THEA It's been three months since I last saw him. Ito ang pinakamatagal na hindi ko siya nakita. Lagi ko siyang tinatanong kay Chazzy, at ang laging sagot ng kaibigan ko ay busy raw ito. Minsan na rin sumagi sa isip ko na baka ang dahilan ng hindi niya pagpapakita sa akin ay dahil sa nangyari sa kwarto. Baka nagi-guilty siya dahil hindi sinasadyang nahalikan niya ako. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, saka sinilip ang telepono ko; nagbabakasakali na may naligaw na mensahe mula sa kanya. Kahit na text ay hindi na ako nakakatanggap galing sa kanya. Hindi ko magawang padalhan siya ng mensahe dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Ayokong ako ang unang gumawa ng paraan para lang makausap siya. “Okay ka lang?” Napatingin ako sa kasama ko. Bigla akong na-guilty. Siya

