Drew It’s Sunday morning. Kanina pa ako gising, hindi pa sumisikat ang araw. Nakatunganga lang ako habang nakahiga, maga ang mga mata kakaiyak. Sa ngayon, tuyo na ang mga luha ko. Sa ngayon ha. Hindi ko tiyak kung mamaya o bukas hindi na ako iiyak. Hangga’t nag-aantak ang kalooban ko, malamang kesa hindi kaunting kibot lang mag-uumpisa na naman ako magdrama. I watched the dust motes swirling across the room, illuminated by the thin slices of sunshine peeking behind my window curtains. Bagong araw, pero walang bagong pag-asa for me. Ako na rin ang nainis sa sarili ko sa ginagawang pagmumukmok. Enough of the pity party. Naligo na ako at bumaba bitbit ang mga naipon kong labahan. Determinado akong gawing abala ang sarili, pagod na akong magmukmok sa tuwing dinudurog ni Troy ang puso ko

