Nag aayos si Domminick ng para sa kasal ayaw nitong pakilosin siya ng kahit na ano kahit pa nga na maliit pa naman ang tiyan niya. Yun ang naging pasya nito lalo at medyo namayat siya dala marahil ng kanyang pagdadalang tao. Hirap siyang kumilos ng maayos at makisalamuha sa iba lalo at napakaselan ng pagbubuntis niya. Konting kibot ay naduduwal siya lalo pagdating sa mga pagkain na ayaw ng sikmura niya. Sa mga amoy ng mga pabango o kaya sabon ng ibang tao. Kaya naman ang nangyayari pag nandiyan siya ay lumalayo ang mga katulong. Pag oras naman ng pag luluto at paggisa ay pinapanatili siya sa kanilang silid lalo at saksakan naman talaga ng OA ang mga tao sa bahay. Ang nangyayari ay si Domminick at ang pamilya nito ang nagpupunta sa mga wedding preparations nila food tasting and etc tiniti

