Chapter 3

1399 Words
In sixteen years of Akiko living in this world ay masasabi niyang naive siya sa mga bagay na may kinalaman sa pag-ibig o kung anuman. She just wanted to be pretty and sexy sa paningin ng mga tao. Gusto niyang magustuhan siya ng mga tao sa paligid niya . Gusto niyang laging mag-pa-impressed sa mga kaklase niya. Gusto niyang nililingon siya dahil para sakanya na lumaking walang pagmamay-ari at nakikihati lamang kay Heaven ay dapat na lagi siyang maganda para kaiingitan siya kahit yun lamang ang mayroon siya. Hindi nalang pinansin ni Akiko ang pagtawa at pang-aasar ng mga kaibigan kay Ivo. Kinuha na lamang niya ang phone niya at nag-browse sa social sites niya. Naramdaman niya ang mga tingin ng kaibigan kaya nag-angat siya ng tingin at saka napansin na tumahimik na pala ang mga ito. "Bakit?" Takhang tanong niya. Hindi siya sinagot ng mga ito kaya napailing na lamang siya. Muling tumugtog sina RJ at Vin sa mga gitarang hawak nila habang si Hunter ay kumakanta. Wala sa sariling nilingon niya ang gawi kung nasaan si Ivo at bahagyang napasinghap nang masalubong ang tingin nitong nakatitig sakanya. Inirapan na lamang niya ito para itago ang pagkagulat niya saka umayos ng upo. "Akala ko ba crush mo si Ivo? Diba you told me before?" Tanong ni Heaven nang silang dalawa na lamang sa bahay na iyon. "Wala naman akong sinabi na crush ko siya. Ang sabi ko lang ay gusto ko ang pagiging tahimik niya ngunit hindi na ngayon." Napailing na lamang si Heaven sa tinuran ng kaibigan saka hinawakan ang kamay nito. "Kung 'yan ang sabi mo, Aki." Hindi siya pinansin ni Akiko at tinignan na lamang ang tablet na hawak niya saka iyon inagaw sa kamay niya. Kasalukuyan kasi siyang tumitingin ng mga cocktail dresses na maaari nilang gamitin sa prom nila. "Anong color ba ang gusto mo, Heaven?" "Pink. Ikaw?" Sagot sakanya ng kaibigan. "Blue o gold." Kibit-balikat niya at nakisilip sa tinitignan ni Heaven. "Gold nalang. Mas bagay yun sayo." Sabi naman ng kaibigan na ikinatango nalang niya dahil ito naman ang bibili ng dress nilang dalawa. Napag-usapan na rin nila kung saang salon magpapa-ayos at kung anong klaseng ayos ang nababagay sakanila. Pati ang sapatos na gagamitin at mga accessories ay napag-usapan nalang nila at bibilhin na lamang ang mga iyon kinabukasan. "Kasama ba 'yung lima sa mall, bukas?" Tanong niya. Umiling si Heaven at tinignan siya. "Hindi. 'Yung kambal ay may pupuntahan kasama si Tita Eliza, habang yung tatlo ay hindi ko alam." Hindi na muling nagtanong si Akiko at lihim na nagpasalamat dahil walang mga magugulo na kasama nila bukas sa pamimili. Kahit na matagal na niyang kasama ang mga iyon ay hindi parin siya nasasanay sa kaingayan ng mga iyon sa hindi niya malaman na dahilan. Pagbukas pa lamang ng mall kinabukasan ay nandoon na agad sina Heaven at Akiko para mamili ng mga dresses nila dahil wala silang nagustuhang design sa online. Balak din sanang magpatahi ni Heaven sa isang sikat na fashion designer but Akiko refuses and suggested na sa mall nalang. Una nilang pinuntahan ang mga sikat na boutique at hindi naman sila binigo. Si Heaven ang unang nakabili ng dress niya na color dark pink na tube and above the knee. Simple lamang ang disenyo ngunit bumagay iyon kay Heaven at nagmukhang elegante nang suotin niya. May malaking ribbon iyon sa likod at may pair of pink hand gloves na pareho nilang ikinatuwa dahil ang ganda tignan kay Heaven. Nagmukha itong prinsesa na para bang kokoronahan. Wala sa sariling napabuntong hininga si Akiko. Hindi niya man aminin ay bahagya siyang na-iinggit sa matalik na kaibigan. Kung tutuusin, Heaven has it all. Maganda, matangkad, mala-porcelana ang balat, kutis mayaman, mabango, prinsesa, tinitingala, anak-mayaman at kung ano pang magandang katangian na madalas niyang itawag dito. Hindi siya ang tipo ng tao na nagpupumilit na pumantay kay Heaven at sa limang lalaki na kaibigan nila. Gusto niya lang talagang tingalain din siya dahil ayaw na niyang muling makutya ng mga taong mapanghusga dahil sa estado ng buhay niya. Mahal na mahal niya ang mga magulang kahit pa hindi nagawa ng mga ito na ibigay sakanya ang lahat ng bagay sa mundo. Tinuruan naman siya ng mga ito at pinalaki na huwag mantapak ng kapwa kahit na ilang beses na silang tinapakan. Hindi lamang niya talagang maiwasang maiinggit sa mga bagay na mayroon ang mga ito na hindi niya kayang bilhin. Tao lang din naman siya. Bata pa at uhaw sa mga bagay na uso. "Aki? Bakit hindi ka pa maghanap ng dress mo?" Muling bumuntong hininga si Akiko saka tumango kay Heaven. Matapos naman ibigay ng kaibigan ang dress sa sales lady ay magkalingkis silang nagtungo sa isang dako kung nasaan ang iba pang dresses na pagpipilian ni Akiko. Nakuha ang kanyang atensyon ng isang cocktail dress na suot ng mannequin na nadaanan nila. Off shoulder iyon na may long sleeves at iyong sleeves ay may raffles sa bandang wrist ganun din sa laylayan. May slit sa bandang tiyan na kita ang pusod kapag sinuot. "Gusto mo yan?" Tanong ni Heaven na ikinatango niya. "Sorry, Aki pero mukhang hindi naman pang-prom yan." Anito pa kaya napasimangot siya. Totoong hindi pasado sa panlasa ng mga teenager na gaya nila ang dress na iyon ngunit gusto niya talaga nito! Kahit na ba parang sinusuot lamang iyon na tila dapat pang-gala at hindi pang-party. "Pero ang ganda, Heaven..." "Okay. Isukat mo at kapag bumagay saiyo ay bibilhin natin yan..." Malapad ang ngiti niyang tinawag ang saleslady at pinahubad iyon sa mannequin. Malakas ang t***k ng puso niya habang sinusuot sakanya at halos mapatili nang tumugma sa sukat ng kanyang katawan. At her young age ay pinagpala na siya ng balakang at dibdib kahit na hindi ganoon ka-stand out ang kanyang pang-upo unlike Heaven na panalo sa dibdib at pang-upo. Humubog sa katawan niya ang dress at bumagay sa flat niyang tiyan. Iniayos niya pa ang nasa bandang balikat niya saka nagpaikot-ikot sa loob ng fitting room bago nakangiting lumabas at hinarap ang kaibigan. "Oh, my god, Akiko Joanne!" Exaggerated na wika nito na ikinatawa niya. After sa boutique ay nagtungo sila sa shoe shop at bumili ng stilleto na four inches na kakulay ng dress nila. And lastly, sa jewelry shop para sakanilang accessories. Gabi na nang makauwi sila at kahit nabili nila ang lahat ay medyo disappointed parin si Akiko dahil wala siyang napiling kwintas na babagay sa dress niya, bukod pa doon ay limit na ang card ni Heaven at wala silang dalang cash. Pagkalapag ng mga paper bags sa kama niya ay padapa siyang nahiga at pumikit. She was really tired kaya hindi na niyang nagawa pang magpalit ng damit at gawin ang kanyang night routine. Hanggang sa magising siya kinabukasan at kasalukuyang bumababa sa engrandeng hagdan nila Heaven ay iniisip parin niya ang kwintas na gagamitin. She do a research first thing when she wake up pero wala siyang nagustuhan, online. Kaya balak niyang dumaan sa isang jewelry shop na hindi nila napuntahan ni Heaven kahapon para tumingin doon. Bahala na sa pambayad, willing siyang gamitin ang savings niya na sinimulan niya pa since she was thirteen para sana sa pangarap niyang mag-aral sa ibang bansa sa college. "Good Morning, Akiko!" Bigla ay nawala ang pagsalubong ng mga kilay niya nang marinig ang boses ng Daddy ni Heaven. Doon niya napagtanto na nasa dining area na pala siya at lahat ay nakatingin sakanya, including her parents. "Good Morning din po, Sir Andrade." Saka dumako ang tingin sa mga magulang at mabilis na tinawid ang distansya nilang tatlo para yakapin ang mga ito. "Nanay! Tatay!" "Umayos ka, Akiko Joanne! Nasa harapan tayo ng hapag." Saway sakanya ng Ina ngunit mahigpit naman siyang niyakap na nagpangiti sakanya. "Namiss ko po, kayo..." "Kami din, anak..." Tugon ng kanyang Ama. Sila ang dahilan kung bakit gustong mag-aral ni Akiko sa ibang bansa. Gusto niyang magkaroon ng magandang pagtatapos para maganda din ang trabaho na mapapasukan niya. Buong buhay ng mga magulang ay naghihirap ang mga ito kaya pinangako niya sa sarili na magsisikap para maranasan ng mga ito ang maginhawang buhay. She has many goals in her life kaya wala siyang oras sa kung anumang ginagawa ni Ivo para sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD