“FRANCIS?! Francis?!” Tinapik-tapik ko ang pisngi niyang nanlalamig. Mabuti na lang at maagap ko siyang nasalo. “What happened?! Why did he pass out?” Galit na tiningala ko si Clem na kalalabas lang mula sa Function Room. “Linasing mo siya.” Akusa ko sa kaniya. Natatawa siyang nagtaas ng mga kamay at umatras. “Ayaw mo ba, Marcus? Magagawa mo na ang gusto mong gawin sa kaniya.” Humagikgik pa ng malandi ang babae. “Kung hindi ko siya nasalo baka tumama na ang ulo niya sa semento! 'Di ba ikaw na rin ang nagsabi na sensitive ang ulo niya.” Inalis ko ang nakatabing na buhok sa mga mata ni Janus... Napabuntong-hininga ako. Francis na pala siya ngayon. “Na hindi naman nangyari, 'di ba? Sige na buhatin mo na siya at dalhin sa penthouse. Hubaran mo tapos...” pilya itong kumindat. “Clem...” pa

