THEA Masaya ang puso kong makita siyang muli. Pero ano nga ba ang ginagawa niya dito? Mayamaya lang ay bumaba ang mata ko sa hawak niya. Para sa akin ba ang mga iyon? I approached him with a smile, trying to ignore the cold look he was giving me. “Pinuntahan mo ba ako?” nakangiting tanong ko. Puno ng excitement ang boses ko. Hindi ko naitago ang pagkasabik ko na makita siya. Inabot niya sa akin ang maliit na paper bag. Para sa akin nga ang dala niya. Hindi ko inaasahan na may ibibigay siya sa akin pagkatapos niyang hindi magpakita ng tatlong buwan. “Galing kay Chazzy. Dalhin ko raw sa ‘yo.” Parang may dumagan na mabigat na bagay sa akin nang marinig ang sinabi niya. Kung gaano kataas ang expectations ko, iyon naman ang mabilis na lagapak ko. Kaagad napalitan ng pagkadismaya ang na

