DALAWANG araw na ang nakakalipas matapos ang Stage Play na iyon, ganoon katagal na rin katagal na hindi nakakausap ni Razz si Marvin. Ang masakit nito, madalas ay nakikita niyang magkasama ang dalawa. O minsan naman ay nakikita niya ang mga ito sa Kid's Corner. Base sa nasasaksihan niya, mukhang sweet at masaya ang mga ito.
Kagaya na lang ng araw na iyon. Naroon si Marvin kasama si Annie, sa loob ng Kid's Corner habang masayang nagku-kwentuhan ang mga ito at sweet pa. Mariing tumutol ang isip niya. Sinasabi nitong dapat hindi na siya umasa pa. Sa kabila ng nasasaksihan ng mga mata niya, patuloy pa rin na umaasa ang puso niya. Pinanghahawakan niya ang sinabi nitong siya ang mahal nito. Minsan nga, gusto na niyang turukan ng syringe ang sarili. Baka sakaling matauhan siya sa katangahang ginagawa niya. Masokista na nga yata siya, kahit nasasaktan na. Hayun at patuloy pa rin siyang nagmamahal.
"Doctora, hindi mo sila kailangan tingnan. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo." Pukaw ni Josie sa kanya. Kasama din nila doon ang mga kaibigan niya sina Jhanine, Marisse at Sam.
Napakurap siya, saka mabilis na pinahid ang luhang kumawala sa mata niya.
"I'm okay." Pabulong na sagot niya.
"You're not. Huwag mong plastikin ang sarili mo." kontra ni Marisse sa sinabi niya.
"Hindi ko alam. Gusto kong maniwala na ako ang mahal niya, gaya ng sabi niya sa akin." Wika niya.
"Really? Kung talagang ikaw ang mahal niya, bakit naroon siya at ibang babae ang nasa tabi niya? Hindi ba't ikaw dapat ang nasa posisyon ng babaeng iyon?" dagdag pa ni Jhanine.
Muling nag-unahan sa pagbagsak ang luha niya.
"See? Ilang araw ka na bang ganyan? Wala ka ng ginawa kung hindi ang umiyak. Kahit na kakambal ko siya, hindi ko ito-tolerate ang ginagawa niyang mali. Kung sa tingin mong napapagod ka na, Let it go. Hindi mo siya kailangan hintayin. Dahil kung talagang ikaw ang mahal niya, siya mismo ang lalapit sa'yo." Ani Marisse.
Nilapitan siya ni Jhanine, hinawakan pa nito ang dalawang kamay niya. "Razz, you're a beautiful person. Inside and out. You deserve to be happy. Huwag mong gawin ito sa sarili mo."
"Ang mabuti pa, kumain na lang muna tayo. Ikain mo na lang 'yang sama ng loob mo. Makakabuti pa sa'yo." Yaya sa kanya ni Sam.
"Tama," sang-ayon ni Josie. "Huwag ka na rin kaya muna gumawa ng procedure, Doc. Hindi ka rin naman makapag-concentrate. Schedule ko na lang bukas mga darating na pasyente." Suhestiyon ni Josie.
"Tama, mas mabuti pa nga." Sang-ayon din ni Marisse.
"Halika na, lumabas na tayo."
"Uuwi na lang ako," sabi niya.
"Hindi! Magmumukmok ka lang din doon." Tanggi ni Sam.
Sapilitan siya nitong hinila palabas ng Dental Clinic at dinala siya sa Jefti's. Pagdating doon, puro desserts ang inorder ng mga kaibigan niya. Para sa kanya, isang banana split ang binigay ng mga ito.
Agad na bumalik ang alaala ng araw na kumakain siya ng Banana Split sa Rio's Finest at pinasaluhan nilang dalawa iyon. Iyon din ang araw kung saan sila nagkaayos. Bakit nga ba hindi na lang huminto ang araw na iyon? Marahil, masaya pa rin siya hanggang ngayon.
"Okay ka lang ba, Razz?"
Paglingon niya ay naroon sa katabi ng mesa nila sina Jester, Kevin, Wayne, Gogoy, Jefti at Mark. Tila ba alam ng mga ito ang pinagdadaanan niya, nababanaag niya ang pakikisimpatya sa mata ng mga kaibigan niya para sa kanya.
Tipid siyang ngumiti. Ngiting hindi umabot sa mga mata niya.
"Yeah, trying to be one." Sagot niya.
"Look, alam kong nasasaktan ka. Pero huwag ka sanang bibitaw." Pakiusap pa sa kanya ni Wayne.
"Hindi ko alam kung kaya ko pa." sagot pa niya.
"Hoy teka nga! Huwag n'yo munang kausapin si Razz tungkol diyan. Kaya nga namin 'yan hinila dito para malibang." Saway ni Marisse sa mga pinsan.
"Pagsabihan mo 'yang kakambal mo." Sabi pa ni Gogoy dito.
"Gagawin ko talaga 'yan. At hindi ko lang siya pagsasabihan! Bubugbugin ko pa!"
"Ewan ko ba diyan kay Marvin, hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip n'yan. Hindi ko alam kung naaawa lang siya sa Annie na 'yan o mahal ba niya talaga." Komento pa ni Jester.
"Sasapakin ko 'yan kapag si Annie ang pinilin n'yan." Komento din ni Kevin.
"It's okay. Kung si Annie talaga ang mahal niya. Wala akong magagawa." Malungkot niyang sabi.
"Huwag n'yo silang pakialaman. Hayaan mo si Marvin ang umayos ng gulong siya rin ang gumawa. Ang hindi ko lang maintindihan diyan, kung talagang hindi niya mahal si Annie. Bakit hindi niya masabi?" dagdag ni Gogoy.
Humugot ng malalim na hininga si Razz. Sa bawat segundong nagdadaan, pakiramdam niya ay parang habang-buhay na ang katumbas. Hindi rin niya alam kung bakit siya naghihintay ng ganito, marahil, sa kabila ng mga sakit. Tangan niya sa puso niya ang pag-asa na sa bandang huli, siya pa rin ang pipiliin ni Marvin.
"Maghihintay ako." Buo ang loob niyang sabi.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Marisse.
"Maghihintay ako." Ulit niya. "Hanggang sa dumating ang araw na makapag-desisyon siya. Kung si Annie ang pipiliin niya, saka ko siya sisimulang kalimutan."
"Are you out of your mind?" tanong ni Mark.
"Razz, are you sure?" tanong din ni Kevin.
"My God! Gusto kitang batukan, Razz. Kahit na kaibigan namin si Marvin, hindi ako agree sa ginagawa niyang pagpapa-asa sa'yo." Sabi pa ni Jhanine.
"Why are you doing this?" Seryosong tanong ni Gogoy sa kanya.
"Because I love him." Deretsang sagot niya. Natahimik ang mga kaibigan niya.
Oo. Mahal niya ito. At kung kinakailangan niyang panghawakan iyon hanggang sa huling sandali. Gagawin niya. Ang tanging kasalanan niya, nagmahal siya labis. At hinding-hindi niya pagsisisihan iyon.
TINUNGGA ni Marvin ang laman ng baso niyang alak, pabagsak niya itong nilapag sa ibabaw ng mesa. Naroon siya ng mga sandaling iyon sa Jefti's, sa bilyaran. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak, at gusto din niyang kamuhian ang sarili for hurting Razz.
What are you doing Marvin? Bakit ba hindi mo maiwan si Annie? You don't love her. Si Razz ang mahal mo. Pagkausap pa niya sa sarili.
Annie is his girlfriend. Isang taon na ang nakakalipas ng magdesisyon itong i-pursue ang modeling career nito sa ibang bansa. Noong mga naunang buwan, may communication pa sila. Pero sa mga sumunod na araw, hindi na ito tumawag pa. Hindi na rin niya ito ma-contact pa. Naging masakit din sa kanya ang biglaang pag-iwan nito sa kanya, kahit na hindi ganoon kalakas ang damdamin niya para dito. Nasaktan ang ego niya bilang isang lalaki. Naging malapit din ito sa puso niya. Pero hindi rin nagtagal ay naka-recover na siya, hanggang sa nakalimutan na niya ito ng tuluyan. Kaya laking gulat niya noong isang linggo ng dumating ito.
Magiging madali sana para sa kanya na sabihin dito na may iba na siyang mahal. Ngunit, pinatunayan ni Annie sa kanya ang pagsisisi ng bigla na lang itong mawala. Umamin ito ng mga naging kasalanan nito sa kanya, ang pagkakaroon ng ibang karelasyon. And he felt the sincerity of her apologies. And she wants another chance for the two of them. Nang mag-usap sila noong gabi ng Stage Play, at inamin niyang may iba na siyang mahal. Nagmakaawa ito na bigyan pa siya ng panahon para patunayan nito ang pagmamahal nito sa kanya. Halos lumuhod ito sa harap niya para lang pagbigyan ito. Kaya wala na siyang nagawa pa, kahit na alam niyang nasasaktan ang babaeng tunay niyang mahal. Now, he's torn between his pity towards Annie and his love for Razz.
But now, Marvin realizes he should make a stand and make his choice. His heart choose Razz. Wala ng iba. Naputol ang pag-iisip niya ng dumating ang mga pinsan niya. Kumpleto ang mga ito, maging ang kakambal niya ay nandoon din. At base sa pagsimangot nito, alam niyang sesermunan siya nito.
"Solo flight ka ah," puna sa kanya ni Kevin.
"Nag-iisip lang," mahina ang boses na wika niya.
"Yeah, kailangan mo ngang mag-isip ng mabuti. Dalawang babae ang naghihintay sa'yo." Sang-ayon ni Glenn.
"And make up your mind as soon as possible." Sabi pa ni Wesley.
"Tama, dahil habang pinatatagal mo ang sitwasyon mo. Mas lalong nasasaktan si Razz." Sang-ayon din ni Wayne.
"At mas lalong naghihintay si Annie sa wala." Dagdag ni Mark.
"Ako nga tapatin mo! Sino ba sa dalawa ang mahal mo?" galit na tanong ni Marisse sa kanya.
Salubong ang kilay na lumingon siya sa kakambal.
"Stay out of this," sa halip ay sagot niya.
"Stay out of this?" ulit nito. "Baliw ka ba? Bukod sa kakambal kita! Kaibigan ko si Razz. Kung ang tinamaan na magaling na Annie na iyan, naghihintay. Ang kaibigan ko, nasasaktan, umaasa at naghihintay!"
Natameme siya. "Hindi ko lang alam kung paano sasabihin ang katotohanan kay Annie na hindi siya ang mahal ko. Ayoko siyang masaktan." Wika niya.
"Eh si Razz ba hindi nasasaktan? Wala nang ginawa 'yung tao kung hindi ang umiyak ng umiyak! Pero ano? Nandoon! Mahal ka pa rin! Sabi ko nga huwag na siyang umasa eh! Dahil sa nakikita ko, mukhang mas pinipili mo ang babaeng iniwan ka noon!" galit na sigaw ni Marisse.
"Hindi totoo 'yan! Alam mong noon pa man mahal ko na siya!" mabilis niyang depensa niya sa sarili.
"Then, prove it!" hamon nito sa kanya.
"Tama na kayong dalawa," awat sa kanila ni Jester.
"I'll agree with your twin sister, insan." Sang-ayon naman ni Daryl.
"Make up your mind." Ani Karl.
"At sa pagdesisyon mo, siguraduhin mo kung sino ang pipiliin mo." Payo ni Jefti.
"Dahil kahit na anong ingat mo sa damdamin nilang dalawa, kapag namili ka. May isang maiiwan at masasaktan." Sabi pa ni Gogoy.
"I already made my choice, si Razz ang mahal ko." Sagot niya.
"Iyon naman pala eh, prove it to her. Alam kong ayaw mong may masaktan kahit isa sa kanila. Kung si Razz talaga ang mahal mo, manindigan ka. And face the reality of hurting somebody." Seryosong payo sa kanya ni Miguel.
"And please, B1. Do it right now." Pakiusap pa sa kanya ng kakambal.
Nakangiting inakbayan niya si Marisse. "I will, B2."
TINITIGAN ni Marvin ang nakangiting mukha ni Annie. Hindi niya maitatanggi na tunay itong maganda, kahit sinong lalaki ay mabibighani dito. Muli ay kinapa niya ang damdamin para dito. Pero wala siyang makapang ano mang espesyal doon. Ngayon, tanging pagmamahal para sa kaibigan na lamang ang maibibigay niya dito.
"Hi babe," malambing pang bati nito sa kanya.
Nang tawagan niya ito kanina at sinabing nais niya itong makausap, ito na mismo ang nag-prisintang pumunta doon sa bahay ng Lolo niya.
"Hi, kumusta ka na?" tanong niya, sa malungkot at mababa ang tinig.
"I'm okay," sagot naman nito.
Humugot siya ng malalim na hininga. Mabigat sa loob niya ang gagawin, tama ang mga pinsan niya. Hindi na niya dapat pang patagalin ang lahat. Kaytagal niyang pinangarap na mapansin ni Razz, at mahalin din nito. At ngayon pareho na sila ng damdamin. Hindi na niya hahayaan pang mawala ito.
"You look so sad," puna ni Annie.
"I need to tell you something," pag-uumpisa ni Marvin.
"Okay, what is it?"
"You know that I loved you, and you will always be special to me. You're a sweet girl, and I don't want to—"
"Oh baby, I love you too!" biglang sagot ni Annie. Nagulat siya ng bigla siya nitong halikan ng mariin sa labi, pagkatapos ay yumakap ito sa kanya. Gumanti naman siya ng yakap dito.
"Promise! Hindi ka magsisisi sa pagpili sa akin!" dagdag pa nito.
Hindi siya agad nakakibo. "Annie. No." sa wakas ay sabi niya.
Lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya, tiningnan siya nito. Saka unti-unti na nawala ang ngiti at excitement sa mukha.
"What do you mean?" tanong ni Annie.
"Hindi na natin puwedeng ipagpatuloy ito. I'm being unfair with you, with Razz. At ayokong patuloy na umasa ka na magkakaroon pa ulit ng tayo. God knows I tried to bring back all my feelings for you. Pero, nabigo ako. At kahit na anong gawin ko, si Razz pa rin ang laman ng puso ko." Paliwanag niya.
Umagos ang mga luha sa pisngi nito.
"Are you sure about this?" tanong pa nito.
Tumango siya.
"Okay then, I guess I have to leave now." Anito.
"Thank you," wika niya.
"You really love her, don't you? Matagal ko ng napansin iyon sa'yo. Sa tuwing magkasama tayo, madalas wala ka sa sarili mo. Pero kapag nakikita mong dumaan si Razz. Mabilis na nagliliwanag ang mukha mo. Noong gabi ng Stage Play n'yo, you deliver your lines so naturally. Galing sa puso mo. I think this will be the last time that you'll see me. Babalik na lang ako sa US, doon ko na lang sisimulan ang buhay ko ng wala ka. Pilit ko lang itinatanggi sa isip ko, pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na ako pa rin ang mahal mo. Akala ko kasi, may babalikan pa ako." Paglalahad ni Annie. Pagkatapos ay kinuha nito ang bag nito at nagsimulang maglakad palayo.
Bago ito lumabas ng pinto. Muli itong huminto at nilingon siya. "I want you to know that I want you to be happy. So, I'm letting you go. At naiinggit ako kay Razz, kasi nakikita kong mahal na mahal mo siya. Hindi ko na lang sana ipinagpilitan ang sarili ko sa'yo. Hindi ka na sana nahirapan ng ganito. Goodbye, Marvin."
Nang makaalis na si Annie. Gumaan ang pakiramdam niya. Nawala ang bigat sa dibdib niya. Kahit na alam niyang nasaktan ito sa naging desisyon niya. Alam din naman niyang makakalimutan siya nito. Agad niyang naalala si Razz. Hindi na siya mag-aaksaya ng panahon, pupuntahan na niya ngayon ang dalaga. Excited na siyang makita ito. Mayakap at sabihin muli dito kung gaano niya ito kamahal. Mabilis siyang bumaba, at agad na hinanap si Razz. Nasa tapat pa lang siya ng tindahan ni Kim nang tawagin siya nila Sumi at Jhanine.
"Sinong hinahanap mo?" tanong ni Jhanine.
"Razz, have you seen her?" balik-tanong naman niya.
"Ayun tumakbo doon sa clinic niya," tila balewalang sagot nito.
"Umiiyak siya, nakapili ka na daw kasi at hindi siya 'yon." Dagdag pa ni Sumi.
"Oh no! No! No!" nagpanic na wika. "Nagkamali siya ng narinig niya! Damn!"
"Puntahan mo na, bilis! Baka magbago na isip no'n!" biglang sabad ni Marisse, saka halos itulak siya palayo.
"Ano ba kasi ang ginagawa niya sa bahay? Argh!" napu-frustrate na tanong niya.
"Pengkum ka talaga! Mamaya ka na magtanong diyan! Puntahan mo na muna si Razz!" pagtataboy pa sa kanya ng mga pinsan at kaibigan.
Agad siyang tumakbo patungo sa Dental Clinic ni Razz. Heto na ang pagkakataon niya. Patutunayan niyang ito ang mahal niya at wala ng iba pa.
Hindi ka maaaring mawala, Razz. Mahal na mahal kita!