Chapter 96 Safe

2017 Words

THEA Hapon na kami natapos sa pagliligpit ng mga gamit ko. Mag-aarkila lang kami ng sasakyan para makuha na ang mga ito at mailipat na sa bahay. “Let's head back home so you can get some rest.” Sinipat ko ang pambisig kong relo. Alas kwatro pa lang ng hapon. Sinulyapan ko siya. “Pwede ba nating puntahan si Penelope?” Tinitigan niya ako. Nagdadalawang-isip pa siguro siya. “Magpahinga ka na muna. Pwede naman natin siyang puntahan sa ibang araw. Isama na rin natin ang parents mo.” “Please, mahal ko,” malambing na pakiusap ko. Gusto kong alamin ang sitwasyon ni Penelope para mapanatag ako. “Malayo ang tirahan ni Penelope, Thea. Baka gabihin tayo sa daan,” matigas niyang sabi. Hindi niya pinakinggan ang pakiusap ko. Hindi ako sumagot. Baka iniisip lang niya ang kalagayan ko. Kanina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD