bc

Mga Kwento sa Dilim (SERIES)

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
others
tragedy
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

Nakaranas ka na bang matakot sa sarili mong kadiliman?

Bawat isa sa atin ay may sariling kadilimang mariin nating itinatago at kinakalimutan. Mga kadilimang nagbibigay sa atin ng samu't-saring karanasan. Ito'y mga kakaibang paglalakbay upang hanapin ang sarili, pagbabagong pinagpipilian. Bakit pa kailangan pumili kung ang nais ay katahimikan sa sarili? Dahil sarili mo mismo ang iyong kadiliman.

chap-preview
Free preview
Prologue Story (Kambal Anino)
“Ma, saan ka pupunta?” tanong ko sa palabas na matanda sa may pinto.   “Nak, diyan lang ako sa kapitbahay natin, mangungumusta lang kay Tito Topi mo. Wag kanang sumama, bantayan mo diyan ang tindahan at ang kapatid mo.” tugon niya sa akin.   “Ah, segi po ingat po kayo madilim pa naman sa daanan pauwi.” pag-alala ko,   “Oo anak, salamat. O siya, alis na ako, bantayan mo ang kapatid mo. Baka anu-ano na naman ang gawin nun.” ang huling tugon niya sa akin.   “Opo Ma!” sagot ko pabalik.   Dapit-hapon na nang umalis si Mama ng bahay. Nasa loob lang ng bahay namin ang tindahan namin kaya ni-lock ko lang ang maliit na parang pinto tsaka ko hinanap ang kapatid ko.   Pinuntahan ko ang kapatid ko na nasa loob ng kwarto namin at nag-aaral. Nakakatakot kayang maiwan sa bahay kasama ang kapatid ko kasi kung anu-ano ang kanyang ginagawa. May mga pagkakataong nakikita ko siyang nakatulala na nakatingin sa labas ng balkonahe namin. Kung tatanungin mo siya kung ano ang tinitignan niya di naman siya sumasagot ng maayos.   Kesyo daw may tao sa puno ng kaimito at kumakaway sa kanya o kaya naman ang dami daw tao sa labas ng hardin. Eh, wala naman akong nakikita, minsan pinagsabihan ko siya na wag na siyang manuod ng mga palabas na cartoons baka kasi yun ang dahilan bakit siya ganyan.   Si mama naman eh, di rin naniniwala sa kanya kasi di rin niya nakikita ang mga nakikita ng kapatid ko. Pero naiinis ako sa kapatid ko kasi gusto ko siyang kausapin ayaw naman niya, kesyo daw may bisita siya. Napapraning na ata itong kapatid ko. Papunta na ako sa kwarto namin, “Erol, tulungan mo naman si Kuya na magluto ng hapunan.” walang tugon akong narinig. Wala rin ang kapatid ko sa loob ng kwarto.   “Erol, Erol, Erol, nasaan ka ba?” “Erol!” malakas kong sambit sa pangalan niya, wala parin akong narinig na tugon.   Ang sa isip ko’y baka naglalaro na siya kaya di ko nalang din siya hinanap pa. Nagpunta ako sa kusina para magsaing at maghanda para pag-uwi ni Mama ay kakain na kami agad.   Nang matapos akong magluto, ay siya namang pagbalabag sa loob ng kwarto namin rinig ko pa ang lakas ng pagdabog ng pinto.   “Erol! Ikaw ba yan?” tanong ko, pero wala naman akong sagot na naririnig.   “Erol!” galit kong sambit sa pangalan niya.  Minsan talaga may saltik tong kapatid ko magdabog ba naman ng ganun nakakagulat kaya.   “Bakit ka ba sumisigaw?” tugon ng boses na nasa likod ko. Napaigtad ako bigla at nilingon ko kung sino. Nakita ko ang kapatid kong sobrang dumi ng damit at mukha nito. Para siyang galing sa pangangalkal ng basura sa basurahan.   “Eh, anong nangyari sayo at bakit ganyan ang hitsura mo? At saan ka galing? Ikaw ba yung nagdabog at naghampas sa pinto, sobrang lakas ha?!” malakas kong sabi.   “Nagdabog? Naghampas? Eh, Kuya galing ako sa labas at saka wala ako sa kwarto. Tinatawag mo ako, di mo ako narinig na nasa labas ako.” sagot niya sa akin.   “Akala ko nasa kwarto ka at nag-aaral.” tugon ko naman.   “Ha? Paano nangyari yu Kuya eh, nasa labas ako buong maghapon.” sagot niya. Nalilito na talaga ako kasi nakita ko siya kanina sa kwarto na nag-aaral. Nandun kaya ako sa loob kasi nagtutupi ako ng mga damit namin na pinlantsa ni Mama.   “Eh, nakita kaya kitang pumasok sa kwarto kanina bago umalis si Mama papunta kina Mang Topi.” sabi ko sa kanya.   “Kuya, nasa labas talaga ako buong maghapon at saka napaka-imposible ata na nasa loob ako. Nakita ko kaya si Mama palabas at nagpaalam din siya sa akin na aalis siya. Di daw ako magkukulit sayo.” sagot ni Erol na may halo ng pagtataka sa boses nito.   “Eh, sino yung pumasok kanina sa kwarto natin?” nagtatakang tanong ko sa kanya.   “Ewan ko sayo Kuya, maliligo napo ako kasi ang dumi ko.” paghingi ng pahintulot niya sa akin.   Nagtataka parin ako kasi siya talaga ang nakita ko kanina at saka paano siya napunta sa likod ko eh, wala namang pinto dito papasok galing sa labas. Naninindig ang mga balahibo ko nang mapagtanto ang mga pangyayari nang may narinig akong kalabog sa may kwarto namin. Naalala ko na ang kapatid ko ay nasa loob.   “Erol? Anong nangyari?” tanong ko habang palakad papunta sa taas.   “Kuya!” sigaw ng kapatid kong halatang nasasaktan ang boses.   “Erol!” di ko na napigil na tumakbo at buksan ang pinto pero sa aking pagtataka eh, nakalock ang pinto at naririnig ko si Erol na nagpupumiglas at parang nauubusan ng hininga.   “Erol! Buksan mo ang pinto! Erol!” pasigaw kong tawag sa kapatid kong nasa loob, nanginginig ako sa takot dahil sa mga nangyayari.   “Kuya! Tulong!” iyak niyang sigaw sa akin na naghihingalo.   “Erol!” di ko parin mabuksan ang pinto kaya tintadyakan ko na ang doorknob nito at ibinubunggo bunggo ang katawan ko para mabuksan ko ang pinto.   Nang nabuksan ko na ang pinto tumambad sa akin ang mga damit at gamit na nagkalat. Si Erol ay nakahiga at sinasakal ng isang bata. Nakatalikod ito sa akin at hindi ko makilala kung sino.   “Hoy! Anong ginagawa mo sa kapatid ko? Bitawan mo ang kapatid ko!” Sinunggaban ko kaagad ang bata na nanakal sa kapatid ko. Tsaka ko hinablot at pinatayo ang kapatid ko.   “Erol, okay ka lang? Anong nangyari?” tanong ko sa kapatid ko na hinihingal at huminga ng malalim.   “K-k-kuya,” turo niya sa bandang likod ko, nandun ang batang ngayon ay nasa harapan na namin. Mas natakot ako kasi kamukha niya si Erol, di’ para siyang kambal ni Erol.   “K-k-kuya, sino siya? Ba’t kamukha ko siya?” nagtatakang tanong ni Erol sa akin.   “Di ko alam? Sino ka? Ba’t kamukha kayo ng kapatid ko?” tanong ko sa batang napuno na ng luha ang mga mata.   “Kuya Ethan, ako to si Erol.” pagsusumamong sabi ng batang kamukha ni Erol.   “Ha?” takang tanong ko. Tinignan ko ngayon si Erol na nasa tabi ko at ang Erol na nasa harapan ko. Nalilito talaga ako sino sa kanila ang kapatid ko. Napabitaw ako kay Erol at dahan-dahang napahakbang palayo sa kanila.   “Erol? Bakit kayo naging dalawa?” tanong ko sa kanila at tanong ko rin yan sa sarili ko. Natatakot na ako dahil sa nakikita ko. Habang patuloy parin akong humahakbang palayo sa kanila ay siya namang hablot nung isang Erol sa kaliwang kamay ko.   “Kuya, maniwala ka ako talaga ang totoong Erol. Isa lang siyang elemento na nanggagaya ng mukha. Kuya, maniwala ka.” pakiusap ng batang kamukha ni Erol.   “Kuya wag kang maniwala sa kanya. Ako ang totoong Erol.” madiing sabi ni Erol na nakahawak sa kanang kamay ko. Natatakot talaga ako sa mga nangyayari at wala akong maisip na katotohanan sa mga sinasabi ng dalawa.   “Kuya Ethan, tulungan mo ako.” pakiusap ng batang kamukha ni Erol.     “Kuya, wag kang makinig sa kanya.” saad naman ni Erol. Takot ako talagang takot na takot. Nanginginig na ang buong katawan ko at walang kahit anong salita ang lumalabas sa bibig ko. Pinagpapawisan na ang buong katawan ko at manhid na ang buong kalamnan ko. Para akong masusuka dahil sa takot at nginig ng may narinig kaming tawag sa baba.   “Ethan! Erol! Mga anak asan kayo? Nandito na si Mama!” Tinignan ko si mama sa baba na naghahanap sa aming dalawa ni Erol.   “Ma---ma---…” walang lumalabas na boses sa akin pero sa isip ko ay sobrang lakas na nang pagkabigkas ko ng Mama.   “Ethan, Erol! Asan naba kayo?” takang hanap ni Mama sa amin. Tinawag ko ulit si Mama. Pero wala talagang boses na lumalabas sa bibig ko hanggang sa tiningnan ko ang dalawang Erol na nakakapit parin sa akin at nakita ko ang mga mata nila na namumula ta nangingiting para kang kakainin ng buhay.   Hanggang sa di ko nakayanan ay nagpumiglas akong makawala sa kanila. Nilabanan ko ang takot ko at pinagbibitaw ko silang dalawa. Sa sobrang kapit nila sa braso ko ay di ko nakayanan at naupo ako sa sahig. Taka kong tiningnan sila pareho nag-iba na sila ng anyo. Maitim na may sungay, matatalas ang ngipin at may mahabang buntot. Sa kanilang pag-iiba ay nagging mas maliit pa sila sa kamay ko.   Napasigaw ako kasi kinagat nila ako at nakita kong maraming dugo na ang lumabas at tumutulo na ito sa mga braso ko. Nakita ko si Mama na nakatayo na sa harap ko at nakatitig sa akin. “Ma, tulungan mo ako.” hingi ko ng tulong kay Mama. Wala lang itong imik at nakatitig lang sa akin.   “Ma!” sigaw kong tawag sa kanya. Akma siyang lalakad palapit sa akin at nakita ko ang mukha ni Mama na nagbago at naging pula ang kanyang mga mata, tumutulo ang kanyang laway at naging matalas ang kanyang mga ngipin.   “Ma? Anong nangyayari sayo?” takang tanong ko kay Mama.   Papalapit na si Mama sa akin at para siyang nagiging lobo na naglalaway sa pagkain. Ang dalawang maliliit na nasa braso ko ay bigla nalang nawala pero tumutulo parin ang dugo sa braso ko.   Tiningnan ko ulit si Mama at akmang hahambalosin niya ako ay tumayo ako at tumakbo. Parang naging aso si Mama na mas lalong ikinatakot ko. Tumakbo ako sa loob ng kwarto namin ni Erol at umakyat sa isang maliit na butas sa taas ng kisame. Ipinihit ko ang lock sa mumunting pinto at nagtago ako.   Sa isip ko’y “anong nangyayari?” sobrang natatakot na ako. Tumutulo ang pawis ko sa mukha at wala na akong pakialam, ang sa akin ay makalayo ako dito. Di ko napagtantong ang dilim na sa loob ng pinagtataguan ko. Pero naririnig ko parin ang paghambalos ni mama sa pinto. Iiyak na sana ako ng may narinig akong munting tinig sa bandang kaliwa ko.   “E~~~~than…” Mahina ang boses pero rinig ko,   “E~~~~than…” tawag ulit nito sa akin. Di ko na napigilang tumingin sa kinaroroonan ng boses at nang lumingon ako ay laking gulat ko na makita ang maliwanag na mukha ko sa salamin na nakatingin sa akin at nakangiti. Sa sobrang gulat at takot ay napasigaw ako ng napakalakas at, at, at,…   “Ethan! Ethan! Ethan! Hoy gising Ethan! Nananaginip ka! Ethan!” yugyug sa akin ni Mama na ngayon ay nag-aalala sa akin. Napabalikwas ako bigla dahil sa pangyayari.   “Panaginip?” takang tanong ko sa kanila.   “Kuya, nananaginip ka ng di maganda kasi sobrang lakas ng sigaw mo at klarong takot na takot ang mukha mo.” pagsasaad naman ni Erol sa ekspresyon ng mukha ko.   “A-a-anong na-nangyari?” ang siyang nasabi ko nalang sa kanila na may kasamang panginginig.   “Yan kasi dahil sa kahilig-hilig mo diyan sa mga horror books kaya yan tuloy pinapanaginipan mo na.” pagalit na sabi ni Mama sa akin.   “Kuya, inom ka muna ng tubig o…” abot sa akin ng tubig ng kapatid ko.   “Tsaka Kuya wag kanang matulog ng busog nakakabangungot kaya yan.” pag-aalalang sabi nito.   “Sorry, napag-alala ko kayo ni Mama, Erol.” paghingi ko ng tawad sa kanila.   “Naku, segi okay na. Tumayo kana diyan at kakain na tayo. Salamat pala sa pagluluto ng pagkain anak ha, nagmamadali pa naman akong umuwi kasi akala ko di ka nakapagluto.” masayang sambit ni Mama. Mas lalo akong nagtaka kasi sa panaginip ko ay nakaluto ako ng hapunan namin pero paanong? Tanong ko sa sarili ko ng may nakita akong anino na nakatayo sa likod ng pintuan. Iniluwa nito ang mukhang nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko at siyang nagpasigaw sa akin. “AAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook