CLARK “Sino ang pinatay niya?” “Hmm, let me think.” Dinala niya ang kamay sa baba niya na parang iniisip kung sino nga ba ang pinatay ni Aiden. “Sa pagkakaalam ko, may pinu-pursue siyang babae dati. Pero bukod sa kanya, meron pang isang lalaki ang umaaligid doon sa babae. Hanggang sa nagkaharap si Aiden at ang lalaki at nagkainitan. Ang sabi nila, self-defense lang ang ginawa ni Aiden, kaya napatay niya ang lalaki. Pero may nagsabi na intensyon daw talaga ni Aiden na patayin ang lalaki para hindi na makalapit doon sa babae. Kinasuhan si Aiden ng pamilya ng lalaki, pero dahil sa pera at impluwensya ng pamilya ni Aiden, hindi siya nakulong. After that controversy, Aiden left the Philippines. The news didn't spread either. I think the parents of the man he killed were also paid off. Bumali

