THEA Napatayo ako nang humakbang si Clark palapit kay Chris. Humarang agad ako sa kanya para hindi niya malapitan si Chris, saka nakikiusap ko siyang tiningnan. “Clark, please. Kaibigan lang siya ni Aiden. Wala siyang kinalaman sa nangyari,” paglilinaw ko sa kanya. Unti-unting kumalma ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Nabigla lang siya dahil sa nalaman niya, kaya pati si Chris ay gusto niya pagbuntunan ng galit niya. “I'm sorry, dude. Kung alam ko lang, pinigilan ko si Aiden.” “Sabihin mo sa kaibigan mo, duwag s'ya. Hindi siya marunong lumaban ng patas. Dahil sa kagaguhan niya, buhay ng kaibigan ko ang nawala. Kung hindi kami nawalan ng preno, hindi sana kami maaabutan ng mga lalaking iyon. Walang ibang dapat na sisihin dito kundi ang walanghiya mong kaibigan,

