Nang magising siya ay amoy ng gamot ang sumalubong sa kanya puti ang paligid at nang igalaw ang kanyang braso ay may nakakabit na IV. Bukod pa doon ay may braso na nakapulupot sa beywang niya. Nang tingnan niya ay kay Domminick na pilit na pinagkasya ang sarili sa may kamang kinaroroonan niya. Hinuha niya ay nasa hospital siya sa lagay niya kagabi malamang dito talaga ang bagsak niya. Lalo at kahit siya alam niyang kailangan niya talagang matingnan ng doctor sa sama ng pakiramdam niya kahapon. Naghihilik pa ito at tila lamig na lamig kung sa ibang pagkakataon ay tatawanan niya ito. May mangilan ngilang balbas na tumubo sa binata which made him look so hot. Parang gusto niyang isiksik ang sarili sa dibdib nito para maramdaman niya ang init. Pag tingin niya sa couch nandun naman ang kambal

