Pagkatapos mag agahan ay napagpasyahan na namin magpunta sa paaralan. Third year college na ako ngayon at Business Management naman yung kurso na kinuha ko. Same as bro Wessley ay third year college na rin siya habang Engineering naman yung kanya.
Nasa school na kami ngayon at as usual nga sa first day of school makikita mo ang magugulong estudyante. Yung iba ay nakikipagkamustahan doon sa mga long time no see freinds nila, yung iba kanya kanyang pasikat doon sa mga mamahaling gadgets nila. Mararami ring mga estudyante na parito at paroon sa paghahanap ng mga classrooms nila. Ang ingay ng buong paligid dahil sa mga magkahalong estudyante na naririto.
"Bro, dito lang yung way patungong Engineering Class, ano hatid pa ba kita doon sa room mo?" Mayamaya ay tanong niya sa akin. Obvious naman kasi na magkahiwalay na kami ng respective rooms kasi iba yung kurso naming dalawa. At nalulungkot ako sa isiping hindi ko siya makakasama buong araw kasi magkaiba yung labasan namin at free time. Pero anyways sabay naman kaming maglunchbreak pero hanggang forty five minutes lang.
"Wag na bro. Ano ka ba kaya ko ng mag isa.". Nakangiting sabi ko sa kanya. FYI alam kong mamimiss din ako ng bespren kong ito.
"Okay. Sunduin na lang kita mamaya para sabay tayo mag lunch ha?" Sabi niya sabay akbay sa akin. Ano ba yan parang gusto ko na tuloy sumama sa kanya sa room niya. Kung matalino lang sana ako sa pang engineering subjects ay baka nag shift na ako para makasama ko itong bro ko.
"Okay bro. Kita nalang tayo mamaya ah. Bye!" Paalam niya sa akin saka naman niya ginulo yung buhok ko. Tumalikod na din siya at tinungo ang left wing ng university kong saan naroon ang Engineering Department.
"See you later bro." Nakatalikod niyang saad.
"See you later, Wess!" Pahabol kong sigaw sa kanya. Humarap naman siya sa akin saka nag flying kiss. Haha kulit talaga nitong bro ko na ito.
"Bye, labyu!" Sigaw niya pabalik saka tumalikod at tumakbo na palayo. Para naman akong timang na nakangiti habang tinitingnan yung papalayong likod niya.
Bakit ba siya ganyan? Bakit kailangan niyang maging sweet sa akin ng ganoon? Marahil kung nasa ibang pagkakataon lamang kami ay iisipin kong mahal rin niya ako higit pa sa isang kaibigan. Pero hindi! Straight yang si bro. Diba sa kany rin mismo nagmula ang nga sinabi niya sa akin na di niya ako kayang mahalin?
Haaays! Ito na naman tayo. Paulit ulit na lang. Awat na nga diba? Ang tigas talaga nitong puso ko. Umaasa na naman sa isang bagay na napakalabong mangyari!
Hindi ko alam kung maaawa ako sa aking sarili o matatawa. Eh, sa umpisa pa lang ay alam ko namang hindi niya ako mamahalin sa paraang gusto ko. Pero itong puso ko talaga ay napakahangal!
Nang di ko na siya matanaw ay saka naman ako nagpatianod sa mga estudyante doon sa hallway patungong department ko.
"Omg! Girl ang gwapo!" dinig kong bulong ng isang babae doon sa kachikahan niya.
"Waaah oo nga! Ang kyuut naman."
"Oh my gosh crush ko na siya!!"
"Lah ansarap naman ni kuya!"
Hindi naman lingid sa aking kaalaman na may maraming mga kababaehan sa campus ang hayagang nagpapakita ng interes sa akin. Subalit kahit anong pilit ko sa aking sarili na magkainteres sa kanila ay sadyang wala talaga akong maramdaman para sa aking opposite s*x. Kay bro lang talaga ako nagkandagago! Sa kanya lang talaga pumipintig itong dibdib ko.
Di ko na lamang pinapansin yung mga bulungan ng mga babaeng iyon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Di ko naman maiwasang mapatingin sa mga babaeng bigla na lang mapatanga kapag makatingin sa akin. Napatawa na lang ako sa isip ko saka napailing. Ano naman kaya ang nakita ng mga ito sa akin knowing the fact na hindi naman ako kagwapuhan. Haaaays mga babae talaga.
Dinaanan ko muna ang locker ko para ilagay yung ibang mga gamit ko. Saka ko napagpasyahang umakyat sa third floor ng building department kung saan naroon ang first subject na aking klase.
Pagkatapos kong maipasok yung ibang gamit ko at akmang isasara na sana ang door ng aking locker ay saka naman ako nabigla ng biglang may humigit sa kamay ko at tinulak ako at isinandal sa mga lockers na narito.
Napasinghap ako nang makita ang taong gumawa non sa akin. Una kong napansin ang kulay abo niyang buhok at ang kulay gold na earings na nakasabit sa tainga niya. Nakangisi ito sa akin habang matamang nakatitig sa akin. Its Nicko Angelou but everyone calls him Migo. Si Migo na tinitingalang star sa eskwelahang ito.
Bukod kasi sa ang pamilya niya ang nagmamay ari ng eskwelahang pinapasukan namin ni bro ay sikat pa siya dahil sa kagwapuhang taglay niya.Lumalabas kasi siya sa mga tv commercials at higit sa lahat ay MVP ito ng basketball sa paaralan namin. Sinasamba ito ng mga kababaihan at mga bading dito sa school dahil sa pagiging hot nito. Modelo din kasi siya ng isa sa pinaka sikat na leading brand ng underwear sa buong bansa.
Kung ang lahat ng mga babae at mapalalaki man sa school ay iniidolo siya ay ibahin niyo ako. The fact is kinaiinisan ko ang lalaking ito. At bakit hindi? Isinusumpa ko siya! Anghel nga ang pagmumukha ng lalaking ito pero demonyo naman ang sama ng ugali. Kilala siya bilang cassanova at heartbreaker at higit sa lahat isa itong BAD BOY! Caps lock para dama niyo.
Isa siyang dakilang bad boy. Wala siyang sinasanto. Mapateacher, pa yan, mapababae o bakla ay hindi siya magdadalawang isip na bangasan ito ng mukha. I hate him so much! Ni hi di ko nga ninanais na kahit minsan lang ay pagtagpuin ang aming mga landas! Ewan ko ba? Wala naman siyang ginawa sa akin na masama ngunit sadyang umiinit lang talaga ang dugo ko sa presensiya niya!
"Long time no see Trei!" Nakangising sabi niya. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga ng inilapit nito ang kanyang mukha sa akin at tiningnan ako pababa. Sinubukan kong kumawala pero di ko magawa kasi nakakorner ang katawan ko sa dalawang braso niya. Napakuyom na lamang ako ng aking kamao dahil sa labis na pagkasuklam sa kanya. Ano naman kaya ang trip nito ngayon araw? Ang aga aga ay sisirain niya ang araw ko?"Bakit di mo magawang tumingin sa akin Trei? Na aattract ka na ba sa akin ha?"
Tiningnan ko siya ng masama. Para atang tumayo ang balahibo ko sa katawan ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Buti nalang ay nakailag ako kaya imbis na sa labi ko dumampi yung halik niya ay lumapat iyon sa panga ko. Baliw ang lalaking ito! Mas lalo tuloy akong natatakot sa kanya. Dapat na akong makalayo sa kanya pero paano gayong nacorner na niya ako?
"Let me go." I said trying to escape while pushing him away. Ngunit hindi man lamang siya nasindak bagkus ay namamangha lamang siya sa ipinakita kong reaksyon sa kanya. Ang lakas niya ni hindi man lang siya natinag. Sinubukan ko uling tumakas ngunit ngayon ay mas diniinan niya pa ang paglapat saa aking likuran sa malamig na bakal ng locker kung saan niya ako ikinulong. t
"What do you want Migo?" Tanong ko habang pinananlilisikan ko siya ng mata.
"You know what l want Trei. I want you." He seductively replied. This guy is really insane.
"You are crazy!"
"Crazy inlove with you!"
Kahit na mas mataas ito sa akin ay buong tapang ko siyang tiningala saka ko siya sinabihan straight to the eye.
"Hindi. Ako. Bakla." Napataas naman yung kilay niya saka ko narinig ang pagtawa niya ng bahagya.
Unti unti na naman niyang inilapit ang mukha niya palapit sa aking tainga. Saka bumulong.
"Not yet Trei! Not yet." Bulong niya sa akin saka niya kinagat ng mahina yung tainga ko.
Ngumisi naman siya sa akin bago umalis at tumalikod at iniwan akong nakanganga.
"May nakita, akong diary noon," makahulugang pahayag niya.