Chapter 2

1330 Words
"Ano iyan?" Mataray na tanong ni Akiko habang nakahalukipkip na nakaharap kay Ivo na may dalang box ng ferrero at pilit na iniaabot sakanya. "Peace offering? Sorry na, Akiko." Muling nanumbalik ang alaala noong nakaraang linggo kung paano nito nakawin ang first kiss niya. Muling umusbong ang galit na nararamdaman dito ngunit nang magtama ang mga mata nila ay parang bula iyong biglang naglaho. "Sorry na, Aki." Anito pa at tipid na ngumiti. Lihim na nagtatalon ang puso ni Akiko dahil sa sinseridad na nakita niya sa mga mata nito. Maybe Ivo is really nice at all, mukha lang masungit sa hindi niya malaman na kadahilanan. "Bati na tayo pero hindi ko matatanggap yan." Nakakataba ang chocolate kahit na gaano pa yan masarap. She added in her mind. Ayaw na niyang bumalik sa dating shape ang katawan niya ngayon pang dalaga na siya. Gusto niyang manatiling maganda, at sexy para hindi siya mahirapan in the near future. Magsasalita pa sana si Ivo nang sabay-sabay na dumating ang mga kaibigan nila. Mabilis lumingkis si Heaven sa braso ni Aki at hinila ito. "Later nalang ulit, may meeting kami sa club." Wika ni Heaven na ikinatango nina Hunter at Homer. Tahimik na naglalakad sina Aki at Heaven patungo sa club room. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi parin mawala sa isipan niya ang itsura ni Ivo lalo na ng sabihin niyang hindi niya matatanggap ang tsokolate na binibigay nito as his peace offering. And, she felt guilty. "Why Aki?" Biglang dinig miyang tanong ni Heaven kaya nilingon niya ito. "Anong bakit?" Ganting tanong niya. "You always let a loud sighed. Ano ba ang iniisip mo?" Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din si Heaven. Hinila niya ito sa bench na nakita niya at naupo sila nang magkaharap. "Heaven, kanina kasi bago kayo dumating ay hinarang ako ni Ivo.." "Then?" "May inaabot siyang box of chocolate na peace offering daw, sinabi kong bati na kami pero hindi ko matatanggap yung chocolate. At alam mo ang dahilan, Heaven!" "Yeah. Takot kang tumaba o masira ang ipin mo." Patango-tangong wika nito. "Pero Aki, you might hurt Ivo's feeling." "Nakita ko ngang nalungkot siya." She sighed. "Hayaan mo na. Para malaman din niya na sa susunod ay hindi na chocolates ang ibigay niya saiyo." Ngingiti-ngiti si Heaven na tumayo at hinila siya. Nagpatuloy sila sa paglalakad na medyo naguguluhan ngunit mas piniling huwag na lamang iyon isipin. Matapos sa club nila ay nagtungo sila sa cafeteria to buy a tuna sandwich for their lunch. Wala ang limang lalaki na kaibigan nila na usually ay kasama nilang mag-lunch. "Saan pala sila Hunter?" Tanong ni Aki nang mapansin na sila lamang na dalawa sa table na lagi nilang inuupuan. "Practice. Next week na ang prom, diba?" Wika ni Heaven na bahagyang ikinagulat ni Aki. "Seryoso bes? Bakit ngayon ko lang nalaman?!" Hindi niya mapigilang sumigaw. Prom was one of the occassion in middle school na pinaka-aabangan ni Akiko. "Dahil hindi ka nagbabasa sa bulletin, Akiko. Matagal ng pinost yun doon." The prom occupied her mind hanggang sa matapos ang klase nila. She let a sighed at naupo sa bus stop na mag-isa. She doesn't have a car at wala ang mga magulang niya ngayon sa bahay nila dahil sa relative nila na namatay sa probinsya kaya wala silang driver ni Heaven which is ang Tatay niya. Solo nila ni Heaven ang bahay at solo din siyang uuwi dahil hihintayin daw nito ang boyfriend na si Hunter na nagpapractice parin. Gusto niya sanang manuod pero tinatamad siya. Ayaw din niyang makita si Ivo dahil nga guilty siya sa ginawa niya. Nang may humintong bus ay mabilis siyang umakyat. Ini-scan lamang niya ang card sa scanner as her fare saka naghanap ng upuan. Muli na naman siyang napabuntong hininga saka tumingin sa labas ng bintana. It was past midnight at hindi parin makatulog si Akiko. Hindi umuwi si Heaven at sinabi lang nito kanina nang tumawag ito na doon kina Hunter mag-o-overnight. Ayaw niya sanang payagan pero alam niyang hindi magpapapigil ito. Bumangon siya at bumaba mula sa second floor. Nagtungo siya sa kitchen at naghanap sa cup board ng gatas. Nagtimpla siya ng gatas niya ay marahan iyong ininom. "Akiko.." Muntik na niyang mabitawan ang baso sa gulat ng biglang lumitaw sa harapan niya si Ivo. Mabilis niyang nilunok ang gatas saka gulay na tinignan ito. "Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" "Hindi naka-locked ang pinto, Aki." Simpleng wika nito saka lumapit sakanya. Agad naman siyang umiwas at inubos ang gatas. "Wala dito si Heaven." Sabi pa niya saka naglakad palabas sa kusina. Hindi na siya nagulat ng sundan siya nito sa sala at naupo sa tabi niya. "Ano ba, Ivo?!" "Sinabihan ako ni Heaven na samahan ka dito. Mag-isa ka lang daw." Nagkibit-balikat ito na ikinakunot ng noo niya. Hindi siya naniniwala. Hindi kailanman manghihingi ng tulong si Heaven kay Ivo dahil alam ng kaibigan na inis siya dito. "Talaga?" Imbis ay sabi niya na kunwari ay masaya. "Pero kaya ko naman kasing mag-isa. Sanay na ako kaya makakaalis kana." Seryoso niyang wika saka mataman itong tinignan na hindi naman nagpatinag. "Bahala ka nga sa buhay mo!" Sabi na lamang ni Aki nang mapagtanto na wala siyang mapapala kung kakausapin niya ito. Mabilis siyang nag-martsa paakyat sa kwarto niya at hindi na muling bumaba. Mukha din epektib ang gatas dahil nagawa niyang makatulog. Mataas na ang sinag ng araw ng magising si Akiko. Agad siyang naligo bago bumaba at hindi na nagulat nang mabungaran si Heaven at Hunter sa sala na naglalambingan. "Good afternoon, Akiko! May pagkain sa fridge. I-microwave mo nalang." Tumango siya at kinawayan si Hunter na tumango at ngumiti sakanya. Kinuha niya ang menudo sa fridge na nakalagay sa tupperware af nilagay sa loob ng micro. She feed herself after ng tahimik hanggang sa may umupo sa harapan niya. "Hi, Akiko." She can't help herself but to roll her eyeballs nang makita si Ivo. "Bakit na naman?" Kung kahapon ay nagi-guilty siya dahil sa hindi niya pagtanggap ng peace offering nito ay binabawi na niya! Mas dumoble pa ang inis niya dito. "Naisip ko kasi, Akiko. Matagal na tayong magkaibigan pero hindi tayo naging close, sa tingin mo, Aki, bakit kaya?" Sabi nito and she just shrugged her shoulders at nagpatuloy sa pagkain. Naisip niyang ignorahin nalang ito kesa makipagtalo pa. Ayaw niyang masira ang tanghali niya lalo pa't kakagising lamang niya. "Can we be close friends, Aki?" Hindi niya parin ito pinansin kahit na napapantastikuhan siya dahil madaldal ito ngayon. She met Ivo as man with few words kaya talagang nakakagulat. Nang maubos ang pagkain ay mabilis siyang tumayo at niligpit ang pinagkainan. Hinugasan din niya ang mga plato na nasa sink at nang ma-sanitize ang kamay ay lumabas siya sa back door patungo sa may pool. Naabutan niya doon sina Homer, Vin at RJ na nagkakantahan. "Hi Akiko!" Masayang bati ni Homer nang makita siya kaya dito siya tumabi na nakaupo sa damuhan sa gilid ng pool. Tahimik siyang nanunuod sa tatlong pare-parehong may hawak na gitara nang pumasok sila Heaven, Hunter at Ivo at naupo sa harapan niya. Masaya silang nagkantahan habang nakikinig lamang sila ni Heaven at paminsang tumatawa kapag nagkakalituhan ang mga ito. "Nga pala, Aki. May date ka na ba sa prom?" Biglang tanong ni Vin. Nahinto sa pagtugtog sina RJ at Homer at napatingin sakanya. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito kaya napairap na lamang siya. "Sino, Aki?" Tanong naman ni Ivo na inirapan lamang niya. "Wala naman available sa inyong lahat, diba? Tutugtug kayo?" Tanong na lamang niya dito. "Si Ivo, hindi. Kaya nga hindi niya dala drumstick niya." Wika ni RJ sabay tawa. Wala sa sariling napatingin siya kay Ivo at nagtaka dahil nakayuko ito habang namumula ang mga tenga. Lalong lumakas ang tawanan ng mga kaibigan nila habang siya ay litong-lito parin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD