CLARK Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako kikilos ng normal sa harap niya, lalo na’t paggising ko ay makikita ko siya. Damn, I've never felt this tense in my entire life.” Kung dati, nakakatulog agad ako, ngayon ay hirap na hirap ako. Sino ang makakatulog kung aware ako na nasa kabilang kwarto lang ang babaeng kumuha ng atensyon ko? Lumabas ako ng silid ko at pumunta sa kusina. Kailangan ko ng pampatulog para makatulog na ako. Kumuha ako ng canned beer sa refrigerator. Binuksan ko ito at umupo sa upuan. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, saka mahina akong natawa. “What a coincidence.” Hindi pa rin ako makapaniwala na kaibigan siya ni Chazzy. Pero bakit noong huling pumunta ako sa school nila ay hindi sila magkasama? Sabagay, umalis agad ako nang makita ko a

