CLARK Ilang araw nang nakaburol si Tanner, pero kahit anino ko ay hindi makikita sa burol niya. Iniisip siguro ng nakakakilala sa amin na wala akong pakialam sa kaibigan ko dahil hindi man lang ako nagpakita kahit sa huling lamay nito. Ang hindi nila alam, araw-araw akong pumupunta, pero hindi lang ako nagpapakita. Nagtatago lang ako sa labas ng chapel at lihim na nasasaktan habang nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko. Huli ko siyang nalapitan noong nahimatay siya sa ospital. Pagkatapos, hindi na ako nakalapit sa kanya. “Ito na ang huling beses na lalapit ka sa anak ko, Clarkson. Stay away from my daughter, or I'll take her away from you permanently.” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko ang huling pag-uusap namin ng ama niya. Kaya wala rin akong lakas ng loob na lapitan siya k

