Chapter 24 Forbidden Island

2047 Words

THEA Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Excited na akong makarating sa isla na pupuntahan namin. Sa sobrang kasabikan ko, hindi ako nakatulog ng maayos. Maraming tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko alam kung sabik ba ako na makarating sa isla, o sabik akong makita si Clarkson. Ngayon ko pa lang malalaman kung seryoso ako sa sinabi ko sa kaibigan ko na magmo-move on na ako sa kapatid niya, dahil ngayon ko palang makikita ulit si Clarkson. Bago ako pumunta sa tagpuan, dinaan ko muna si Nos sa bahay ng magulang ko para iwan ito. Habang nasa biyahe, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Aiden. “Are you free?” he asked. Kaagad kong sinagot ang mensahe niya. “I'm sorry, may pupuntahan ako.” Mayamaya lang ay tumatawag na siya, kaya kaagad kong sinagot ang tawag niya. “Nakaalis ka na?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD