Chapter 9

1276 Words
Naalala ko yung diary ko na naiwala ko last semester. At paano naman napunta sa kanya iyon? Basta ang alam ko bigla nalang iyong nawala and at hindi ko alam kung paano iyon nawala sa akin. And yes! Nagdadiary ako. Napakabakla mang isipin but l dont care, hilig ko kasing magrecord ng masasayang alala lalo nat kasama sa mga alaalang iyon ang pinakakamahal kong bro Wessley. "At paano naman napunta sayo yung diary ko?" I manage to ask ng makabawi ako mula sa pagkatanga. "You asshole! You stole it?" I tried to punch his smirking face but sinalo lang niya yung kamay ko. So, totoo ngang nasa kanya ang diary ko na iyon? Pero bakit? Anong pakialam niya doon. Wala siyang mapapala sa aking diary knowing the fact na tanging buhay ko lamang ang nakasaad doon! "Hey! Calmn down Trei. I never stole it." He said defending himself."You were  sitting alone in that bench doon sa soccer field while you are waiting for someone, I think. Yeah you can call me crazy Trei but lagi kitang sinusundan noon. I dont know what happened to myself but the first time l saw you back then bigla na lang tumibok ng malakas yung puso ko. Naguguluhan ako sa sarili ko kasi ang alam ko straight ako. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit naeexcite ako tuwing makikita ka. Nagging classmate kita at kahit anong pagpapansin ko sayo ay hindi mo ako napapansin. Yeah lumabas ka non last sem during midterm at natatagpuan ko nalang yung sarili ko na nakasunod sayo kahit saan ka magpunta.Then suddenly biglang umulan nun you hurriedly ran away from that bench at hindi mo namalayan na naiwan mo pala yung diary mo doon. And so nilapitan ko iyon at kinuha." Mahabang sabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na ngayong alam na niya ang tinatago ko sa loob ng diary. Pwede kasing gawa gawa lang niya yung sinabi niya para talagang maniwala ako sa kanya kasi the fact is paano kung kung pinaglalaruan lang pala niya ako at ginamit niya yung mga nalalaman niya doon sa diary ko to make his act believable. "And why are you doing this to me? I know who you are Migo. Please stop this craziness!" I burst out in anger. Then sadness flash on his face. He sadly smiled. Heh! Ang galing niya talagang umarte. Bagay talaga niya maging artista sa telebisyon! How can he act like a victim gayong ako ang biktima rito. "Believe me lm not playing games with you Trei. I want you! No l love you." Pagsusumamo niya. "I know di mo ako nakikita Trei kasi natatabunan yung puso mo kasi may mahal kang iba. But Trie ikaw na mismo ang nagsabi doon sa diary mo na imposibleng maging kayo. Wag ka ng magpakatanga sa kanya Trei, ako, ako nalang ang mahalin mo." "Thats bullshit Migo! Ano bang pakialam mo? Anong pakialam mo sa buhay ko? Anong pakialam mo kung  mahal ko ang bestfriend ko? Wala! Wala kang alam sa buhay ko! Naintindihan mo?" Sigaw ko sa kanya. Saka ako tumalikod at tumakbo palayo. "I wont stop Trei! I wont stop not until you fell for me." Dinig kong sigaw niya but di ko na siya pinansin. "Huwag mo akong subukan, Migo! Kahit napakatayog mo ay kaya kitang patumbahin! Hindi mo ako kilala!" Im angry! No naiinis ako sa kanya. I dont want to trust that guy. Oo alam kong imposible maging kami ni Wessley  pero bakit pa niya ipamukha sa akin iyon? Ano bang pakialam niya sa akin? Di porket nabasa niya yung laman nung diary ko ay alam na niya yung laman ng tinatakbo ng puso at isipan ko. At higit sa lahat wag na wag niyang idamay yung bro ko sa kahibangang ito. "Bro?" "Bro!" "Uy!" Kalabit niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ang nag alala niyang mukha. Nandito kami ngayon sa apartment ni bro habang kasalukuyang kumakain ng hapunan. "Ang tamlay mo ata bro, okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. Ngiting pilit. "Yeah. Im fine bro." Pagsisinungaling ko. The fact is kanina ko pa iniisip yung mga nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Migo. Inis na inis pa kasi ako dito hanggang ngayon. "Talaga?" Paniniguradong tanong niya. Parang hindi kasi ito kumbinsido sa sinagot ko. Tumango lamang ako sa kanya. "Okay lang ako bro. Medyo pagod lang ako sa school." Pagod?! Eh wala ngang pumapasol sa utak ko sa dinaming tinake up namin kanina? Oo nga naman! Pagod ako! Pagod ako kakaisip sa Migong iyon na nagpagulo sa aking isipan! Arrrgh! "Ganun ba. Magpahinga ka na pagkatapos kumain ako na ang bahalang magliligpit dito." Nakangiting sabi niya. Tumango ako. Tahimik ang ming ginawang pagkain. Hindi na rin nagtanong pa si bro. Siguro ay ramdam niya na ang kagustuhan kong manahimik na muna. "Okay bro." Sabi ko. Mayamaya pa ay natapos na rin akong kumain. Tumayo na ako saka nagpaalam sa kanya na mauna na sa kwarto ko para makapagpahinga. Itutulog ko na lamang ang lahat ng ito. Nakahiga na ako sa kwarto ko nang bigla iyong bumukas at nakangiting pumasok doon si bro bitbit yung unan at kumot niya. Agad akong napakunot ng noo. Ano na namang kagaguhan nasaisip niya ngayon? Naku naman! Huwag namang dagdagan niya pa ang mga frustrations ko ngayong araw. "Dito ako matutulog. Hihi para kasing sinisilipan ako ng mumu  doon sa kwarto ko. Katakot kaya baka rapin pa ako." Sabi niya sabay sarado at lock doon sa pinto. "Ano ba yan bro dito ka na naman manggugulo?" Inirapan ko siya pero wala naman siyang pake at lumapit sa kamang inuupoan ko. Umupo siya katabi ko saka ako niyakap. "Na mimiss kasi kita bro. Eh siyempre buong araw tayong hindi nagkikita hayaan mo namang magkasama tayo kahit tuwing gabi lang." Malambing na sabi niya habang yakap yakap pa rin ako. Napaka childish talaga pero sweet. Napangiti na naman uli ako ng maramdaman ko ang pamumuo ng kilig sa puso ko. "Fine. May magagawa pa ba ako?" Natatawang sabi ko. And with that tila nawala na naman ako sa katinuan. Muli na namang nalason ang isip ko upang muking bumigay sa kagwapuhan ng bestfriend ko! "Yes! The best ka talaga bro. Mahal na mahal mo talaga ako." Ang tumatawa niyang pahayag! "Siyempre! Mahal mo din kasi ako bro. Kahit sawang sawa na ako sa pagmumukha mo ay okay lang kasi labs naman kita." Natatawang sabi ko sabay kurot doon sa magkabilang pisngi niya. "Aray bro. Ang sakit nun ah." Sabi niya sabay hawak doon sa pisngi niya na kinurot ko. Napalakas ata yung pag kurot ko doon. "Hahaha sorry bro. Ang kyuut mo kasi kaya di ko napigilan yung sarili ko." Kapwa na kami nakahiga ngayon sa kama. Mayamaya pa ay naramdaman ko yung panlalamig ng katawan ko kasi nakapasok pala yung hangin sa bintana kasi nakabukas iyon. "Bro pakisara naman yung bintana. Nilalamig kasi ako eh." Utos ko sa kanya. Malapit kasi siya doon. Tumayo din agad siya saka naghubad ng damit at nakangising tumingin sa akin. Agad akong napakunot ng aking noo. Ano na namang kaadikan ang naiisip niya sa pagkakataong ito? "Ano na naman yang katarantaduhan mo ha?" Kinakabahan kong tanong. Kumindat lang ito sa akin saka nagsimulang gumiling. "Malamig pa ba bro? Galingan ko pa ba?" Sarap na sarap siya sa pagiling niya na animoy stripper na gumiling giling doon sa paanan ng kama. Napalunok ako kasi ang hot niya kasi sa ginagawang iyon. "Abnormal ka na talaga bro." Ang nasabi ko nalang habang iniiwas yung tingin saka ko nilunok yung laway ko. "Tingnan mo ako bro. Painitin natin yang gabi mo." "Gago!" Singhal ko! "Itulog mo na nga lang iyang mga trip mo sa buhay! Naku! Naku! Parang natatakot na ako sa iyo! Kailangan mo na yatang magpatingin sa mental.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD