Huwag kang mainlove sa akin bro ha?
Kasi..
Di kita kayang saluhin.
Di kita kayang saluhin.
Di kita kayang saluhin.
"Urrrrrgh!! Tangina!" Napasabunot ako sa aking sariling buhok habang isinubsob ang aking mukha sa unan. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at pinipilit ang sarili na matulog pero di ko magawa. Palagi kasing sumasagi sa isip ko ang mga salitang iyon. Ang sakit. Nakakabaliw. Alam ko naman yun sa umpisa na hindi kami pwede sa isat isa pero mas masakit pala talaga na sa kanya mismo mangagaling ang mga katagang di niya ako kayang mahalin. Kainis naman kasi eh. Bakit ba naging bakla ako? Edi sana di ko naranasan ang ganitong pakiramdam na iibig sa kapwa ko lalaki at sa kamalas malasan ay sa mismong bespren ko pa. Pero ano ba naman ang magagawa ko diba? Nagmahal lang naman ako sa kanya na di ako kayang mahalin pabalik sa paraang gusto ko. At higit sa lahat di ko rin siya masisisi kung hanggang bespren lang ang tingin niya sa akin. Yung sarili ko ang may kasalanan kasi kahit anong pilit ko na huwag umibig sa kanya pero itong tanginang puso ko ay patuloy pa rin na nagmamahal sa kanya kahit na ang sakit sakit na.
Napatihaya ako saka tiningnan ang orasan na nasa dingding ng kama ko. 11:11 na pala. Kainis gusto ko ng matulog pero ayaw talaga ng katawang lupa ko. Gusto kong makalimot at kahit ngayong gabi man lang ay mawala saglit sa isip ko ang mga salitang binitawan niya na lubos na nagpadurog sa aking puso.
Mayamaya pa ay may narinig akong katok sa pinto mula sa labas ng aking kwarto. Urrrrgh! Kainis ano na naman kayang kailangan ng lalaking ito? Gusto ko nga siyang iwasan muna ngayon.
Nakatira kasi ako sa isang apartment malapit sa kolehiyong pinapasukan ko kasama si bro. Oo magkasama kami sa iisang bubong pero may kanya kanya kaming kwarto dito sa apartment na tinutuluyan namin.
Nagkunwari akong tulog at di siya pinagbuksan. Eh sa ayaw ko muna siyang makita muna sa ngayon.
"Bro?" Dinig kong tanong niya sa labas. Napaiiling lang ako at nanatiling tahimik. Huwag muna ngayon bro. Please patahimikin mo muna yung puso at isipan ko.
"Tulog ka na bro?" Tanong niya ulit?
"Bro buksan mo naman ang pinto oh. Please! Nabagabag lang kasi ako kasi parang di ka okay. Di ka kasi lumalabas ng kwarto mo simula kanina. May problema ba tayo bro? Na mimiss na kita bro. Galit ka ba sa akin?" Mahabang sabi niya. May himig na kalungkutan yung paraan ng pagkasabi niyang iyon.
Para namang kinurot yung puso ko sa sinabi niyang iyon. Siguro ngay sobra ang kanyang pag alala kasi buhat pa kagabi nung nanaog na kami pauwi mula sa burol ay masyado na akong tahimik hanggang sa nakauwi na kami dito ay diritso lang ako sa aking kwarto at nagkulong buong araw. Paulit ulit na nga yan sa pagkatok pero di ko siya pinag buksan.
"Sabihin mo naman sa akin yung problema mo bro. Galit ka ba sa akin? May problema ba tayo bro? Di ako sanay sa ganito bro. Please buksan mo naman itong pinto."
Ahhhhhh! Wala na nga akong nagawa ng namalayan ko nalang yung sarili ko paharap sa pinto habang nakahawak doon sa knob at marahang iniunlock iyon at pinihit pabukas ng marahan. Di na kasi ako nakatiis.
Bumungad sa akin ang malungkot niyang mukha. Napasinghap ako ng bigla siyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
"Namiss kita bro." Sabi niya nang kumalas siya mula sa pagkakayap sa akin." May masakit ba sayo bro? Ano? Bakit di ka lumabas mula pa kanina. Pinag alala mo ako bro. Saka bakit mukha kang malungkot? Ano ba yan?" Sunod sunod na tanong niya sa akin. Kitang kita ko ang pag alala sa kanyang mukha. See paano ko naman turuan yung puso ko na balewalain si bro kung siya naman yung kusang lumalapit sa akin? Ewan di ko na alam.
Ayaw ko ng saktan yung sarili ko pero ayaw ko rin siyang saktan. Kung iiwas ako sa kanya masasaktan ko siya. Pero kapag hindi ako lalayo ako naman ang magdusa.
"Wala bro."
"Anong wala? Hindi ka okay bro. Ngayon ka pa ba magsisinungaling sa akin ha? Bro naman. Sanggol pa lang tayo magkasama na tayo wag ka na mang maglihim sa akin. Sabi mo labs mo ako bro? Pero bakit ngayon pakiramdam ko ang layo layo mo na sa akin? Parang di na ikaw yung Trei na bro ko." May himig na pagtatampo yung boses niya. Bigla naman siyang tumalikod at humakbang palayo sa akin saka muling nagsalita.
"Kausapin mo na lang ako kapag bumalik yung dating bro ko na hindi ganyan. Yung bro ko na masayahin at mahal na mahal ako." Puno ng hinanakit na sabi niya saka tuluyan na ngang nilisan yung pintuan ng kwarto ko.
Atumatiko namang kusa na kumilos yung sarili ko saka siya hinabol.
"Bro sandali." Sigaw ko saka niyakap siya mula sa likod nang maabutan ko siya. Napahinto naman siya pero di pa rin lumingon sa akin kaya naman di ako bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Sorry bro. Sorry kasi pinag alala kita. Mahala na mahal kita bro. Promise ako pa rin ito." Sabi ko. Bumitaw ako ng kumilos siya paharap sa akin na nakangiti. At muli ko namang nasilayan ang matamis niyang ngiti na nagpalusaw lahat ng hinanakit ko sa kanya. Nadala ako sa mga ngiting iyon kaya natagpuan ko nalang yung sarili ko na nakangiti na rin.
"Ehhh bakit kaba kasi nagkaganyan bro eh." Parang batang maktol niya sa akin.
"Wala nga bro. Malungkot lang ako kasi nakalimutan nila mama na batiin ako sa birthday ko." Pagsisinungaling ko.
Napaaray naman ako ng bigla niya akong binatukan.
"Ganyan ka na ngayon! Akala ko ba kapit kamay tayo sa lahay ng bagay. Bakit di mo sinabi yan sa akin ha? Bakit itinago mo pa at naglungkot lungkutan ka mag isa edi sana nabilhan kita ng ice cream para di kana malungkot. Pero di bale nalang andito naman ako bro kaya wag ka na malungkot." Sabi niya saka lumakad pabalik sa kwarto ko. Sumunod naman ako sa kanya.
"Uy! Uy! Ano yang ginagawa mo?" Nawindang yung katawang lupa ko ng pagkapasok niya sa kwarto ko ay bigla na lamang siyang naghubad ng saplot at tanging maliit na kulay puting brief nalang ang tumatakip sa kahubaran nito.