"Aray! Ansakit nun ah. Biro lang naman yun ah." Napakamot ako sa ulo ko kunwari para burahin yung lungkot sa mga mata ko." Eh bakit mo nga pala ako dinala dito ngayon eh di ba sabi mo para lang to sa maswerteng babaeng mahal mo?
"Napag isip isip ko kasi na mas mahal pala kita kaysa future gerpren ko. Kasi bro kita at siyempre love na love kita bro." Sabi niya sabay akbay sa akin at hinila palapit sa dibdib niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ako at the same time malungkot din. Ewan baliw na ata ako.
"Di mo ba alam kung anong araw ngayon bro?" Mayamayay tanong niya sa akin. Kaya naman napakunot yung noo ko at biglang napaisip.
"Bakit ano bang meron sa araw pala ngayon bukod sa Sabado ngayon?" Tanong ko pabalik.
"Nakalimutan mo talaga?"
"Itatanong ko ba kung may alam ako?"
Walang sabi sabi ay may kinuha uli siyang di kalakihang box doon sa back pack niya. Nagtaka naman ako kung ano yun.
"Ano yan?" Takang tanong ko sa kanya.
"Secret!"
"Ano nga yan."
"Pikit ka muna." Utos niya sa akin. Kaya napapikit naman ako. "Pagbilang ko ng tatlo saka mo lang buksan yung mga mata mo ha.
" Okay."
"Okay... Isa.. Dalawa.. Tatlo!" Sabi niya saka ko binuksan ang aking mata.
"SURPRISE!!! HAPPY BIRTHDAY BRO!"
Tumambad sa akin ang isang cake na animoy niwakwak ng aswang na nagkalasog lasog ang laman pero sa halip na matawa ay parang natutunaw ang aking puso sa tanawing nasaksihan lalo na at may nakalagay na nakasinding candle na number 18 sa ibabaw ng animoy taeng cake. Napangiti ako ng malaki dahil sa galak na nadarama.
"Haaha! Ang aga naman ng pabirthday mo bro. Bukas pa kaya yung birthday ko." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Alam ko bro. Eh gusto ko lang naman kasi na ako yung pinakaunang taong babati sa birthday mo. Eh kung bukas pa eh baka maunahan pa ako ng iba kaya napagdesisyunan kong gawing super aga para ako talaga yung mauna." Mahabang sabi niya. "Happy birthday haha pahug nga ng super higpit sa pinaka gwapong bespren ko in the whole world!" Walang ano anuy naramdaman ko nalang yung braso niyang mahigpit na nakayakap sa akin. Di na nga ako nakahinga ng maayos sa higpit nun.
"Aray bro di ako makahinga." Reklamo ko pero parang nagpiyesta yung puso ko sa sobrang kilig sa ginawa niyang yun.
"Hayaan mo na. Para ramdam mo talaga kung gaano kita ka lab bro. I lab you bro!" Sabi niya at kalaunay binitawan na rin niya ako.
"Thank you bro." Super siglang sabi ko sa kanya. Bigla namang lumungkot yung mukha niya.
"Ang sabi ko ay labyu! Aylabyu bro. Tapos sabi mo thank you! Nakakasakit ka naman sa damdamin bro." Parang batang maktol niya sa akin. Napatawa naman ako sa pagiging childish nito.
"Haaha. Ano ba dapat ang isasagot ko?" Pabebe kong tanong sa kanya.
"I labyu too dapat!" Sagot naman niya." Uulitin ko ah. Ay labyuuu brrro!" Sigaw niya kaya naman nag echo yung boses niya dahil sa lakas ng pagkasigaw niya.
"Sige na nga. Ay labyu too bro." Sabi ko. Haha sarap umihi ng bato ngayon dahil sa sobrang kilig ng aking nadarama.
"Ay ang hina. Isigaw mo bro gaya nung akin ba." Nakapout pa rin siya habang nangunot ng sobra yung noo niya.
"AY LABYU TOO BROOOO!" Sobrang lakas ng pagkasigaw ko. Nakita ko naman yung unti unting pagsilay ng ngiti sa gwapo niyang mukha. Kaya napangiti na rin ako.
"Haha. Payakap nga uli bro." At walang ano anuy naramdaman ko uli yung bisig niya na nakapulupot sa akin.
"Tama na yan bro ah. Chansing ka na." Sabi ko. Tinulak ko siya palayo para kunwari naalibadbaran ako sa yakap niya kahit gustong gusto ko na yakapin niya ako buong magdamag ay okay lang. Pero sa halip na lumayo ay mas lalo lamang niyang hinigpitan yung yakap niya sa akin na labis kong ikinatuwa.
Maya maya pay kusa na rin siyang bumitaw.
"Uy lapit ng maupos yung kandila bro. Wish ka na saka blow mo na." Utos niya sa akin. Kaya naman pagkatapos kong magwish ay hinipan ko na yung kandila.
"Ano pala yung wish mo bro?"
"Sa akin na yun."
"Kasama ba ako doon?" Seryosong tanong niya sa akin.
" Oo naman."
"Talaga? Di nga?" Puno ng galak yung mukha niya. Napatawa tuloy ulit ako.
"Promise yan ha?" Nakangiting sabi niya sabay kurot ng aking magkabilang pisngi. Bahagya pa niyang inilapit yung mukha niya sa akin kaya biglang nag init yung pisngi ko at pakiramdam koy namumula na ito ngayon. Buti na lang di niya masyado makita ang reaksyon ko.
Napatanga ako ng ilang saglit hanggang sa di ko namalayan na nakipagtitigan na pala ako sa kanya. Walang nagsasalita at kapwa kami nakiramdam sa isat isa habang yung mga mata namin ay nakatutok sa isat isa. Ramdam ko ang unti unting pagregidon ng aking puso lalo na nung mas inilapit niya pa yung mukha niya sa mukha ko. Laghap ko ang mainit at mabango niyang hininga habang itoy palapit ng palapit sa akin. Napalunok ako. Hahalikan niya ba ako? Kusang nagpaubaya yung sarili ko ng sa unti unti ay napapikit ang aking mga mata. Dinig ko ang kabog sa aking dibdib. Animoy nalulunod ako sa init ng kanyang hininga habang hinintay ko ang pagdantay ng kanyang labi sa akin.
Pero ilang saglit pa ay bigla akong napadilat ng maramdam ko ang malamig at malagkit na icing ng cake na ipinahid niya sa aking pisngi.
"Ang bad mo talaga bro! Nu ba yan ang lagkit kaya bro!" Sabi ko pero bakas pa din ang sobrang pagka dismaya hindi dahil sa pinahiran niya ako ng icing kundi dahil sa pag aakalang hahalikan niya ako. Sinabunutan ko yung sarili ko sa isip ko. Ang assuming ko naman kasi talaga. Urrrgh!
"Bro." Tawag niya sa akin. Pero inirapan ko lang siya. Kainis naman kasi.
"Uy bro." Sabi niya sabay kalabit sa akin. Pero di ako umimik habang iniwas ang tingin ko sa kanya at itinuon iyon sa mga city lights na tanawin mula dito sa tuktok ng burol.
"Galit ka ba bro?" Tanong niya sa akin. May himig ng lungkot ang boses niya. Di ko siya sinagot.
Walang nagsasalita sa amin at katahimikan ang namayani. Hindi ako nakatingin sa kanya pero kitang kita mula sa gilid ng aking mata ang mariing pagtitig niya sa akin. At nakapout na naman kasi siya kaya kahit nainis ako ay mas lalo lang tuloy akong nainlove dito.
Pero tangina fren! Napahiyaw ako sa gulat ng bigla niya akong kinabig palapit sa kanya at hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.
Dinilaan niya yung icing doon sa mukha ko. Waaaah!