naman masaya ka kapag makikita mo kung sino ang hinihintay mo.
Bigla kong pinilig ang aking ulo dahil sa naisip.Kailan din kaya darating ang aking tunay na pag-ibig?
Naitaas ko ang aking kilay sa isiping iyon. Anong meron, why o why I am thinking that matter?
Napalingon ako sa narinig kong tawa ng aking kaibigan na si Nelson. Kasama ko sa barko ang taong ito at isa sa malalapit kong kaibigan. Nagtatanong akong napatingin sa kanya. Mas lalo pang lumawak ang pagkakangiti.
"Talaga lang ha?, ano ba iniisip mo? Bakit ganyan ang mga kinikilos mo?"
"Wala may naalala lang ako", sagot ko.
"Sigurado ka?", tanong muli nito sa akin?
"Oo nga, pwede na tayong lumabas. Kunin na natin ang mga gamit natin", sabi ko sa kanya at tuluyan ko siyang iniwan.
Kami na lang ang nakikitang lumalabas sa barko. Dumiretso ako sa hotel kung saan ako magcheck-in. Aayusin ko muna ang mga gamit ko at maging ang sarili ko. Kunting pahinga saka ako lumabas.
Papunta ako ngayon sa management para magpaalam. Nang masabi ko ang pakay ko, nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng opisina. Ayaw ako payagan ngunit ginamit ko ang Emergency Exit para makauwi ako. Nagmamadali ako lumabas baka magbago pa ang desisyon ng management.
Binilisan kong bumili ng ticket para makapag flight ako bukas ng umaga.
Tila nagmamadali ang pakiramdam kong makauwi. Ganito ako kapag may hindi magandang nangyayari sa pamilya ko at kamag-anak lalo na sa pamilya ng Del Monte dahil para kong kapatid si Dale. Hindi ako mapakali kailangan andun ako para malaman ang lahat hindi sapat sa tawag lang.
Nasa himpapawid na ang eroplano kong sinakyan. Ilang oras na lamang makakarating na ako. Manunuod muna ako ng movie para malibang. Wala naman din signal kaya di makatawag at makatext.
Ng makalapag na ang eroplano ngmadali akong tumawag kay papa na nasa Airport ako. Magtataxi na lamang ako uuwi sa mansiyon. Lumabas ako para sumakay ng taxi. Ilang minuto lamang at nakarating na ako.
Tumawag ako para buksan ang gate ng mansiyon. Si mama ang nagbukas. Mangiyak-iyak akong niyakap kasunod naman si papa na lumabas. Pumasok kami sa loob para duon ituloy ang kumustahan.
Dumiretso kami sa sala at sumalampak ako sa couch. Nagkwento na agad si papa habang naghahanda ng miryenda ang mama ko. Nakikinig lang ako dahil di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ba na galit o simpatya ito.
"Kumusta raw ang imbistigasyon pa?", pagtatanong ko.
"Sa ngayon naghihintay pa sila ng tawag Son", sagot sa akin.
"Bukas pupunta tayong tatlo para kahit paano maibsan ang kanilang nararamdaman",sabi ni Papa.
"Good idea", sagot naman ni Mama habang nagmimiryenda.
Hindi pa rin ako tumatayo sa couch kahit na natapos na kami. Kasalukuyan kong tinitipa ang aking cellphone. Dahil malamig ang hangin na pumapasok galing ng hardin dahan-dahan akong nilamon ng antok. Hanggang tuluyan na akong nakatulog.