Nagising ako nang makaramdam ako ng pagkaiihi. Napagmulat ako ng mata at babangon na sana pero natigilan ako nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakadagan sa akin.
Nakayakap pala siya sa akin habang yung hita niya ay nakapatong doon sa matigas kong ano. Napalunok ako at kahit sobrang lamig ay pinagpawisan ako sa posisyon namin ngayon. Marahil nga sa kanya ay walang malisya ang mga ganitong bagay dahil kapwa kami lumaki ng sobrang komportable at close sa isat isa pero di ko pa rin maiwasan ang pagkailang lalo nat may nararamdaman akong pagnanasa sa kanya.
Napatingin ako sa maamo niyang mukha na ngayoy humihilik pa at pababa doon sa malapad niyang dibdib na nagtaas baba kapag humihinga. Maswerte ang babaeng matipuhan nitong bro ko. Bukod kasi sa sobrang gwapo nito ay malambing ito caring at saka mabait. Mga katangiang hinahanap ng mga babae at mga katangiang nagpahulog sa akin. Dumapo ang tingin ko sa mga mapupulang labi niya. Sobrang nipis nito at mukhang napakalambot. Natetempt akong halikan iyon pero hindi pwede. Pinigilan ko ang aking sarili sapagkat hindi maatim ng konsensiya ko na agawin ang first kiss niya dahil lang sa wala siyang malay. Tunay ngang maswerte ang babaeng mamahalin mo bro. Sana ako nalang iyon.
Napangiti ako ng mapait sa isiping iyon. Hanggang pangarap nalang kasi ako kasi bukod sa hindi ako babae ay malabong malabo na magkagusto ito sa akin pabalik. Napabuntong hininga ako saka napailing.
Alas dos y media na pala nang makita ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Naalala ko na iihi pala ako punyemas naman oh ang dami ko pa kasing iniisip na kabaliwan.
Marahan kong kinuha yung kamay niya nakayakap sa akin saka sinunod naman yung binti niya nakadantay sa ibabang bahagi ng katawan ko saka ako tumayo mula sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo.
Pagkatapos kong umihi ay saka naman ako bumalik sa kwarto ko at nahiga. Nakatihaya na si bro ngayon at di ko na iyon pinansin pa baka kasi kung ano na naman ang maisip ko sa katabaan ng utak ko. Tumalikod ako sa kanya at pumikit hanggang sa makatulog na ulit ako.
"Bro!"
"Bro?"
"Uy bro!"
Napadilat ako ng mata ng marinig ang pagtawag sa akin ni bro mula sa labas ng kwarto ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka ako lumabas ng kwarto. Sumalubong sa akin ang bango ng mga pagkain pagbukas ko ng pinto.
"Goodmorning!" Nakangiting bati niya sa akin nang madatnan ko siya sa kusina na nagluluto. Tumingin siya saglit sa akin saka ibinaling yung tingin sa piniprito niyang itlog. Nakasuot ito ng apron habang wala itong panglabas na damit at tanging boxer short lang na kulay blue ang suot naman nito pang ibaba.
"Good morning." Inaantok pang bati ko pabalik. Kumakalam naman yung sikmura ko dahil sa gutom.
"Gutom ka na ba? Last na lang tong hot chocolate tapos mag agahan na tayo. Mabuti pa ay maligo ka na muna habang iniinit ko pa para hindi tayo kapusin ng oras. Anong oras ba unang subject mo ngayon?" Tanong niya. Saka ko lang naalala na may pasok pala kami ngayon.
"Exactly 8:00 bro." Sabi ko saka tumayo." Mabuti pa nga bro mauna na akong maligo para pagkatapos ko ikaw na naman. Muntik ko na kasing makalimutan na may pasok pala tayo ngayon baka malate pa tayo."
"Okay." Sabi niya habang pinagpatuloy niya yung ginagawa niya.
Naghubad agad ako ng damit pagkapasok ko sa banyo at tanging brief lang ang tinirang saplot sa katawan saka binuksan ang shower. Naramdam ko ang malamig na butil ng tubig sa katawan ko. Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto ng banyo at biglang pumasok doon si Wessley na nakahubad at tanging brief na rin ang suot nito.
"Sabay na tayo bro. Baka kasi malate din ako." Nakangising sabi niya.
"Sige." Sabi ko nalang saka pinagpatuloy ang pagsabon sa katawan ko. Nakita ko naman siyang naligo na din saka tumalikod ako at nagsabon ng patutoy ko. Pero sa kasamaang palad ay dumulas yung sabon mula sa kamay ko at nahulog iyon doon sa gitna ng mga paa ni bro. s**t! Napamura ako sa isipan ko. Nag alalanganin ako kung pupulutin ko ba iyon o hindi.
"Bro nahulog yung sabon pulutin mo." Utos niya sa akin kaya wala na nga akong nagawa.
Yumuko naman ako paharap sa kanya at pinulot yung sabon habang nanginginig yung kamay ko. Nawindang yung katawang lupa ko ng masilayan yung nakatago na bagay doon sa gitna ng hita niya. Bumabakat kasi iyon at nag see through yung patutoy niya doon sa basang tela na nakatabon doon.
Shit ang laki! Napalunok ako at naramdaman ko uli ang pag init ng aking katawan pataas sa aking pisngi.
"Uy! Napatanga ka na diyan bro! Pahiram ng sabon." Sabi niya sa akin kaya bigla akong nagbalik sa katinuan. Punyemas naman oh. Ano ba Trei nadedemonyo na yang utak mo.
Inabot ko naman yung sabon sa kanya saka nagmamadaling nagbanlaw ng sabon sa katawan.
"Pwede mo ba tong hawakan bro?" Mayamayay tanong niya. Kinabahan naman ako.
Nabigla naman ako.
"Yung ano bro?" Nakatalikod kong tanong habang tinatago ang pagnginig ng boses ko sa pagkasalitang iyon.
"Itong ano ko." Humarap ako sa kanya at bumungad sa akin ang nakangiting aso niyang mukha. Pakiramdam ko namanhid yung mukha ko.
"Ano bro?"
"Itong sabon hahaha. Bakit bro may iniisip ka bang iba?" Natatawang tanong niya. Kinunutan ko na naman siya ng noo.
"Baliw." Sabi ko sabay abot doon sa sabon na hawak niya.
"Sabunin mo yung likod ko bro di ko maabot." Utos niya sa akin sabay talikod.
Parang napaso ata ako pagdampi ng kamay ko sa balat niya. Sinabon ko naman yung likod niya.
"Sige pa bro. Ang sarap ahhhh." Sabi niya kaya binatukan ko siya sa kaabnormalan niya.
Tawa naman siya ng tawa habang ako naman ay parang maglupasay na sa sahig dahil sa sobrang kaba.
"Gago!" bulyaw ko sabay suntok ng mahina sa kanyang likuran. Narinig ko ang pagtawa niya dahil sa asik kong iyon. Kahit kailan talaga ay napakapilyo ng lalaking ito. Hindi ko lubos maintindihan bakit ganito kami ka close sa isat isa gayong magkaiba naman kami ng personalidad.
Mabilisan ang ginawa kong pagbanlaw. Naalibadbaran ako dahil sa kanya. Gusto ko ng makaalis mula sa banyong ito. Hindi lang doon. Isa pa, ay natatakot din ako baka masilayan niya ang unti-unting paninigas ng aking ari. Ayaw ko namang iisipin niya na pinapantasyahan ko ang tulad niya. Sa akin na iyon.
Inabot ko ang aking tuwalya sabay pulupot nito sa aking baiwang. Lalabas na ako, ngunit hindi ko pa man naabot ang pihitan ng pinto nang marinig ko siyang nagsalita mula sa aking likuran.
"Tapos ka na?" ang tanong niya. "Ang bilis mo namang maligo. Di ka pa nga yata nakaanit ng dalawang minuto ah. Halika dito nang mahiluran ko ang iyong katawan."
"Huwag na!"matigas kong tugon. Malelate na tayo. Magmadali ka na nga lang diyan.
Tuluyan na akong lumabas. Dumiritso ako sa aking silid upang ihanda ang aking mga kagamitan sa eskwela. Mabilisan kong pinalantsa ang aking uniporme. Nang maayos ko na ang aking sarili ay naisipan ko ng lumabas bitbit ang aking itim na bag.
Pag labas ko ay naroon na si bro paharap sa mesa hinihintay ako.
"Bakit hinihintay mo pa ako?"tanong ko sa kanya. "Dapat nauna ka na lang kumain."
"Eh, ikaw nga ang pinaghandaan ko. Ano ka ba? Ngayon na lang ba tayo hindi kakain ng sabay?" paungot niyang saad. "Halika na, umupo ka na at saluhan mo na ako."
Bumuntong hininga ako sabay tungo sa upoang nakahanda para sa akin. Nag-umpisa na kaming kumain nang muli siyang nagwika.
"Parang may nagbago sa iyo, bro," pahayag niya. Agad na tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa tinuran niyang iyon.
"Ako, nagbago?" ngunot noo kong pagtatanong. "Alam mo gutom ka lang. Ikain mo na lang yan, okay?"