Ayun napagod na din siya sa kabaliwan niya habang ako habol naman ang hininga sa kakatawa. Abnormal eh pero infairness ang hot niya doon.
Maya maya pa ay humiga naman siya sa kama at tiningnan ako ng mariin. Matamis ang mga ngiting ibinigay niya sa akin kaya napatanong ako.
"Bakit?"
"Wala bro. Masaya lang ako kasi tumatawa ka na ngayon di katulad kanina ang tamlay mo. Epektib talaga yung paggiling giling ko doon ano?" Patawa tawang sabi niya sa akin.
"Promise bro. Kapag mungkot ka l will do everything to make you happy. Nalulungkot din kasi ako kapag nakikita kitang malungkot. Siyempre diba kapag mahal mo yung isang tao dapat pasayahin mo siya. Eh labs na labs kita bro kaya kapag malungkot ka sabihin mo lang handa akong gumiling ng gumiling ngumiti ka lang." Nakita ko ang senseridad sa paraan ng pagkasabi niyang iyon. Mahal na mahal nga talaga ako ng bespren kong ito.
Napaisip ako. Paano kaya kung sabihin ko ang tunay na nararamdaman para sa kanya? Pero natatakot ako. Paano kung kamuhian niya ako. Paano kung di niya matanggap ang paggiging bakla ko? Paano kung isang araw gumising nalang ako ng wala na siya sa tabi ko? Natatakot ako sa isiping kamuhian niya ako.
Wala akong kapatid. Simula at sapol ay si bro na ang tanging kasangga ko sa buhay. Sa kanya ko natagpuan ang pananabik kong magkaroon ng kahati sa kung ano ang mayroon ako. Pinapahalagahan ko siya gaya ng paraan ng kanyang pagpapahalaga sa akin. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung mawala siya sa aking tabi. Nakadepende kami sa isat isa. Bagamat iba iba ang aming mga pananaw sa buhay ngunit handa kaming umalalay sa isat isa. Kung malugmok ako sa lupa, ay walang pagdadalawang isip na tulungan niya akong makaahon muli. Gayon din ako sa kanya. Kung may pagkakataong hindi aayon sa kanya ang mundo nandoon din ako sa tabi niya.
Paano kung magising na lamang ako isang araw na lumalayo na ang kanyang loob sa akin? Masakit iyon! Hindi ko matatanggap. Sabay kaming lumaki kaya sabay rin kaming tatanda.
Nangako kami sa isat isa na walang iwanan. Pero hindi sapat ang pangakong iyon para mapanatag ako na sa bandang huli ay hindi niya ako iiwanan kapag malaman niyang may pagkabakla sa aking katauhan.
Mahal na mahal kita bro pero natatakot ako na hanggang bro lang ang tingin mo sa akin. At higit sa lahat natatakot akong mawala kang tuluyan sa akin kasi mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita hanggang sa puntong nagawa ko ng maglihim sa iyo. Mahal na mahal kita hanggang sa umabot ako na mahalin kita higit pa sa isang kaibigan. Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako pabalik dahil alam kong sa umpisa pa lang ay malabo ng mangyari ang bagay na iyon. Tanggap ko naman bro eh. Tanggap kong hanggang kaibigan lang tayo. Pero nasasaktan ako kasi kahit na tanggap ko ay ikaw ikaw pa rin talaga ang isinisigaw ng aking puso.
"Bro?"
"Uy." Natauhan naman ako nang kinalabit niya ako. Masyadong napalalim yata ang aking pag-iisip sa sandaling ito.
"Gwapong gwapo ka sa akin no?" Pang aalaska niyang tanong. "Nakatulala ka kasi. Ano bro nagagwapuhan ka na sa akin no? Haha wag kang mag alala bro ikaw naman ang pinakagwapong lalaki na nakikita ko sa buong mundo." Pakindat kindat niyang sabi sa akin kaya napatawa naman.
Yan ganyang mga linyahan ang nagpahulog sa akin. Ngunit bukod doon ay may malalim pang rason bakit ako nahulog sa kanya. Mabuting tao yang si bro. Ang kabutihan ng kanyang puso ang isa sa mga dahilan bakit gusto ko siya. Ngunit ewan ko ba, kahit alam ko namang mabuti siyang tao ay hi di pa rin ako mapapanatag na baka hindi niya matanggap ang katauhan ko bilang ako.
Nakakagago lang kasi! Bakit pa naging ganito ako? Di ko rin naman masisi ang aking sarili bakit nagkaganito ang lahat. Di ko kasalanang mahalin soya ng patago. Hindi ko kasalanan na magising isang araw na nahulog na ang damdamin para sa aking bestfriend na buong nag-aakala na straight talaga ako. Nahihirapan na ako! Gusto ko ng umahon mula sa kalampastanganang ito. Pero di ko alam kung paano. Di ko alam saan mag-umpisa. Di ko alam paano ko sisimulan. Ni hindi ko nga alam kung makakaya kong kalimutan ang lahat ng nadarama ko para sa kanya. Laging isinisigaw ng aking isip na tama na! Awat na! Pero ang puso kong hangal, ayaw pa titigil.
"Bakit ang corny mo ngayon?" Nakita ko naman ang pagbago ng expression niya sa mukha niya sa tanong kong iyon. Nakanguso yung labi niya and l find it cute.
"Awwts! Ka talaga bro. Wala ka talagang ka sweetan sa akin. Nakakasakit ka talaga ng damdamin." Nakanguso niyang sabi sa akin. Kaya naman napangiti ako.
"Haha whatever bro."
Umaalog yung kama nung humiga siya katabi ko. Hinubad niya yung t-shirt niya sabay tapon doon sa bandang sulok ng silid kaya napaangal ako.
"Ang burara mo talaga bro."
"Hayaan mo na. Matutulog na nga tayo."
"Okay." Sabi ko saka tumagilid paharap sa dingding.
Maya maya pa ay nagtanong ito.
"Bro, matanong ko nga. Bakit hanggang ngayon eh wala ka pa ring girlfreind? Mula pa kasi noong nag high school tayo ay wala pa akong natandaan n may pinakilala kang girlfreind sa akin bro."
"Bakit mo naman natanong yan bro?"
"Eh nagtataka lang kasi ako. Eh sa gwapo mong iyan ay imposible naman kasi na walang nagkakainteres sayo."
"Eh wag muna bro. Darating din ako diyan. Ngayon focus muna ako sa pag aaral ko saka na yun." Pagsisinungaling ko. Eh paano ako makakahanap ng pagmamahal sa iba kung ikaw nga yung mahal ko bro? Kaya lang yung pag ibig ko ay parang pilik mata mo lang. Kahit anong lapit ko lang ay parang di mo naman kasi nakikita yung pagmamahal na pinaramdam ko sayo. Kasi tuwing nagpaparamdam ako ay wala iyong malisya sayo kasi hanggang bespren mo lang ang tingin sa akin.
"Eh ikaw bro bakit ngayon wala ka pa ring girlfreind? Eh mas likas naman na mas habulin ka kesa sa akin?"
"Actually bro meron na akong nagugustuhan noon pa man."
Bigla akong humarap sa kanya. "Oh?" Bigla atang nawala yung pagod ko sa katawan nang sinabi niya sa akin iyon.Eh kung meron nga siyang nagugustuhan mula pa noon eh bakit niya ito nililihim sa akin? Naiinis tuloy ako. Akala ko ba walang taguan ng sekreto but in the other thought patas lang kami kasi nahuhulog ako sa kanya ng patago at matagal ko na itong inilihim sa kanya.
"Kaya lang bro natatakot ako. Baka kasi di niya ako gusto. Eh takot kaya akong mareject bro. Natatakot kasi ako na kapag sasabihin ko sa kanya ay bigla nalang magbabago yung pagtingin niya sa akin."
"Eh bakit di mo subukang ipagtapat sa kanya. Alam mo bro wala namang masama na malaman niya atleast diba hindi ka mapupuno ng what ifs sa utak mo." Advice ko sa kanya. But deep inside ay nasasaktan ako sa sinabi ko. Para ko na rin kasing pinalayo sa akin yung taong mahal ko at kusang pinamigay sa iba. Ay mali. Wala palang kami. Sinabunutan ko ang sarili kong buhok sa kaloob looban ko nang maisip na yung advice ko sa kanya ay di ko magawang maaply sa sarili ko.
"Eh natatakot kasi akong sumugal bro. Lalo na kung wala namang kasiguraduhan kong mahalin ba niya ako pabalik."
"Ano ba yan ewan ko nga sayo." Napakamot ako ng ulo. "At sino namang maswerteng babaeng yan ang natiyempuhan mo bro?"
Matagal bago siya sumagot sa tanong ko. Nakatitig lang siya sa aking mga mata. Biglang namuo yung kaba sa dibdib ko. Para kasing may nais siyang iparating sa akin sa paraan ng mga titig niyang iyon.
"Bro?"
Bigla naman siyang nag iwas ng tingin sa akin bago nagsalita.
"Si Alexis bro."