Chapter 11

1280 Words
Parang bombang malakas na sumabog iyong sinabi niya. Kahit mahina iyon ay animoy nabingi ako sa kanyang ibinunyag. Hindi ko maiwasan ang pagkalaglag ng aking panga at gulat akong napatingin sa kanya. Gusto kong ulitin niya ang kanyang inihayag. Parang ayaw magproseso ang aking utak! Tila nabibingi ako hanggang sa puntong ito. Nais kong marinig na biro lang ang lahat ng iyon. "Sino bro?" Tanong ko pabalik. Kahit klarong klaro iyon sa pandinig ko ay gusto ko pa ring makasigurado kung tama nga ba iyong narinig ko. "Si Alexis bro." Sagot niya pabalik at mariin niya akong tiningnan na wari bay sinusuri ang reaksyon ko. Nagtatangis ang aking dibdib. Ang aking pusong sugatan ay mas napunit ng husto. Umiigsi ang aking paghinga. Ang aking nakatulalang mga tingin ang waring dinidiligan ng butil ng luha mula sa likod ng aking dalawang mga mata. Ang sakit! Bakit hindi ako nakahanda sa bagay na ito! Hindi ako nakapag salita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tila ba huminto sa paggalaw ang buong mundo at tinakluban ako. Hindi ako makahinga at pakiramdam koy nilayasan ako ng lakas. Nakatitig lang ako sa kanya at di pa rin makapaniwala sa rebelasyong narinig. Hindi ko alam ang aking gagawin kong tatawa ba ako o ano hindi ko mahagilap kung anong reaksyon ang ibibigay ko sa kanya. Pero isa lang ang pinakanamayaning pakiramdam sa aking dibdib ang lungkot, at unti unting pagkabiyak ng aking puso na animoy pinupunit iyon at nagdurugo sa loob. May mahal na pala siyang babae. Dapat nga ako matuwa sapagkat finally may mahal na pala ang bro ko na babae pero hindi. Hindi ko kayang masaya para sa kanya kasi gusto ko na ako lang. Ako lang yung taong magpapasaya sa kanya. At isa lang tanong ang nasa isipan ko ngayon. Susuko na ba ako? Titigil na ba ako sa kahibangang ito? "Ano bro bakit di ka na makapagsalita diyan? Habit mo talaga yang pagkatanga bro habang tinitingnan ako ah." Naguguluhang tanong niya. Sandali kong tinatagan ang aking loob. Ayaw kong ipakita sa kanya na apektado ako. Baka ano pang iisipin niya. Ano na lamang ang sasabihin ko kapag makita niya ang aking pagluha. Kaya kahit bibigay na ang aking dalawang mga mata ay pipilitin kong huwag niyang maramdaman ang pagtatangis at paghuhumiyaw ng aking pusong nasasaktan.  Ngumiti ako ng peke at saka pinigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata. "Wala bro," ang aking tugon. Ngumiti ako para ipakita sa kanya na natutuwa ako kahit sa loob ko ay ang sakit sakit na. "Masaya ako kasi finally nakahanap ka na rin ng babaeng mamahalin mo. Haha!" Hinihimigan ko ng tawa ang paraan ng pagkasabi kong iyon para ipakita na masaya ako sa kanya. Pero alam ko sa kaloob looban ko ay unti unti na itong bibigay. "Masaya ka ba talaga bro? Bakit para kang nagka LBM diyan?" Takang tanong niya. Siguro nga ay nahahalata nito ang pagkadismaya sa mukha ko. "Oo bro. Masaya ako." Sabi ko sabay thumbs up. "Eh bakit may luha yang mata mo bro? Umiiyak ka ba?" Gulat naman ako at biglang kinapa yung pisngi ko at may nakapa talaga akong basa sa pisngi ko. Di ko na pala namalayan na tumulo na pala yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa pagbigay. "Tears of joy bro. Ano ka ba. Hahaha. Naks magka girlfreind ka na bro. Binatang binata ka na talaga." Pagbibiro ko sa kanya. Saka tumalikod para ikubli yung mga luhang nagbabadya na naman sa pagpatak. Gusto kong pumalahaw sa pag iyak pero hindi pwede. Gusto kong manakit. Ayaw ko ng ganito! Ano naman ang sasabihin ko sa kanya kung iiyak ako. Sasabihin ko na nasasaktan ako kasi mahal ko siya at umaasang mahal din niya ako higit pa sa isang kaibigan? Para ano? Para kamuhian niya ako at magtatapos yung ano man ang mayroon kami? No. Hindi ko kakayanin iyon. Oo aaminin ko di naman ako umaasa na mahalin niya ako pabalik. Akala ko tanggap ko na na hindi niya ako magugustuhan pero ansakit pala talaga kapag nangyari yung mga bagay na iniiwasan mong mangyari. Mahal ko si bro. At ang malamang may mahal na rin siyang iba at hindi ako ang taong iyon ay sadyang nakakaguho ng aking mundo. Nasanay na ako na ako lang ang mundo niya. Nasanay ako na ako lang ang nariyan para sa kanya. Nasanay ako na aki lang ang taong makapgpapasaya sa kanya. Marahil nga ay sadyang nasanay na ako kaya nang dumating ang puntong ito ay gayon din ang pagkalugmok ko. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang mga bisig niya na nakagapos sa akin. Huwag namang ganyan bro! Pakiusap! Mas lalo akong nahihirapan! "Wag ka ng malungkot bro. Kung iniisip mo na may kahati ka na sa oras at pagmamahal ko sayo ay hindi ganoon yun. Mahal na mahal kita bro at kahit kailan di mapapalitan yung espasyo mo dito sa puso ko na ikaw lang ang nakalaan." Malambing na sabi niya sabay hagod ng buhok ko. Mas lalo tuloy akong nasaktan sa sinabi niyang iyon. Hindi naman kasi ganoon yun. Hindi niya maintindihan. Ngunit paano nga niya amintindihan gayong wala siyang kamuwang muwang sa nararamdaman kong ito! Hindi naman ako natatakot na may kahati ako sa oras niya. Ang ikinatatakot ko ang katotohanang wala talaga akong puwang sa puso niya kundi ang tanging bestfriend niya lang. At kung mayroon man ay hanggang doon lang.  Magkaibigan lang talaga kami. "Ano ba yang pinagsasabi mo bro. Masaya nga ako para sayo." Pagsisinungaling ko. Napabuntong hininga naman siya saka muling nagsalita. "Promise mo yan ha?" Ang nag-alala niyang tanong. "Promise bro," ang himig matatag kong tugon. "Alam mo namang andito ako palagi para sa iyo diba? Kung saan ka masaya ay masaya narin ako. Kaya huwag kang mag isip ng kung ano ano diyan. Mabuti pa matulog na tayo." "Salamat bro. Mahal na mahal mo talaga ako bro." "Siyempre naman. Bro kaya kita. Mahal na mahal kita." "Alam ko bro. At ikaw naman ang bro ng buhay ko." No hindi na ngayon bro. Alam ko darating ang araw na iikot na ang mundo mo sa kanya. Sakaling liligawan mo kasi si Alexis at sasagutin ka niya alam kong dito na lang ako sa isang tabi. Sana ako nalang si Alexis edi sana ako ang mahal mo ngayon. Sana ako nalang bro. Napangiti ako ng mapait at hinahayaan na lamang mabasa ng unan ko ang mga luhang kanina pa sa pagpatuloy sa pagpatak. Napaiisip ako. Maganda si Alexis. Maputi ang balat at matangos ang ilong. Morena ang kanyang balat at manipis ang kanyang labi na isa sa mga assets nito. Mahaba ang buhok nito na kulot kulot sa dulo nito. Maganda ang hubog ng kanyang katawan ika nga nila pang model material ito.  At higit sa lahat siya palagi ang pambato ng aming department tuwing may paligsahan ng ganda sa loob at labas ng paaralan. Kaya nga siguro nagustuhan iyon ni bro. Nakaramdam ako ng paninibugho at selos sa isiping iyon. At siguro hahayaan ko muna ang sarili ko na magselos kahit sa kalooban ko lang siguro normal lang iyon kasi gusto ko si bro at kahit na abnormal itong nararamdaman ko para sa kanya.Walang wala talaga akong panama doon lalo na at di ako babae. Mayamaya pa ay nagsalita uli siya matapos ang ilang segundong katahimikan. "Sa tingin mo ba bro sasagutin kaya ako ni Alexis kung liligawan ko siya?" Alanganing tanong niya sa akin. Pakshet naman at tinanong pa talaga niya ako ah! Di na lang ako sumagot at umarteng tulog habang humihilik pa. "Tulog ka na pala bro." Bumuntong hininga siya." Good night bro." Ang huling sabi niya sa akin at mayamaya pa ay narinig ko na rin ang munting paghilik niya habang nag unahan naman sa pagdaloy ang aking mga luha habang binabasa nitong tuluyan ang aking unan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD