Chapter 5

1271 Words
"Eh wag ka ng ano diyan bro dito ako matutulog ngayong gabi." Nakangising sabi niya sa akin sabay back dive doon sa kama ko. Para naman akong tanga kasi biglang nag init yung pisngi ko at pinipilit yung mata ko na hindi mapatingin doon sa malaking bukol na nakatago doon sa puting brief niya. Abay dinisplay pa talaga niya ah? Printe kasi siyang nakabukaka doon saka pumikit. Nagtulog tulugan kamo. "Bro naman alam mo namang di ako makatulog pag may katabi diba?" Keme kong ganun. Sinuntok  ko ang sarili ko sa aking isipan ng may mga bagay akong naisip na kahalayan doon. Tangina talaga! Wala naman akong nakuhang sagot at ilang saglit pa ay narinig ko na siyang humuhilik. Oh tukso layuan mo ako! Lumapit ako sakanya saka ko niyugyog yung kabilang paa niya. "Wag ka ngang magtulog tulugan diyan bro. Alam ko na yang drama mong yan. Alis ka na sabi eh." Napataas yung kilay ko ng makita kong umangat yung pang itaas niyang labi at pagnngisi niya ng kaunti at ikinubli din  agad iyon. See abnormal talaga! "Bro naman eh!" Maktol ko sa kanya. Eh ayaw ko nga siyang katabi eh baka di ko mapigilan yung sarili ko at baka may magawa akong katarantaduhan sa kanya. Kahit na pabor sa akin iyon ay di ko naman gawin yun ano. Malaki ang respeto ko sa bro ko na abnormal na gwapo at hot! At kahit na gustong gusto ko mang halayin ito ay hindi pwede! Hindi ako ganoong tao. "Nagtulogtulugan ka pa ah. Di uubra sa akin yang ganyang aktingan mo bro." Sabi ko sabay hila doon sa kamay niya. Pero nabigla nalang ako imbis na pabangunin ko yung katawan niya ay ako pa ngayon ang napasubsob doon sa dibdib niya nung hindi siya nagpahila sa akin bagkus ay ako ang hinila niya. Sobrang lapit ng aming mga mukha at ilang sintemetro lang ang layo nito. Sabay kaming napalunok sa isat isa habang nagtatagpo ang aming mga mata. Naamoy ko ang mabango niyang hiniga animoy dinidiligan nito ang uhaw na uhaw kong kalamnan at nilulunod na naman niya ako sa paraan ng pagtitig niyang iyon. Rinig na rinig ko ang kabog ng aming mga puso. Bigla naman akong natauhan ng maramdaman ko doon sa parteng hita ko ang unti unting pagtigas ng ano niya. Kaya bigla akong umalis sa pagkapatong sakanya at umupo doon sa kama na katabi niya. Parang napaso ata yung balat ko sa pagkalapit naming iyon. Nakakalunod at nakakabaliw ang mga libu libung boltahe ng kuryente ang gumagapang sa aking katawan nung naglapat ang aming mga balat. "Sorry." Sabay namin sabi. Ang akward mga tol! Pinagpawisan nga yung noo ko. "Matulog na tayo bro." Sabi niya. Wala na nga akong nagawa kundi ang humiga nalang katabi niya pero nakatalikod ako mula sa kanya. "Bro?" Maya maya pay tawag niya sa akin. "Bakit bro?" ang aking tugon. "Mahal mo raw ako." Nanlamig ako bigla! Para yata akong nanigas sa kinahihigaan ko! Paano? Paano niya nalaman? Matagal na ba niyang alam? Oh, s**t! Patay na! Ito na ang sinasabi ko eh! Hindi ako handa! Iiwan na niya ako! Para  akong pinaliguan ng yelo doon sa sinabi niya. Natigilan ako kasi parang huminto yung mundo ko. "At sino namang may sabi niyan?" ang pagalit kong pagtatanong. " Baliw ka na talaga bro. Imposible yang sinasabi mo." Angal ko pabalik kahit na parang tinutusok ko ang sarili kong puso ng toothpick ng palalim ng palalim sa pagbitaw ko ng mga salitang iyon. "Yan ang sabi nila nung minsay nalasing tayo." Sabi niya pabalik at saka niya pinatong yung braso niya sa tagiliran ko. "Nalasing? Adik ka ba? Di nga tayo umiinom eh!" Angal ko pabalik saka napasinghap ng isiniksik niya sa batok ko yung mukha niya at inamoy amoy yun. Nararamdaman ko na naman uli ang pagkabuhay ng kuryente sa aming mga balat nang maramdaman ang kakaibang sensasyong iyon. "Wala na mang magbabago bro sa pagtingin ko sa iyo," ang namamaos niyang pahayag. Napalunok ako ng malaking laway. Tila may nakabarang malaking bagay sa loob ng aking lalamunan! Pero teka lang! Parang narinig ko na somewhere yang mga sinabi niya sa akin! Tama! Kanta yun eh! Animal! Niloloko ako ng damuhong ito! "Urrrgh! Ayan ka na naman sa mga lyric prank mo eh!" Sabi ko sabay alis ko ng braso niya sa aking bewang. "Ha paano nalamang lyric yun bro," takang pagtatanong niya. " Manghuhula ka ba bro?" "Eh sikat kaya yang kantang yan bro. Adik mo talaga! Matulog na nga lang tayo. Kung ano ano pa yang kagaguhang alam mo." Sabi ko sabay talukbong ng kumot. At di na nga kumibo. Mabuti pa ay matulog na nga! Ang dami pang kagaguhan ng isang ito! "Bro?" Mayamaya pay tawag niya sa akin. Pero di ako sumagot at nagkunwaring tulog. Ano ba? Gusto ko ng magpahinga! "Uy." Sambit niya uli sabay kalabit sa akin. Pero pinikit ko lang yung mata ko at di siya pinansin. "Tulog ka na nga siguro bro. Good night!" Malambing na sabi niya sabay haplos sa braso ko na natabunan ng kumot. "Tanda mo pa kaya yung mga bata pa tayo bro nung sabay tayong nagpatuli?" Patawatawa niyang sabi. Naalerto naman yung tenga ko. At matamang nakikinig sa kanya. "Hahaha iyak ng iyak ako nun kasi natatakot ako. Eh kasi naman bro sino bang di matakot eh yung pantuli ni Mang Ador ay yung kutsilyo pangkatay ng baboy. Takot na takot ako at tumakbo nga ako nun eh kasi ayaw kong magpatuli. Pero nung nakita kitang buong tapang na nagboluntaryo na maunang tuliin doon nagsisimula yung pag ka idol ko sayo. Di ka nga umiyak nun eh. Kahit tumutulo na nga yung luha mo sa pisngi eh di ka man lang pumalahaw ng iyak. Eh sakit kaya nung pinugaan ng katas ng bayabas yung sugat sa putotoy natin. Eh ikaw iniinda mo lahat yun. Grabe ka bro! Astig ka talaga nun." Proud na proud niyang sabi. "Mahal na mahal mo talaga ako mula pa noon bro. Tanda ko pa nga eh kapag umiiyak ako sa gabi kasi sumasakit yung nangangamatis na pututoy ko ay hinihipan mo iyon. Pasalamat talaga ako ni Lord bro na binigay ka niya sa akin. Sana huwag kang magbago bro ha? Sana  pagtanda natin magkasama at magkaibigan pa rin tayo. Huwag mo akong iwan bro ha? Alam ko minsan naiinis ka sa akin kasi abnormal ako eh hayaan mo na yun hahaha. Abnormal nga ako eh promise bro. Labs na labs po kita. Siyempre ikaw kaya ang bro ng buhay ko. Ikaw kaya yung super bro ko! Ay labyu bro!" Maging ako pa kaya ang maging super bro niya, kung malalaman niyang umibig na ako sa kanya?  Hindi! Alam kong kamuhian niya ako kapag malaman niya ang lihim kong pag-ibig sa kanya. Ayaw kong mangyari ang bagay na iyan. Natatakot ako, na baka magising na lamang ako isang araw na lumalayo na aming mga loob sa isat isa. Paano ba maputol itong pagtingin ko sa kanya? Gusto kong mawala na ito. Pero di ko alam kung paano. Ayaw kong masira ang matibay na samahan naming dalawa dahil lang sa lecheng pag-ibig na ito. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito! Itong potang inang puso ko lamang ang sadyang napaka sadista. Kahit nasasaktan na, kahit alam namang hindi tama. Hala! Sadyang hindi talaga madadala. Gustong gusto niyang masaktan! Sino ngayon ang labis na nahihirapan? Ako! Kung may tableta lang sanang pwedeng inumin para mawala na itong nadarama ko, kahit gaano pa yan kamahal ay bibilhin ko. Ayaw ko na! Gusto ko ng tumigil! Ngunit yung dibdib ko ayaw paawat. Dahil sa tuwing sinusubukan kong kalimutan ang nararamdaman para sa kanya  mas lalo lang mag-aalburuto ang aking puso. Nakakabaliw! Nakakaloka. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Haaays! Ang hirap naman nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD