THEA Nakabalik ako sa katinuan nang may humawak sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Bumaba ang mata ko at nakita ko ang kamay ng kaibigan ko. Marahan niya itong pinisil. Alam kong nag-aalala siya sa akin. Ayokong tumingin sa kanya dahil kilala ko ang sarili ko. Sa oras na ginawa ko iyon, baka hindi ko mapigilan ilabas ang emosyon ko. Sa halip, yumuko na lang ako at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. “Enough, babe,” Clarkson said softly. “Oh, sorry. I got a little carried away, babe,” Rosie said. Pasimple akong humugot ng hininga bago nag-angat ng mukha. Kaagad nagtagpo ang mga mata namin ni Clarkson. Peke akong ngumiti kahit blangkong ekspresyon lang ang nababanaag sa mukha niya. “Ang tagal na ninyong dalawa. Wala pa ba kayong balak magpakasal?” These words were like a knife stabbing me.

