Hehe, nakatulog ba kayo nang mahimbing? "Hindi," sagot ni Sett at umiling-iling pa nang mabasa niya iyong nilagay kong letter na nilagay ko kasama iyong binigay kong chocolate. Hindi lang si Sett ang binigyan ko kundi si Haunth din kanina na nasa room namin ngayon. Hindi pa nagsisimula ang klase kaya naman pumunta narin ako rito sa room ni Sett nang makita ko siyang dumaan sa room namin. "Aba, ikaw na ang nanliligaw ngayon, Shannel?" Tinignan ko naman nang masama iyong palapit na si Austin saka imabot iyong kulot niyang buhok at mahina itong sinabunutan. Natawa naman si Austin at naupo na sa tabi ni Sett saka kinuha mula sa kamay ni Sett iyong chocolate. "Thank you," pasalamat ni Austin. Sinubukan namang sakalin ni Sett si Austin gamit iyong braso niya.

