“NAKS! Ang guwapo ng baby, ah!” Nakangising ginulo ni Clem ang buhok ko. Pinalo ko ang kamay niya. “Hindi na ako baby.” Nakangusong sabi ko sa kaniya. Napatawa siya sa inasta ko. “Well, for us, ikaw lang nag-iisang baby namin.” Hay eto na naman siya. “Tell me, kanino ka ba nagpapa-cute ha?” Muli niyang tanong. “Uh, para sa sarili ko?” Iginala ko ang paningin ko sa maluwang na silid. Maraming tao. They look like gangsters to me dahil lahat sila ay naka-jacket kundi man naka-tshirt ng itim. Ako lang ang naka-apple green na polo shirt. Ganda ng function hall. May mga maliliit na tables sa gilid. May bar, dance floor at mini stage kung saan may bandang tumutugtog. Para itong maliit na disco bar. Sosyal naman ng building na tutuluyan ko. “Ows? Baka naman sa kaniya?” Sinundan ko ang itinutu

